Chapter 14

979 32 1
                                    

Nagising si Mikel nang marinig ang mahinang hikbi ko.

"Why are you crying?" malambing niyang tanong sa akin.

"Kasi, hubby, nagugutom na ako," umiiyak na sabi ko.

"Why didn't you wake me up?" Mikel gently asked, umiiyak pa rin ako. He looked at the clock beside him. It was already one in the morning.

"Alam ko kasing pagod at puyat ka, kaya hindi na kita ginising."

"Anong gustong kainin ng magandang asawa ko?" malambing na tanong ni Mikel sa akin at marahang hinawi ang ilang hibla ng buhok na humarang sa mukha ko.

"Cookies and milk," mahinang sabi ko sa kanya.

Nahihiyang tumingin ako sa asawa dahil nagising na naman ito dahil sa akin. Hindi ko na mabilang kung ilang beses na bang nagising si Mikel dahil sa akin. Palagi itong puyat at hindi na nakakatulog ng maayos dahil sa pagbabantay sa akin.

Magiliw na pinapanood ko ang naglulutong gwapong asawa ko. Pinapanood ko ang bawat galaw nito. Kahit anong ayos niya, ay sadyang humahanga talaga ako. Ang lalaking tindig nito, ang malapad nitong likod, ang magulo at kulay brown nitong buhok ay nakadagdag lamang sa kagwapuhan ng nakatalikod na si Mikel, lalo na ang seksing pang-upo nito. Ang hot talaga ng gwapong asawa ko. Paano pa kaya kapag hubo't hubad na ito? Hindi ko mapigilang mapahagikgik sa kalokohang iniisip at sa pagpapantasya sa asawa.

Nakakunot naman akong nilingon ni Mikel. Magkasalubong na ang makapal nitong kilay. Kahit na nakakunot, gwapo pa rin talaga ito. Kahit anong angulo ay bagay sa kanya.

"What's funny, Wife?" nakangising tanong niya sa akin. Nilapitan niya ako at niyakap.

Maang-maangan naman akong tumingin sa asawa na akala mo ay walang kalokohang iniisip kanina lang.

"W-wala, hehe," pilit na ngumiti ako sa kanya.

"Ah, huh?" He sarcastically said, hindi kumbinsido sa isinagot ko sa kanya.

"I saw you, staring at my butt," bulong ni Mikel sa akin. Agad namang namula ang mukha ko sa narinig.

Hindi ko alam kung saan titingin. Nahihiya ako kay Mikel dahil nahuli niya ako.

"H-hindi naman ah," nahihiyang sabi ko.

"Really, huh?" halata sa boses ni Mikel na gusto lang akong asarin.

Unti-unting bumaba ang kulay abong mata ni Mikel sa labi ko, umangat ito sa aking mata, pabalik muli sa aking labi. Marahang inilapit nito ang mukha sa akin at ginawaran ako ng halik. Mabagal at nakakaliyo. Gumapang ang malapad na kamay ni Mikel sa aking tiyan, marahang hinihimas ako roon.

Tumagal pa ang halik na iyon. Tumunog ang microwave oven, hudyat na luto na ang cookies na niluto nito. Kung hindi pa tumunog ito, baka hindi lang halik ang magawa namin. Hays, sayang.

Kahit nabitin man ako sa halik na iyon, masaya ako dahil luto na ang paborito ko. Sa lahat ng paborito kong pagkain bago ako magbuntis, ang cookies lang ang hindi ko naayawan sa lahat. Gustong-gusto ko talaga ang lasa nito, lalo na kapag ito ay luto ng asawa ko.

Nang matapos kumain, binuhat ako ni Mikel papunta sa aming kwarto at handa na ulit kaming matulog.

Hinalikan muna ako ni Mikel sa labi bago inilapit nito ang tainga sa aking tiyan. Pinapakiramdaman ni Mikel kung gumagalaw ba ang anak namin. Itinaas niya ang damit kong pantulog para makita ng buo ang nasa loob ng tiyan pang anak namin at hinalik-halikan ito. Hindi ko naman mapigilan ang mapahagikgik dahil nakikiliti ako sa paghalik-halik niya.

