Chapter 2

262 15 3
                                    

Mizyhyl Ranca PoV

"May partner ka na?" tanong ko kay Luan matapos sabihin nung teacher na magkakaroon kami ng project na gagawin by pair.

"I'll do it by myself" sagot n'ya, may nasabi rin kasi ang prof na pwedeng mag individual pero kasi mahirap ang project kaya hindi ko inaasahang mag individual s'ya.

Napasibangot nalang ako bago tumingin sa harap, kausap nung teacher yung ibang kaklase ko. Hindi ko alam pinag uusapan nila pero tinatamad ako makichismis kaya h'wag nalang. Tsaka pinoproblema ko pa yung sa project na'yan, hindi ko kakayanin mag isa dahil balita ko ay ipepresent pa pagkatapos.

"Alright, class listen" natahimik lahat at bumalik sa kan'ya kan'yang pwesto nung magsalita si prof.

"So, dahil ayaw nung iba sa inyo at hindi naman kaya nung iba ay gawin nalang nating one girl and one guy ang gagawa para narin walang aarte, kailangan lahat ay may partner dahil sakto naman kayo. Wala na mag iindividual" agad akong napangisi sa inannounce nung prof bago palihim na tumingin kay Luan.

Hindi ko mabasa ang emosyon n'ya, hindi ko nga alam kung okay ba sa kan'ya iyong sinabi nung prof o hindi dahil nakapoker face parin s'ya. Nagdiwang naman ang mga kaklase namin dahil karamihan talaga sa klase namin ay gustong mag solo nung matatalino, syempre.

"Mizy may partner ka na?" tanong ni Mhack kaya agad akong tumango at tumingin kay Luan. Mukang nagets naman ni Mhack kaya agad din s'yang tumango at nagpunta sa ibang kaklase namin para maghanap ng partner.

"Partner na tayo, wala kang choice" mahinang sabi ko pero sapat para marinig ni Luan at kinindatan s'ya. Hindi naman s'ya nagpakita ng reaksyon o nagsabi ng kahit ano, hindi manlang kumibo at dumukmo nalang.

"Okay, pakisulat sa isang papel ang pangalan ng magkapartner at ipasa ito sa'kin, now na"

Agad akong kumuha ng piraso ng papel at sinulat ang pangalan ko roon bago kalabitin si Luan at pinasa ang papel na may pangalan ko. Kung lalagay n'ya roon ang pangalan n'ya ay ibig sabihin payag s'yang maging partner ko ngunit kung hindi naman ay maghahanap nalang ako ng ibang partner.

Laking gulat ko nung makitang kinuha n'ya ang ballpen na nilapag ko sa desk n'ya bago sulatan ang papel at tinulak ito palapit sa'kin kaya agad akong ngumiti at kinuha iyon.

Mizyhyl Ranca Floria.
Luan Sol Lewis.

Nakangiting naglakad ako papunta sa prof at agad na binigay ang papel, nang makuha na n'ya iyon ay bumalik na'ko agad sa upuan ko, humarap ako kay Luan at sinundot ang braso n'ya dahilan para iangat n'ya ang tingin sa'kin.

"Doon tayo gagawa sa inyo?" ngiting tanong ko, napabuntong hininga naman s'ya bago umayos ng upo at umiling.

"No, hindi pwede sa'min"

"Eh saan tayo?" nagkibit balikat s'ya sa sinabi ko.

"Kailan ka ba pwede?"

"Weekdays, hindi ako pwede tuwing sabado at linggo"

"Huh? Bakit? Mas maganda nga kung ganung araw tayo gagawa para maraming oras kasi diba kapag weekdays minsan 6 na tayo pinapauwi" mahabang sabi ko pero hindi s'ya sumagot.

"Mr. Lewis sino ba talga ang partner mo? May tatlong papel dito na ikaw ang nakalagay na partner" sabi nung prof at pinakita ang tatlong papel, tumingin ako kay Luan pero doon lang s'ya nakatingin sa prof, sasabihin ba n'yang ako amg partner n'ya o ako nalang ang magsasabi?

"Miss Floria will be my partner" gosh! his pronunciation sounds so sexy when he say my surname.

Ramdam ko ang pag init ng muka ko nung ngumiti sa'kin ang prof, binura n'ya agad ang pangalan ni Luan sa papel nung dalawang naming kaklase at binalik ito sa kanila.

Verboden Liefde ✓ (Eclipse series #3)Where stories live. Discover now