Prologue

673 25 2
                                    

Mizyhyl PoV

Never lose yourself in a crowd of people.

Iyan ang paalala sa'kin ng kaibigan ko dahil lilipat ako sa school kung saan s'ya nag aaral na alam ako ang tiyak na naiiba, masyado pa raw kasi akong bata para maging college pero sabi ng utak ko ay okay lang na advance ako.

Ang ibig sabihin ng sinabi n'ya ay h'wag kong babaguhin ang sarili ko para sa ibang tao, kabaliwan lang kapag pinili kong maging gusto0 nila kaysa kaayawan nila sa totoong ugali ko. I shouldn't change myself just to fit in their group though hindi naman masama ang ugali ko pero syempre may mga naiinis parin sa'kin at ang sabi pa nila ay pabida at sipsip daw ako, para sa'kin parang hindi naman but I'm putting my best in everything because I always want to be the top among the rest kaya siguro naiinis sila dahil doon.

Nagskip ako ng dalawang taon dahil sa iq ko at natatapatan ko parin ang mga naging kaklase ko. Ngayon ay papasok ako bilang third year college student, hindi ako nag grade seven and eight pero nagtake parin ako ng mga test nila inaral ang bawat topic.

Luminga-linga ako sa paligid para hanapin ang kaibigan kong si Adelle, ang usapan namin ay rito kami sa parking lot magkikita pero wala parin s'ya.

Napatingin ako sa phone na hawak ko nung maramdaman iyong nag vibrate, napasibangot nalang ako bago mapairap nung mabasa ang text ni Adelle. Nandoon na s'ya sa labas pero hindi pa s'ya makapasok dahil sa nagkaproblema ang guard sa isang student, sabi pa n'ya ay doon ko nalang s'ya hintayin sa student lounge, malapit sa cafeteria.

Hindi na'ko nagreply at binalik nalang ang phone sa bag bago maglakad, bahala na, nagtatanong tanong nalang ako kung saan iyon.

Nakakailang hakbang palang ako nung may makita akong isang bagay sa hindi kalayuan, at dahil nacurious ako ay nilapitan ko ito at tinignan. Napakunot pa ang noo ko nung makitang id iyon. Pero infairness ang gwapo nung picture, kahit na nakapoker face ay gwapo paring tignan. Nakasalamin din s'ya kaya nagmuka s'yang matalino.

"Luan Sol Lewis, 3rd year college, civil engineering" basa ko sa id na napulot ko.

Napasinghal ako nung biglang may humablot nito sa'kin, muntik pang madamay ang kamay ko dahil sa lakad nun, hindi naman halatang galit noh?

Tumingin ako sa matangkad na lalaking nasa harap ko, bahagya ring umawang ang labi ko nung makita s'ya, s'ya ang may ari nung id at mas gwapo s'ya sa personal, shesh!

Walang pasabing tinalikuran n'ya 'ko nung makita ang id, sinuot n'ya iyon bago maglakad agad paalis na walang iniiwang salita, well, that's rude. Hindi manlang nagpasalamat dahil pinunasan at kinuha ko ang id, kundi ay magpupuro dumi at tapak na'yon.

"Ay wow! Salamat huh! Napulot ko yung id mo kaya salamat sa'kin" hiyaw ko pero hindi manlang n'ya 'ko pinansin.

Sama ng ugali, buti nalang at gwapo ka pero sayang parin dahil patapon ang ugali. Ewan ko lang ang utak, biggest turn off kung bobo pa s'ya, kung ganun lang din naman ay wala na'kong pake kahit gwapo pa s'ya.

Sarkastiko akong natawa bago maglakad ulit, napahinto lang ako ulit nung may maramdamang umakbay sa'kin, napatingin ako roon at nakita si Adelle.

"Nakita ko yun" nakangisi nitong sabi na para bang nang aasar na.

"H'wag mo 'kong ngisihan ng ganyan"

"Sus, by the way ganun lang talaga iyon, wala ngang pinapansin sa classroom iyon kaya masanay ka na"

"Ang gwapo n'ya" sabi ko na ikinatawa n'ya bago tusukin ang bewang ko gamit ang hintuturo n'ya.

"Tama ka d'yan, sis, balita ko ay matalino pa at magaling daw sa lahat ng subject yan kaya maraming nagkakagusto sa kan'ya kahit na walang pake sa paligid n'ya tsaka kapag nagkataon s'ya pa ang magiging academic rival mo rito sa school kaya h'wag mong hilingin na maging kaklase yan dahil baka hindi ikaw ang maging first" pagkukwento nito, pinulupot n'ya sa braso ko ang braso n'ya habang naglalakad kami.

Verboden Liefde ✓ (Eclipse series #3)Where stories live. Discover now