"Anak, 'wag mong masyadong pahirapan si mommy ha," mahinang sabi ni Mikel, animo'y maririnig siya ng anak namin. "Good night, Anak. Good night, Baby." Hinalikan niya ulit ako sa labi.

"Good night, Hubby. I love you."

"I love you more, My Woman."

NAGHAHANDA ako ng mga sangkap para sa lulutuing chicken curry na paborito ni Mikel.

"Ano pa nga bang kulang? Ah, 'yon, 'yung cinnamon at paprika!"

Nang makompleto ang mga rekado, nagsimula na akong magluto. Palagi na lang akong nasa bahay, kaya naisipan niyang dalhan ng pananghalian si Mikel sa opisina nito. Alam kong pagod ito sa trabaho, lalo na ngayong buntis ako at hindi na niya kayang asikasuhin ang sarili.

THIRD PERSON POV

"What are you doing here, wife?" tanong sa kanya ng asawang si Mikel. Natuon ang kulay abong mata nito sa lunchbox na dala-dala niya.

"What's that?" Bakas ang kuryosidad sa gwapong mukha nito.

"A-ah, dinalhan kita ng lunch, baka kasi hindi ka pa kumakain," nahihiyang sabi ni Mayumi. Bakit ba siya nauutal?

"I told you to stay at home, right?" masungit na sermon nito sa kanya.

"Ang totoo niyan, namimiss kasi kita e," mahinang saad niya at maiiyak na naman.

Hindi mapigilan ni Mikel na mangiti sa narinig.

"Come here," tawag niya kay Mayumi at tinapik ang hita niya.

Nakuha naman ni Mayumi ang gusto niyang gawin at umupo ito sa kanyang hita.

"Hush, stop crying," pang-aalo niya sa umiiyak pa ring si Mayumi. Pinunasan niya ang luha nito sa mata at niyakap ang asawa.

Nakaramdam naman ng konsensya si Mikel dahil ginalitan niya ito. Ang gusto niya lang namang mangyari ay mag-stay ang asawa sa bahay dahil mas safe ito kapag nasa bahay lang, lalo na at buntis ito at halata na rin ang umbok ng tiyan nito. Paano kapag may nangyaring masama dito na hindi niya nalalaman?

"Anong niluto ng magandang asawa ko?" paglalambing ni Mikel at hinalikan sa pisngi ang asawa.

"Chicken curry, favorite mo," nakangiting sabi ni Mayumi, natigil na sa pag-iyak.

Umalis si Mayumi sa pagkakakandong kay Mikel at ipinaghanda ito ng lunch na dinala niya.

"It tastes good, I love it," nakangiting sabi ng asawa ngunit hindi lang pinapahalata na nasusuka na siya.

"Talaga? Hayaan mo, bukas lulutuan ulit kita," masayang sabi ni Mayumi.

"No," agarang protesta naman ni Mikel sa asawa. Nagtaka namang napalingon si Mayumi sa kanya.

"N-no, ah, I mean, it's okay, baby. 'Wag ka nang mag-abala," pilit namang ngumiti si Mikel.

"At bakit?" tinaasan naman siya ng kilay ni Mayumi.

"Ayokong napapagod ka," malambing na pang-uuto naman niya sa asawa. Napangiti naman ito.

"Sweet naman ng hubby ko," sambit ni Mayumi at pinisil ang matangos na ilong ng asawa.

"Oh kumain ka pa, ubusin mo lahat iyan ah?" Napangiwi naman si Mikel at sinunod na lang ang gusto ng asawa.

Ang totoo niyan ay paborito naman niya talaga ang luto ni Mayumi dahil masarap itong magluto. Pero dahil nga buntis at naglilihi ang asawa, nag-iba na ang panlasa nito. Kakaiba na kasi ang lasa ng niluluto nito, kaya madalang na niyang palutuin ang asawa. Ngunit hindi naman dahil sa ayaw niya na ang lasa ng luto ni Mayumi, kundi dahil ayaw niyang nagpapagod pa ito.

A Love Written In The Stars✓ Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon