Chapter 19

241 14 5
                                    

Luan Sol PoV

"This ball is way too formal" puna ko nung makita ang nasa laptop ni tito Milles.

Dito sa company gaganapin, sa 3rd floor may ihahandang ball room doon tapos ang mga guest ay nakagown at sasayaw? Tsk binase n'ya ba 'to sa mga royal family sa ibang bansa o sa fantasy na binabasa n'ya?

"Lewis company corp. is a formal company. Luan we will be accepting guest even from different country. May nainvite rin ako na royal family" sabi n'ya na ikinakunot ng noo ko.

"And why on hell would you invite royal family?"

"They support our business and Luan, taon taon ay nagbibigay kami ng invitation sa kanila pero madalas ay nagpapadala lang sila sa'min ng respond na hindi nakakarating dahil busy" sabi nito kaya hindi ako sumagot.

"Can't we just go with the masquerade ball?" mahinang sabi ko pero sapat para marinig n'ya.

Inusog ko ang laptop at sinandal ang sarili sa swivel chair na inuupuan ko. Pinagdakop ang dalawang kamay at tumingin sa kan'ya. Nandito kami sa office ko as ceo na madalas ay sarado dahil madalang ako pumunta rito.

"Kaya ka nga aattend para magpakita sa mga tao tapos balak mo pang magtago sa mask?" sarkastikong sabi nito bago tumawa.

Hindi na'ko sumagot at kumuha lang ng sigarilyo bago ito sindihan.

"Sigarilyo nanaman. Hindi naman nagsisigarilyo mga magulang mo bakit natuto ka n'yan?" sabi nito matapos ko bumuga ng usok.

Si Ven ang nagturo sa'kin nito at hindi ko naman inaasahang magugustuhan ko to the point na mas madalas pa'ko manigarilyo noon kaysa sa kan'ya pero ngayon ay huminto narin naman ako.

"Nanaman? Tsk minsan nalang nga ako manigarilyo"

Hindi ako naninigarilyo kapag kasama ko ang mga kapatid ko, si Mizy naman ay hindi naman s'ya nag rereklamo pero halata sa ekspresyon sa muka n'ya na ayaw n'ya ring naninigarilyo ako kaya hindi ko narin ginagawa kapag kasama ko s'ya. Nagkataon naman na madalas ko siya- silang kasama kaya nababawasan paninigarilyo ko.

"By the way sino yung sinabi mong dadalhin mong partner?" tanong n'ya matapos ang mahabang katahimikan.

"I'll bring my lady with me" seryosong sabi ko.

"Your lady? Who? Si Luna ba? Luan, hindi pa pwede si Luna sa ganon, h'wag mo muna s'yang iexpose" sabi nito bago magsalin ng alak sa baso n'ya.

Gusto ko rin uminom. Umalis ako sa swivel chair at naglakad papunta roon sa sala rito kung nasaan s'ya nakaupo. Naupo ako sa katapat n'yang sofa at nagsalin ng alak sa isa pang baso na narito. Pinatay ko narin ang upos ng sigarilyo ko.

"I'm not pertaining to my princess. I said MY LADY not my princess" sabi ko bago uminom.

Nakita ko ang bahagyang pagkunot ng noo n'ya bago tumawa. "Oh so someone already occupied the whole in your heart huh"

"Who is she? Where did you met her?" tanong nito. Mukang naging interesado si gago sa girlfriend ko. Kung hindi lang s'ya may asawa baka isipin kong sulutin n'ya s'ya pero malabo kaya sige. I'll answer his questions.

"Sa school, last sem lang"

"Hmm, interesting. Is she smart? Oh wait, it's a yes right? You won't fall for her if she's dumb"

"She's indeed smart. She also skipped two grades in highschool because of her iq" nakangiting sabi ko.

"No wonder why you fell. So... she's sexy? And pretty I think?"

"Yes, she is" sinserong sabi ko, umangat ang sulok ng labi n'ya bago mapailing.

"Masarap?" He asked, alam ko ang ibig n'yang sabihin so I chuckled bago uminom.

Verboden Liefde ✓ (Eclipse series #3)Where stories live. Discover now