Chapter 23

195 13 8
                                    

Mizyhyl Ranca PoV

Monday, simula na agad ng second sem namin. Nandito ako sa cafeteria, hinihintay si Adelle. Si Luan ay iniwan ko muna sa classroom dahil natutulog pa, hindi naman yata s'ya natulog kagabi dahil may mga inaasikaso n'ya. Nagising ako nung alas tres kanina at naabutan ko s'yang nagtitipa parin sa laptop n'ya na inumpisahan n'ya lang matapos kumain ng dinner.

"Sis!" kumaway ako kay Adelle nung makita s'yang pumasok rito sa cafeteria.

"Ay wow, mas gumanda ka yata? Hmm pumuti ka rin kumpara nung huling kita natin" ngiting bungad n'ya bago maupo sa tapat ko.

"Hindi na napapabayaan eh" sabi ko bago matawa kaya napatango naman s'ya.

"Hahahaha grabe naman pala mag alaga ang isang Lewis. Alagang alaga. Kumusta na pala? Ano na balita senyo?"

"Okay naman ako. Kami narin and grabe mas nahuhulog ako bawat araw" ngiting sabi ko bago kumain ng fries na nasa lamesa, bumili na'ko ng akin nagugutom na'ko eh, ang tagal pa anman ng dismissal nila Adelle.

"I'm happy for you pero ingat ka parin, baka sumobra yung pagkaattach mo sa kan'ya at mahirapan ka sa huli" sabi n'ya kaya bigla akong natigilan.

She's right and it's making me afraid. To be honest, mas natakot ako sa future ngayong kami na ni Luan, ayokong mawala s'ya sa'kin sa future at sana ay s'ya na talaga ang para sa'kin.

Natatakot ako na baka isang araw paggising ko ay wala na si Luan sa tabi ko. S'ya pa naman iyong tipo na makukuha talaga ang gusto n'ya at alam kong hindi ako mahirap palitan para sa kan'ya.

"Ikaw? Kumusta ka?" tanong ko sa kan'ya.

"Okay naman, naging busy ako nitong mga nakaraang linggo dahil ang dami ring ganap sa buhay ko pero hindi ko maikukwento, baka sa susunod nalang kapag mas marami tayong time. As of now bibili na muna ako ng pagkain at nagugutom na'ko" mahabang sabi n'ya na tinawanan ko nalang bago tumango.

Hindi rin naman nagtagal at bumalik din dala yung pagkain n'ya. Marami raming studyante rito pero kaunti lang ang umoorder doon dahil nakabili na ang iba at ang iba naman ay tambay nalang dito, kaya hindi na nahirapan umorder si Adelle.

"So ano? Chikahan mo 'ko ng mga nangyari sa'yo nung nandoon ka sa puder n'ya" tila excited na sabi nito.

"Well, masaya naman ako sa tagal kong nanatili sa kanila. Hindi nila pinaramdam sa'kin na hindi ako welcome sa tahanan nila, yung mga kapatid n'ya ay sobrang bait din sa'kin at sobrang saya ko habang nandoon ako sa kanila" ngiting sabi ko.

I'm so glad to see every side of Luan. Masaya akong at sobrang ipinagpapasalamat ko na hinayaan n'ya akong makapasok at maging parte ng buhay n'ya.

"Speaking of..." sinundan ko ng tingin ang tinitignan n'ya. "Your prince charming has arrived"

Luan just entered the cafeteria, kaya pala biglang may narinig akong bulongan.

He roamed his eyes around until he met mine. Agad s'yang naglakad papunta sa table namin, ni hindi manlang nagbago ang reaksyon n'ya at nanatili ang blankong emosyon sa muka n'ya.

Mahina akong natawa bago umiling at umayos ng upo, kung dati ay kinakabahan pa'ko kapag ganyan ang dating n'ya at kapag tumitingin s'ya sa'kin ng ganyan pero ngayon ay natatawa nalang ako dahil alam kong sa loob loob n'ya ay naiinis na s'ya sa mga matang nakamasid sa kan'ya at kung konti lang siguro ang tao ay naka ngumiti na s'ya kanina pa.

"He's gonna sit her? My ghad! Sis napaka swerte mo" kinikilig na bulong ni Adelle.

Agad kong pinandilatan si Adelle nung tuluyang naupo si Luan sa tabi ko. Mahina lang natawa si Adelle bago magpatuloy sa pagkain pero kitang kita parin ang ngiti sa labi n'ya.

Verboden Liefde ✓ (Eclipse series #3)Where stories live. Discover now