Maaga akong nagising para sana ipagluto ang asawa ko. Ngunit na nahuli na naman ako dahil nakaalis na siya. Simula nang maikasal kami lagi na lang siyang ganyan aalis ng maaga uuwi ng gabing gabi. Minsan hindi siya umuuwi ng isang linggo. Alam ko naman kung nasaan siya at sino ang kasama niya at yun ay wala ng ibang pa kundi si Crystal.
Kumain na lamang akong mag isa tulad ng nakasanayan. Hinugasan ko ang mga plato at iba pang gamit na ginamit ko sa pag luluto nilinis ko na rin ang bahay ng matapos ako ay saktong 11:00 na ng tanghali napag desisyonan kong dalhan ng tanghalian ang asawa ko.
Papunta na ako sa opisina ng asawa ko. Sinabi narin kasi sakin ng sekretarya niya na nasa loob siya ng Office nya. Binuksan ko na ang pintuan at bumungad sakin ang masayang mukha ng asawa ko kasama si Crystal.
Masaya silang na kumakain. Nakaramdam ako ng inggit. Simula ng ikasal kami ni Tristan hindi kami nag sasabay kumain dahil ayaw niya.
Yung saya niya ngayon ay yung sayang matagal ko ng hindi nakikita sa kanya. Yung ngite na minahal ko sa kanya. Hindi ko na kinaya na makita siyang masaya at hindi na ako ang dahilan.
Hindi na ako tumuloy at nilisan na ang lugar nasasaktan ako dahil alam kong masaya siya ngunit hindi na dahil sakin.
Pag kalis ko sa kompanya ng asawa ko dito na ako dumiretsyo sa hardin sa aming bahay. Hindi mawala sa isip ko ang mga ngiti niya kasama si Crystal. Parang may tumutusok sa aking dibdib kapag inaalala ko ang bagay na yon.
Kaya ko kaya siyang palayain ?
Kaya ko kaya siyang ipaubaya kay Crystal?
Mga tanong ko sa isip ko na iisa lang ang sagot.
Hindi
Hindi ko kayang mawala siya ng tuluyan sa buhay ko. Mahal ko si Tristan, mahal na mahal. Ang isipin palang na meron na siyang ibang mahal ay sobra na akong nasasaktan, paano pa kaya kung gusto na niya itong makasama habangbuhay.
Nag lalakad lakad muna ako rito sa hardin ng mahagip ng mata ko ang isang puno. Nilapitan ko ito at roon nakita ko na ito nga ang puno kung saan nakaukit ang mga pangalan namin ni Tristan. Siya mismo ang umukit niyan sabi niya ilalagay niya raw ang pangalan namin rito para hindi kami mag hihiwalay at ako lang mamahalin niya ganon din ako sa kanya.
Napangiti na lang ako ng mapait. Sana tuparin mo ang sinabi mo Tristan kasi ako, ikaw lang ang lalaking mamahalin ko. Ilang minuto pa akong na malagi sa hardin bago napag pasyahan na umuwi.
Nang makauwi na ako sa bahay namin ni Tristan wala akong naabutan na Tristan. Sa totoo lang ako lang naman ang may gustong hintayin siya. Kapag naman andito siya para lang akong hangin. Pero mas masakit yung inuuwi pa niya rito si Crystal wala akong magawa kasi ayaw kong magaway kami mahal ko siya at titiisin ko na lang.
Tulad ng dati hindi na naman siya umuwi isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko.
I just decided to go up to my room to have some rest. I feel like I'm exhausted.
I wish it was all just a nightmare.
Nakapag gumising ako nasa tabi ko si Tristan at yakap ako. Pero napaka imposible ng iniisip ko.
Pabagsak akong humiga sa kama at dahan dahan ipinikit ang mata.
Mabilis akong nagising dahil sa biglang may nagbuhos sa akin ng tubig.
"Eto ba ang ginagawa mo kapag ikaw lang mag isa dito? Ang matulog!" Galit na sabi ni Tristan
"S-Sorry napagod kasi ako kanina kaya nag pahinga m--
"Wala kang karapatan mag pahinga." He cut me off. Atsaka mahigpit niyang hinigit ang braso ko. "Kung ayaw mong palayasin kita ayusin mo ang trabaho mo dito naintindihan mo." Malakas niya akong itinulak pabalik sa kama at lumabas ng pinto. Pinigil ko ang pag tulo ng luha ko.
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
RomansaDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED