Mizyhyl Ranca PoV
Pag uwi ko ay naabutan ko sila tita Lynch at tito Beth, magulang ni Bea na pinsan ko. Mukang nagpapanic pa sila at may kung anong pinag aawayan.
Hindi na'ko nagtanong kung ano iyon dahil baka sa'kin pa nila ibuntong ang galit nila, pero napansin naman ako ni Bea at agad na kumaway sa'kin kaya ginantihan ko lng ng ngiti at sinenyasan na papanik na'ko, agad naman itong nagthumbs up at bumungisngis napatingin tuloy sa'kin si tita.
"Uhm, nakauwi na po ako, tito, tita" mahinang sabi ko pero sapat para marinig nila, hindi naman nila 'ko pinansin kaya naglakad na'ko palayo.
Mahina akong napasinghal nung makitang hinablot ni tito ang braso ni tita at bakas ang galit sa mga mata n'ya.
"Ano? Bakit hindi ka sumagot? What the hell did you do that made Mister Lewis signed out in our contract!?" natigilan ako sa narinig ko pero agad din akong nagmadali bago pa nila 'ko mahuli na nakikinig sa away nila.
Mister Lewis? Biglang pumasok sa isip ko si Luan, pero wala naman siguro s'yang kinalaman doon 'di ba? Baka ibang Lewis ang tinutukoy n'ya. Sana.
Dumiretso ako sa kwarto ko at ginawa ang routine ko. Matapos ay nahiga ako sa kama at napabuntong hininga, wala akong ganang kumain dahil alam kong hanggang hapag ay mag aaway parin sina tito at tita kapag hindi parin nila naayos yung pinag aawayan nila kanina.
Actually naaawa nga ako kay Bea, ang bata pa n'ya pero nakikita n'ya agad ang magulang n'yang ganun mag away. Mabait yung bata na'yon at malayong malayo sa ugali ng mga magulang n'ya and if I'm not mistaken narinig ko sa isang kamag anak namin na hindi naman talaga nila gustong magkaanak pero ayaw din nilang mag ampon kaya napilitan silang gumawa ng bata para gawing tagapagmana at malamang alila nila. I pity Bea for being born with that big responsibility, I'm sure her parents were already planning her future and I hope Bea won't get hurt and have courage to speak for her self, near future.
Tamad kong inabot ang phone ko nung marinig itong tumunog, agad pa'kong napabangon nung makitang si Luan ang nagtext. Omg.
From: crushiecakes cupcake.
Do you like my gift?Kumunot ang noo ko sa nabasa ko, anong gift ang tinutukoy n'ya? At magtatype palang ako nung bigla s'yang nagsend ng picture. Picture ito nung isang folder na nakalagay ang pangalan ng company na pinapatakbo nila tito.
Doon ko narealize kung ano ang tinutukoy n'ya. Napaisnghal ako pero kalaunan ay natawa rin bago magtype.
To: crushiecakes cupcake.
Anong ginawa mo? May sariling company ka o sa magulang mo?From: crushiecakes cupcake.
I just pulled some strings. No need to thank me.Mahina akong natawa bago umiling at nahiga. My gosh, I'm texting with him. Text mate ma kami hahahaha sana mag tuloy tuloy na.
But I waited for 10 minutes, wala paring reply mula sa kan'ya kaya napabuntong hininga nalang ako at chinarge ang phone ko. Masyado yata akong umasa na magtutuloy tuloy yung good mood n'ya para replyan ako.
Luan Sol PoV
I rushed to the hospital when I got the message from the principal. Naaksidente raw ang mga kapatid ko pagkatapos ng klase.
Nang makarating ako sa room number na binigay nung nurse sa baba ay naiyukom ko ang kamao ko nung makitang may mga gasgas si Luna at may benda ang kaliwang braso ni Haru. Putangina. Nakasibangot si Luna habang nakaupo sa hospital bed at inuugoy ang paa, si Haru ay kumakain lang ng mansanas habang pinapanood si Luna.
YOU ARE READING
Verboden Liefde ✓ (Eclipse series #3)
RandomEclipse series #3 --------------- Loving her isn't easily especially if the world itself against us. I love her, she love me, but the world didn't allow us to continue our love story. She made me believe onto something I never imagined to be real, s...