KABANATA 10

139 3 1
                                    


Pumasok ngayon araw si Tristan after ng nangyari kahapon pag uwi ko ay nag usap kami sandali at pinag pahinga ko na siya. Marami siyang nainom kahapon kaya masakit ang ulo niya.

Naupo muna ako sa sofa pagkatapos maglinis ng kalat sa kusina. Nanonood ako ng movie ng hindi ko namalayan ang pag pikit ng mata ko.

Nagising na lang ako dahil sa biglang pag tunog ng telephone. Tumayo ako sinagot ang tawag.

"Hello?" I asked

[ Hey, it's me Ali nabalitaan ko kasi na buntis ka daw? Is it true? ]

"Yes Ali magiging Auntie ka na. I was so happy since nung nalaman ko na buntis ako and it's really a blessing kasi simula nuon nag iba yung trato sakin ni Tristan. " ramdam na ramdam ko pa rin saya sa puso ko habang nag kukwento. "Parang bumalik lang kami sa dati kung ano kami. At mas nararamdaman ko ang pag mamahal ng asawa ko kesa bagong kasal kami. "

[ R-Really well c-congratulations. I'm happy for you sissy, I just hope it will last. ]

"I always wish that habang buhay na ganito, masaya at walang problema." I can feel my happiness all over the house.

[ Okay I should go may pupuntahan lang akong importante, bye sissy and goodluck. ] she said before the line cut.

Nakangiti akong nag punta sa kusina para mag handa ng tanghalian. Naisip ko na dalhan ng lunch at gamot ang asawa ko dahil alam kong may hangover pa rin siya.

After preparing everything nag book na ako ng sasakyan. Tinatamad akong mag drive. Sandali lang naman ang naging byahe ko dahil malapit ang kompanya sa village kung saan kami naka tira.

Pumasok na kaagad ako sa elevator dahil kilala naman ako ng mga tao dito. Nang nasa fiftieth floor na ako ay dumiretso na ako sa opisina niya. Wala ang sekretarya niya kaya binuksan ko na ang pinto.

but..... I wish I didn't...

"Paano ako? Paano ang anak natin? Sabihin mo nga sakin Tristan mahal mo ko diba? Ako ang mahal mo alam ko."

I couldn't move from where I was standing... is that Alisha?

Hindi ako pwedeng magka mali boses niya yun. At ano yung sinabi niya anak nila?

Hindi ko maproseso ang mga narinig ko. Siya ang mahal ni Tristan? Paano?

"Tristan wag mo kaming talikuran ng ganito. Ayaw mo na sakanya hindi ba? Jane don't deserve you, I do."

"Stop it already Alisha. We're done ano bang hindi mo maintindihan duon?"

"No! Your lying I know you, you love me."

"I loved you."

Hindi ko na kinaya ang mga naririnig ko kaya tuluyan ko na binuksan ang pintuan.

"Anong ibigsabihin nito Tristan?"

Bumalatay ang gulat sa kanilang mga mukha dahil sa bigla kong pag pasok.

"M-May relasyon kayong dalawa?" unti unting namumuo ang luha aking mga mata.

"Jane, it's not what you think---

"Tristan aminin na lang natin sakanya ang totoo na may relasyon tayo. Jane we've been together since nung bumalik ako, ako ang totoong mahal niya hindi ikaw. "

"Shut the fuck up Alisha!"

Hindi ako makapag salita walang kahit na ano ang pumapasok isip ko. Puro sakit at hindi masukat na galit ang nararamdaman ko.

"P-Paano?" unti unti akong lumapit sa kinatatayuan ni Alisha. "Hindi ba mag papakasal na kayo ni Martin?"

"It's just for show gusto ko lang mag selos si Tristan since ayaw kanyang iwan dahil sa mana niya."

Muli kong binalingan si Tristan na puno ng pag susumamo ang mukha. Isang malamig na titig lang ang sinukli ko sa kanya.

"Totoo ba?"

"Jane let me explain---

"Totoo ba?!"

"Jane" tawag niya sakin, nag mamakaawang makinig ako sa kanya.

"I don't need excuses for your so called explanation Tristan. I want answer, yung totoo!" Galit na sigaw ko sa kanya. "Sabihin mo na lang na hindi mo ko mahal. Pero hindi mo na kailangan gawin pa iyon kasi alam ko naman na hindi mo ko mahal, hindi mo ko minahal." Pagkatapos sabihin iyon ay umalis na ako sa lugar na iyon.

I had enough...

Sobrang sakit ang nararamdaman ko walang kapantay na sakit. Dalawang taong importante sa buhay ko ay niloko ako. Ginamit lang ako ni Tristan dahil mana niya. At si Alisha inagaw ang asawa ko.

Nasa taxi ako ng biglang tumunog ang cellphone ko.

It's mommy

"Hey sweetie how are you?"

"M-Mom ansakit sakit." my voice broke hindi ko na kinaya ang sakit ng nararamdaman ko.

It hurts so much...

"What happened sweetie?"

"Tristan and Alisha they cheated on me."

"W-What?"

"Mom they have an affair. They cheated on me." Sabi ko habang humahagulgol.

"Tell me kung nasaan ka anak pupuntahan kita."

"No need mom I want to be alone." Isa lang ang gusto ko ngayon ang lumayo. "I'm sorry mom goodbye."

Binaba ko na ang tawag at pinatay ang cellphone. Hanggang sa makarating ako sa bahay namin.

Mabilis akong bumaba ng taxi at pumasok sa loob. Kinuha ko na lahat ng gamit ko. Nasa labas na ako ng bahay ng tanawin ko itong muli.

Ang bahay na ito ang saksi sa lahat ng malungkot at masayang pangyayari sa buhay ko. Ngayon buo na loob ko na umalis na lang at hayaan na maging masaya siya. Tumalikod na ako at tinawagan si Eri.

"Pwede mo ba akong sunduin?" yun na lang ang nasabi ko ng sagutin niya ang tawag ko. Hindi na rin naman siya nag tanong. Ilang minuto lang at dumating na siya.

"Kung gusto mong mag kwento makikinig ako." Aniya

Isang malungkot na ngiti lamang ang nagawa ko. Nararamdaman ko ang panghihina ng buong sistema ko. Akala ko mabubuo ko na ang pamilya na gusto at pinapangarap ko. Akala ko magiging maayos na kaming dalawa.

Parang lahat ng pangarap ko unti unti ng bumabagsak. Parang isang ibon na nawalan ng pakpak at bumagsak na lang sa lupa.

Sumakay na ako sa sasakyan ni Eri. Hindi ko alam kung saan kami pupunta at wala na akong pakialam. Isang lang gusto ko ang makalayo.

Siguro mas magiging masaya ang buhay mo ngayon Tristan dahil wala ng hahadlang sa pag mamahalan ninyo ni Alisha.

Pero ito ang tandaan mo, kahit kailan hindi hindi mo mahahawakan o makikita man lang ang anak ko.

PLEASE LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon