After two days of observation pinayagan na ako ng doctor na maka uwi. Niresetahan naman ako ng doktor ng mga vitamins at gatas na kailangan kong inumin. Huminto muna kami sa isang pharmacy bago dumiretso sa bahay ng mga magulang ni Tristan.
Ngayon ko na lang ulit sila makikita dahil ayaw ng mommy niya… sakin.
Nang nasa tapat na kami ng bahay nila ay inalalayan niya akong bumaba. Pero imbes na matuwa ako ay naiinis ako. Mabilis kong binawi ang kamay ko sakanya.
Pag pasok pa lang namin ay puro mamahaling bagay lang ang makikita mo. Mula sa mga kurtina, vases, paintings and even the grand staircase look so extravagant.
His mom love the luxury….
Maya maya ay lumabas si tito Trevor, his father kasama ang aking mother in law. Isang ngiti ang ibinigay sakin ng dad niya kabaliktaran ng sa mommy niya. Pinag taasan lamang ako nito ng kilay.
"We heard the news hija, congratulations." sabi ng dad niya atsaka tinapik ang balikat ng anak. Tipid na ngiti ang isinukli ko sa matanda habang tinignan naman ako ng babae mula ulo hanggang paa. She chuckle without a humor.
"Are you sure that.. the baby is yours." she said insulting me.
"Raquel." may pagbabantang suway ni tito.
"May masama sa sinabi ko… she DID it once remember" sabi niya na may halong diin.
"What do you mean?" wala sa loob na tanong ni Tristan.
"Nothing, son." Si tito
Lito ko silang tinignan. Parang bang may tinatago sila na ayaw nilang malaman namin.
"Let's eat baka lumamig ang pagkain." aya samin ng matandang lalaki.
Nang matapos kaming kumain ay naiwan pa ako kasama ang mama niya dahil may pag uusapan siya at ang daddy niya sa opisina.
"Hindi ko alam kung bakit sa dinami rami ng babaeng pwedeng ipakasal sa anak ko ikaw pa ang napili ni Trevor. I don't like you for my son." halata pagka disgusto sa mukha ng matandang babae.
All this years tiniis ko ang mga masasakit na salitang ibinabato niya sakin. Kahit noong boyfriend ko pa lang si Tristan ay ganito na siya sakin.
I had enough of her…
"Kasi po ako ang mahal ng anak niyo." pagak siyang tumawa at tinaasan ako ng kilay.
"Mas matatanggap ko pa kung si Alisha na lang ipinakasal sa kanya—
"Edi wow."
"W-What?!" Tumaas na ang tono ng matanda.
"Stop meddling with our relationship Mrs. Villamor it's not your responsibility. " sabi ko at bahagyang lumayo sakanya. " Ako ang asawa niya ngayon. At kung may reklamo kayo lunukin niyo na lang, we don't need it." I rolled my eyes on her. She was about to slap me when Tristan interfere.
"Mom." Anya sa isang nag babantang tono. "She's pregnant, stop it." Tinignan ko lamang siya sandali bago umirap muli.
I know it's rude and disrespectful kahit na ano pa sabihin ko nanay pa rin iyon ng asawa ko. Pero hindi naman ako papayag na palagi niya akong tatratuhin ng ganito.
Naglakad na ako palabas dahil hindi ko na kayang manatili sa loob. Susugurin na sana ako ng mommy niya ng haranggan nito ng daddy niya sumunod sakin si Tristan. Sinubukan akong hawakan ni Tristan pero ako na ang lumalayo.
Padarag kong sinara ang pinto ng kotse at nag seatbelt. He just stared at me for a moment bago niya pinaandar ang sasakyan.
"What was that?" he asked
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
RomanceDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED
