Luan Sol PoV
"These are all I found to those names you sent me" agad na inabot sa'kin ni Shaze ang tatlong folder
"Alright, tell Eros to come-" I stopped when the door suddenly open and that bastard came in, he's with Eros and Nill.
"Uy ano 'to meeting? Yung dalawang kapatid mo nalang ang kulang huh" he laughed like a stupid.
Napabuntong hininga nalang ako bago mapailing at maglakad papunta sa sala nitong office ko, naupo rin naman sila sa sofa doon at kumain pa ng prutas yung dalawa tsk.
"Kumusta pala? Hindi mo 'ko tinawagan nung araw na tinakasan mo 'ko sa bar. Ano nga bang nangyari nun? Tsaka sino yung babaeng kahalikan mo? Infairness kahit lasing ka ang ganda parin ng taste mo sa babae"
"Tsk ingay" rinig kong bulong ni Shaze bago tumingin sa'kin, s'ya langa ng hindi naupo.
"Una na'ko kung wala kang kailangan" sabi nito na tinanguan ko nalang.
"Kj nito, tara nga dito. Mamaya kana magtrabaho kung yan ang gagawin mo" harang sa kan'ya ni Ven at hinila paupo roon sa gitna nila ni Nill.
"Yung pinapabantayan ko sa'yo anong nangyare? bakit nandito ka?" tanong ko kay Eros.
"Si kuya Ven hinila ako bigla eh sinabi pa n'ya na pinapatawag mo raw ako" sabi nito kaya tumingin ako kay Ven.
"Namumuro kana sa'kin" inis na sabi ko bago magsalin ng wine sa baso.
"Condolences pre" rinig kong sabi ni Nill at tinapik s'ya sa balikat.
"Sorry na, inom tayo mamayang gabi" aya nito bago tumingin sa tatlo.
"Yown, sige libre mo huh" naka ngising sabi ni Nill.
"Bakit ako? Nandyan naman si Luan, kaya na n'ya yan" ngiting sabi nito at kumindat pa sa'kin.
"Tigilan mo 'ko Ven Louis Chavez" malamig na sabi ko na tinawanan n'ya lang.
"My name sounds hot when it comes from you, daddy" he said in a flirty tone, sa kan'ya dapat magpaturo si Letticia para hindi kung kailan lasing ako tsaka gagawa ng ganung bagay, tsk anyway wala akong balita sa kan'ya. Wala narin naman akong pake kaya bahala.
"Ikaw ba Ros?" tanong n'ya pa kay Eros.
"Hard pass, may pasok ako bukas" tanggi nito. Doon s'ya nag aaral sa school kung saan din nag aaral si Blare kaya s'ya na inutusan kong bantayan ito.
"Sayang, ikaw Shaze? Syempre sasama ka, wala kang choice eh" inakbayan pa ni Ven si Shaze na ikinailing ko, hindi na tatanggi yan tsk wala s'yang magagawa sa kakulitan ni Ven.
Sarap pugutan ng ulo. Both up and down.
"Ven" tawag ko kaya agad s'yang napatingin.
"Yes po?"
"Drop that shitty act. Umayos ka't hindi na'ko natutuwa sa'yo" malamig na sabi ko kaya agad s'yang napaayos ng upo, pati ang iba ay umayos din ng upo.
"Masyado kang maraming oras na sinasayang. May iuutos ako sa'yo" nakangising sabi ko, nakita ko ang paglunok n'ya bago sumibangot.
"Mukang mahirap yan" sabi nito na inilingan ko lang.
"Gather information that might be related to Mizy and find her-"
"Tangina, mahirap nga! Paghahanapin ba naman ako ng patay" mabilis na reaksyon n'ya at mukang nagulat din sa sinabi n'ya at agad na napatakip ng bibig.
"Ven!" agad kong kinasa ang baril ko at tinutok sa kan'ya na ikinaalarma nila.
"Sorry, teka kumalma ka- Luan!" hiyaw n'ya nung ipinutok ko ang baril sa vase na nasa likod nila na dumaan malapit sa gilid ulo n'ya ang bala.
YOU ARE READING
Verboden Liefde ✓ (Eclipse series #3)
RandomEclipse series #3 --------------- Loving her isn't easily especially if the world itself against us. I love her, she love me, but the world didn't allow us to continue our love story. She made me believe onto something I never imagined to be real, s...