TOA 41 - Icy Beast
Seren's POV
Hindi ko alam kung ilang segundo akong napatitig kay Rairi na umiiyak habang kulay itim ang kanyang buong eyeballs at kay Master Irvo na naging dust na.
"Hindi na kayo nakuntento?! Una si Mom! Tapos si Dad nawala na rin! And then si Kuya Irvo?! This is too much!" sigaw ni Rairi sa akin at nagulantang ako sa lakas ng sampal niya.
Naisin ko mang lumaban ay hindi ko na magawa pa. Nawala ang mga pakpak ko at napaluhod ako, dahil sa panghihina, pagkagulat at takot. Sa mga mata ni Rairi na kukay itim, ramdam kong kayang kaya na niya akong patayin ngayon.
Naglabas si Rairi ng isang itim na Water Dagger at itinutok sa akin.
"Pasalamat ka at kailangan kita ng buhay, pero later on mamamatay ka rin." bulong niya sa akin at pinadaan ang kanyang Dagger sa pisngi ko. Nakita ko ang pagbabalik ng dating kulay sa mga mata niya at nawala ang itim na bumabalot doon.
Gumuhit ang dagger niya at ramdam ko ang sugat na ginawa niya sa pisngi ko.
Napasulyap ako kay Kyle na ngayon ay wala na palang malay at kay Frost na hanggang ngayon ay hindi pa rin nagigising.
"Irria!" napalingon kami ni Rairi sa may pintuan at nakita ko si Light na may kasama.
"Oh, we have a new visitor? Welcome to darkness!" naikuyom ko ang mga kamay ko dahil sa pati siya ay dinamay nila. May sariwa siyang mga sugat, pero hindi niya kasama ang Eidolon niya.
Kita ko ang gulat sa kanyang mga mata dahil sa nakita niyang sitwasyon dito. Napansin ko ang pagtulo ng mga luha niya ng dumako ang paningin niya sa kakambal ko.
----
Heavenne's POV
Hindi ko magawang magpahinga dahil alam kong baka nanganganib si Frost. Bakit ba naman kasi mag-isa siyang umalis?
"Walang maitutulong ang ganyang negativity sa atin." pagsasalita ni Cast sa akin at napabuntong hininga ako.
"I really have these bad instinc.." hindi ko natapos ang sasabihin ko dahil parang may narinig akong nag-uusap sa may labas ng kwarto kung nasaan ako.
"Haelles is missing! Malamang sinundan niya si Frost." boses iyon ni Garns.
"You're right, hindi na natin siya mahahabol dahil kanina pa siya nakaalis." pagsagot ni Lady Aletheia.
"You know his plan?!" galit na saad ni Lady Lachise.
"I can read mind and plans! But I chose to let him, maybe the Seren and Frost will be needing his help." sa narinig ko ay napatingin ako kay Cast.
"I don't like that look." bulong niya pero agad ko siyang kinarga at lumabas kami sa may bintana.
Sakto namang malapit lang pala kami sa kwadra kung saan nagpapahinga si Purple. Ang anak ng Pegasus ni Tita Naia na si Lilac.
Sumakay kami agad kay Violet at palihim na umalis ng Poli Mana.
"Sorry Mom." bulong ko at naramdaman ko ang pag-iling ni Cast.
"Purple, follow Haelles and Mango's scent!" binalewala ko na lamang si Cast at nagfocus sa desisyon ko.
Buti na lamang at magaling si Purple dahil madali naming nahanap ang lugar na pinuntahan ni Haelles at Frost.
"Larcia Tower." I felt shivers running down my body but I ignored it.
"Tara na! Kailangan na nating makuha ang Elemental Orbs at ang Crystals sa kanila!" narinig kong sigaw ng isang Elemental na nakasuot ng Gray Cloak.
BINABASA MO ANG
Twins of Arkaios
FantasyElementians (Feyare) Series #2 /ar-ke-yos/ as the battles continue evil can come in darker hue showers of meteor and ice witness with your own eyes Twins of Arkaios: © piersiciu, ALL RIGHTS RESERVED (2015) LANGUAGE: TagLish Status: Completed