Umihip ang malamig na simoy ng hangin at kasabay nito ay ang pagtakas ng ilang hibla ng buhok ko sa aking tenga.
"Wear this." napalingon ako kay Kyle na ipinatong ang kanyang jacket sa akin.
"Why are you still here?" tanong ko sa kanya.
Sa hindi malamang dahilan ay hindi siya sumama sa pakulo ni Flamey ngayong gabi. Dalawang araw bago ikasal sila Tanya at Janus.
Napainom tuloy ako ng wala sa oras at medyo tipsy na ako ngayon dahil sa frustration ko sa kanya.
"Use untie in a sentence." kumunot ang noo ko sa tanong niya.
"What?" takang sagot ko.
"Nag-UNTIE ako sayo Cayrie." halos matawa na ako sa kanyang sinabi pero dahil nga nagtatampo ako sa kanya ay hindi ko ipinakita ang pagngiti ko.
"It's getting late, I need to go home." inalis ko ang kanyang jacket at ibinato iyon sa kanya saka ako naglakad paalis sa Hanging Garden kung saan ginanap ang pakulo ni Flamey.
"Wait up! I'll take you home. Sorry if I'm not here earlier." hindi ko siya pinansin at agad king sinalubong si Melon na kasama si Mango.
"We're going home Melon!" angil ko at kinarga ko siya.
"Hey Cayrie. Let me explain. I need to get something very special this day, that's why I didn't make it." napalingon ako sa kanya.
"Oh, more important than Flamey? Than our group? Than me?!" halos isigaw ko iyon sa kanya.
Binato ko siya ng maliit na Meteor pero inilagan niya iyon.
"What I get was for you." nagulumihanan ako sa sinabi niya at bigla siyang lumapit sa akin.
"You heard that meteor crashed one day ago right?" so anong kinalaman ng meteor na iyon?
"I've heard from Drake that the meteor has this reddish-yellow stones in it." ano? Binenta niya iyon para yumaman?
"I got some of it and made this with the help of Dad." bigla niyang inilabas ang dalawang singsing na ikinagulat ko.
Kulay black ang pinaka katawan noon habang kumikinang ang maliliit na batong sinasabi niya.
"What's the name of the stone?" tanong ko sa kanya.
"Akaro." maikli niyang sagot at pinagsalikop ang mga kamay namin.
"I'm not asking you to be my wife, cause I'll really turn you into Mrs. Yin, I mean this, I want you Cayrie. I love you so much." pagkasabi niya noon ay isinuot niya ang isa sa akin at isinuot ko sa kanya ang isa pa.
"So perfect. I love you too Kyle. More than anyone else here in Arkaios." naibulong ko.
"Just like you and me Cayrie." hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at hinalikan ako sa labi.
Naramdam ko ang libo-libong paru-paro sa loob ng kalamnan ko na nagbibigay ng kakaibang kiliti sa akin.
Simula ng mawala si Rairi ay mas naging vocal si Kyle towards me. Hindi na siya gaanong cold o masungit o poker faced. Masaya na at maaliwalas ang kanyang aura at natutuwa ako doon.
Muling umihip ang malamig na hangin at ng maghiwalay kami ni Kyle ay nasa loob na ako ng kwarto ko sa bahay namin sa Pyrheus Region.
Dito kami uuwi ni Frost hanggang sa ikasal sila Tanya at Janus dahil wala kaming klase sa La Telmene.
Kung paano kami nakapagteleport ng hindi kasama sila Melon at Mango ay hindi ko na lang muna aalamin.
"Thank you Kyle. You don't know how much I am happy right now." sabi ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Twins of Arkaios
FantastikElementians (Feyare) Series #2 /ar-ke-yos/ as the battles continue evil can come in darker hue showers of meteor and ice witness with your own eyes Twins of Arkaios: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2015) LANGUAGE: TagLish Status: Completed