Luan Sol PoV
Being the father of my two siblings isn't really easy, kung nandito lang ang magulang namin siguro ay mas naeenjoy ko ang college life ko, it's been 4 long years since we lost them, my siblings are now 11 and 13, so young to experience that kind of pain.
I did and doing my best to give them everything they need, love, time, comfort, family, and everything they want. Ayokong masobrahan ang pangungulila nila sa magulang namin, ayokong makitang malungkot at nasasaktan sila dahil triple ang dating sa'kin.
It's been 4 years since I learned to multitask everything, I prioritize my siblings than anything, I believe and I know that they are the most special in this world. It wasn't an easy journey for me in the beginning but as time passes by I slowly used to it.
Sa gabi ako nag aaral at natutulog lang ako sa school para tuwing uuwi ako rito sa mansion ay hindi ako pagod, para may energy ako para sa mga kapatid ko, para matulongan ko sila sa mga homework at mga hindi nila maintindihan na lesson.
Nangako akong hindi ko papabayaan ang pag aaral ko kaya nag self study ako tuwing gabi at minsan nakikinig din ako sa klase para hindi ako gaanong mahirapan at buti nalang ay wala akong bagsak, at nag e-excel naman ako sa lahat.
Hindi ako nagrereklamo dahil wala rin naman akong magagawa, wala na ang magulang namin, kahit magreklamo ako paulit ulit ay hindi sila babalik. I blame them for letting us feel that kind of pain and leaving us at that young age but I can't fully hate them.
Madalas, napapaisip ako na kung nandito ba sila ay magiging ganito ba kami ng kapatid ko? Ganito ba kami kalapit sa isa't isa? Ganito ba talaga ang ugaling mayroon ako? Walang pakialam sa ibang bagay na hindi ugnay sa mga mahal ko. But I'd rather be like this than being a weak and useless.
"Kuya!!" rinig kong sigaw ng kapatid kong babae kasabay ng sunod sunod na katok sa pinto nitong kwarto ko.
Tamad kong sinara ang librong inaaral ko bago maglakad papunta roon. When I open the door, I saw my sister holding his pillow while pouting at me.
"What's up? What's the problem my princess?" I smiled and pat her head, she looked so cute.
"Ayaw ako katabi ni kuya Haru" kita ko ang panggigilid ng luha n'ya at agad na yumakap sa'kin, niyakap ko nalang pabalik habang mahinang tinatapik ang likod.
"Why? Nag away nanaman kayo?" mahinahong tanong ko nung marinig s'yang humihikbi habang nakayakap sa'kin.
"Baho raw po ako" she said while crying, I try my best not to laugh at her, and why would Haru say that?
"H'wag ka na umiyak, sa'kin ka nalang tumabi kung gusto mo. Papagalitan natin kuya Haru mo mamaya"
"Talaga po?" humiwalay s'ya agad sa yakap at pinunasan ang luha sa pisngi.
"Ofcourse, anything for my princess" sabi ko bago pulutin yung unan n'yang binutawan n'ya nung yumakap s'ya sa'kin.
Pumasok ako sa kwarto ko at agad naman s'yang sumunod, nilagay ko sa kama ang unan n'ya at lumapit sa study table ko para ligpitin yung mga gamit ko roon.
"Kuya hindi ka pa tapos sa studies mo. May test po kayo bukas 'di ba?" tanong nito bago maupo sa kama ko.
"Quiz lang, don't worry, I can handle it. Come on, let's sleep?" sumibangot s'ya pero kalaunan ay masigla ring tumango.
"Mahiga ka na, iinom lang akong tubig"
"Okay po!" i smiled and chuckled before walking out of my room.
Naabutan ko si Haru sa sala na nagliligpit nalang ng gamit n'ya kaya tinulungan ko na. Mukang kakatapos lang n'ya sa ginagawa n'ya dahil nakita ko iyon sa gilid at mukang pinapatuyo nalang n'ya ang painting na'yon.
YOU ARE READING
Verboden Liefde ✓ (Eclipse series #3)
RandomEclipse series #3 --------------- Loving her isn't easily especially if the world itself against us. I love her, she love me, but the world didn't allow us to continue our love story. She made me believe onto something I never imagined to be real, s...