Papasok na ako sa kusina ng pamansin ko na parang nagkakagulo sila duon. Nilapitan ko sila at tumikhim.
"Did you saw the news?" Zairah asked
"Nope, why?"
"Yung isang hotels ng mga Villamor sa Cebu binomba." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya. "Wala naman namatay pero mukhang malaki din ang nawalang pera sa kanila." medyo kumalma naman ang pakiramdam ko inayos ko ang sarili ko bago sumagot sa kanya.
"They have a plenty of chains of hotel. One or two mababawi din nila ang pera na nawala. Mag pasalamat na lang sila dahil walang namatay. " kibit balikat na sabi ko
"Wala ka naman kinalaman duon right?" nanunuring tanong niya
"I won't take other peoples life just to get my revenge. Hindi naman ako katulad nila." sabi ko
Pansin ko naman ang mga mapanuring tingin ng ilang kasambahay. Kaya agad akong nag taas ng kilay.
"What?" bahagya akong lumapit sakanila. "Wala ba kayong ibang gagawin? Hindi ko kayo binabayaran para makipag marites dito. Sige duon kayo sa trabaho niyo." ko at iwinasiwas pa ang kamay.
"Kung sino man ang gumawa niyon magaling siya. Walang napahamak sa ginawa niya, malaki din ang nalugi sa kanila." Maya maya ay bulong ni Zairah. "Bagong branch lang iyon ng hotel nila, malaki ang pondo na inilan para duon. Hindi pa nga nababawi ang pondo binomba agad."
"Look, I don't want to talk about that. Problema na nila kung paano nila babawiin yung pera." sabi ko "it's not my problem anymore." iniwan ko na siya sa kusina at dumiretso sa sala.
Nag dial ako sa phone at tinawagan si Jade.
"Hello?" sabi ko ng sagutin niya ang tawag.
[ Hello po madam? ]
"Paki deliver na lang dito lahat ng papers na kailangan kong pirmahan. I can't go to the office today."
[ Sure po madam but how about the meeting po today? ]
"Cancel all of it."
[ Sige po. ]
Pagkababa ng tawag ay gulat ako ng makitang nasa likod ko lang si Zairah.
"Hindi ka papasok sa opisina?"
"Mm.." tumango ako sa kanya.
"Bakit?"
"Bakit hindi ako naman ang may ari." Sabi ko bago umakyat sa papunta sa kwarto ko.
.......
Nagising ako dahil sa inggay ng aking cellphone. At sino naman kaya ang tatawag sakin ngayon?
"Oh." Medyo galit kong sabi
"Madam may isang babae po dito na nag pupumilit na makita kayo. Nag wawala po siya. Hindi po ako maka alis dahil sa kanya."
"Sino raw?" napabuntong hininga ako atsaka naupo sa kama.
[ Si Raquel Villamor ho ]
"Give her the phone."
Narinig ko ang paglakad niya at pag sabi na gusto kong maka usap ang babae.
[ You fucking bitch I know it's you. When the fuck will you fucking stop this fucking things your been doing?! ] galit na galit siya kung kaharap ko siguro siya ay halos maputol ang litid niya.
"Ano ba yun?"
[ Wag ka ng mag maang maangan alam kong ikaw ang napasabog ng hotel namin. ]
"Don't accuse me without any evidences Mrs. Villamor. Wala akong ginagawa wag kang mambintang."
[ Evidences? Hindi ko kailangan iyon. Sapat na dahilan na galit ka samin kaya mo iyon ginawa. ]
Napabuntong hininga na lamang ako atsaka pinatay ang cellphone.
Wala pa rin siyang pinag bago masama pa rin ang ugali niya. Well mabuti na lang at hindi ko na siya kailangan pang pakisamahan.
Tumayo na ako sa aking kama atsaka bumaba. Nakita ko si Zairah na may hawak na sobre habang naka kunot ang noo.
"Ano yan?"
"Wala naman may nag iwan lang sa labas." Sabi niya at alanganin ngumiti at itinago ang sobre sa kung saan man.
Hindi ko na pinag tuunan iyon ng pansin atsaka tinawag ang isa sa kasambahay para ipatawag si Duke.
Lumabas na ako at nakita ko siyang pinaandar na ang sasakyan na gagamitin.
"Sa opisina tayo." Sabi ko atsaka sumakay sa sasakyan.
Nang makarating kami ay sakto naman nakita ko si Tita Raquel hawak hawak siya ng security papalabas ng gusali. Bumaba ako sa sasakyan at nilapitan sila. Agad na nanlisik ang mga mata pagka kita pa lamang sakin.
"YOU WITCH IT'S ALL YOUR FAULT?!" sigaw niya at sinugod ako mabilis akong umiwas sa sampal niya at siya ang sinampal ko.
"Stop being so scandalous here this isn't your place!" sigaw ko rin sa kanya. "You don't have any rights to slap me. How dare bring your disgusting attitude here!"
Kung galit siya ay mas nagagalit ako. Sino siya sa akala niya para gawin ano man bagay gusto niya. Kung hahayaan ko siyang gawin ang ganitong mga bagay ay hindi yun magiging maganda.
"Makakaalis na ka na dito. Kahit ikaw mama ni Tristan hindi ako mag dadalawang isip na ipakulong ka kung hindi ka titigil." banta ko sa kanya galit pa rin ang mga mata niya. Padabog niyang kinuha ang bag niya at nag martsa umalis.
"Sa susunod na papasukin niyo ang babaeng iyon dito kayo ang mananagot sakin." sabi ko kay Jade na naka tungo lamang.
Dumiretso ako sa opisina ko at padabog na naupo sa swivel chair.
Kung sino man ang gumawa niyon sa kanila ay mali ang galit. May hinala na ako pero hindi pa rin ako sigurado.
Maya maya ay pumasok si Jade sa opisina ko kasunod si Athena.
"What is it this time?" naka pikit na tanong ko.
"Madam kasi si Ms. Alisha po k-kasi kumuha po siya ng tatlong milyon sa kompanya ng mga magulang ninyo."
Si Athena ang nag salitaHinampas ko ng malakas ang lamesa ko dahilan ng malakas na ingay sa aking opisina. Wala na ni isa sa kanila ang nag salita pa.
"Paano nangyari iyon!?" Galit na ani ko
"Hindi rin po namin alam." naka tungong ani ni Jade. "Siguro po ay dahil anak din siya ni Mr. Marquez kaya ganun."
"Puro na lang ba problema ang sasabihin ninyo sakin?" Kinuha ko ang bag ko atsaka nag mamadaling lumabas. "Tawagan mo si Mr. Engracio sabihin mo sakanya na Ifreeze niya lahat ng bank accounts ni Alisha. LAHAT." sabi ko. "At hindi siya anak ng daddy ko." huling sabi ko bago lumabas ng opisina.
Kung iniisip mo na naisahan mo ko Alisha ay nag kakamali ka. Mag hintay ka lang at ikaw naman ang isusunod ko...
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
RomanceDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED