Ilang araw pagkatapos ng libing ng mga magulang ko ay napag pasyahan ko na umalis na ng bansa. Bahala na kung saan makarating basta ayoko na dito.Staying here means like hell to me... It's not my home anymore but cage of misery.
"Are you sure na aalis ka?" maya maya ay tanong ni Eri. Iniimpake ko na ang mga damit ko.
"Yes." walang pag aalinlangan sagot ko. There is no point living in here. My parents are gone, my husband cheated on me with my sister. I will just hurt myself if I insist staying here.
"Saan ka?"
"Kahit saan basta malayo dito." Isinarado ko na ang maleta ko. "alam mo akala ko magiging masaya ang buhay may asawa nagkamali ata ako."
"You just loved the wrong person." saad niya
Isang matabang na ngiti na lamang ang nagawa ko.
Tinulungan niya ako sa pag lalagay ng maleta sa sasakayan niya.
"Tatawagan ko si Jade para maihanda yung private plane." Tumango na lamang ako sa kanya.
Hindi ko mapigilan ang lungkot na bumabalot sa puso ko. Hindi ko maiwasan maisip kung bakit humantong sa ganito ang buhay ko. Nawala ang mga mahal ko sa buhay dahil sa maling pag mamahal ko.
Kung pwede ko lang ibalik ang oras hindi ko na hahayaan humantong puntong pasisihan ko na minahal ko siya.
"Let's go?" Nabalik lang ako sa kasalukuyan ng bigla akong akbayan ni Eri. Tumango ako sa kanya atsaka pumasok sa passenger seat. Pinaharurot na niya paalis ang sasakayan.
.......
3 years later
"Congratulations!" Masayang bati ni Zera sakin. "It's all worth it Jane all your hard work paid off." Naka ngiti pa rin siya sakin. Sinuklian ko rin ng ngiti ang masaya niyang pagbati.
It's been three years since I flew from the Philippines to America. It's not easy for me to adjust my life here because of what happened. I still grief and cry when I remember what happened to my parents.
Ibinuhos ko ang lahat ng makakaya ko para mapalago ang negosyong inumpisahan ko. I wanted my parents to be proud of me even they aren't here. Gusto ko rin ayusin ang mga properties na naiwan nila sa Pilipinas.
I'm not planning to lived there anymore. Mas gusto kong dumito na kami for good.
"Mama." Nakangiti kong binalingan ang anak ko gusto magpabuhat. This is Vion Blare my three years old baby. Niyakap ko siya at dahan dahan bunuhat.
"Your big boy na papabuhat pa kay mama." ngumiti siya sakin at hinalikan ang pisngi ko.
"I wab you mama."
"I love you too mahal ko."
Nakarinig ako ng tikhim kaya binalingan ko si Zera. Tinaasan ko siya ng kilay dahil parang nang aasar ang ngiti niya.
"Baka may naalala ka." Sabi niya sabay hagikgik.
Agad kong nakuha kung sino ang tinutukoy niya. My ex-husband hindi kasi maipagkakaila na magkamuha sila ni Vion. Inirapan ko lamang siya.
Mas gwapo naman ang anak ko..
Ibinaba ko si Vion atsaka hinila paalis dun. Mag celebrate sana kami ngayon araw dahil nakapag close kami ng sobrang importanteng deal.
"Where do you want to eat?" Tanong ko sa anak ko.
"Jollibee" tuwang tuwang sabi niya.
Paborito talaga niya ang Jollibee, kahit ata sa Jollibee kami kumain araw araw ay ayos lang sakanya.
Nag paorder na lang ako dahil sa bahay na kami didiretso. Pinag bukasan ako ni Duke ng sasakayan, his my butler.
Nang makarating kami sa bahay ay tumakbo na agad si Vion papasok sa loob. Mabilis ko naman siyang sinundan. Papasok ako ng kusina ng lumapit sakin si Yaya Min.
"Bakit po?" I asked
"May tumawag po kanina.... Atty Salvador po daw pangalan niya. Hindi raw po inaapprobahan ng korte ang annulment case na pinasa ninyo."
"What?"
"Tatawag raw po uli siya mamaya."
Umalis na siya pagka sabi niyon.Hangang ngayon ba naman hindi pa rin tapos ito. It's been fucking three years pero hanggang ngayon ayaw approbahan ng korte ang annulment namin ni Tristan.
Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pumayag ako noon sa sinabi ng nanay niya na dito kami sa America mag pakasal.
Damn
"Mama?" napalingon ako sa aking tagiliran ng makita ang anak ko.
"Yes mahal ko?" Lumuhod ako para mag pantay kami.
"Mama gusto ko miming" humahaba pa ang nguso niya. Bahagya akong napatawa.
"You really know I can't resist your cute face. " Ani ko at bahagyang kinurot ang pisngi niyang matambok.
"Later ka na mag miming. Kakain muna tayo mahal ko." Tumayo ako at inabot ang kamay niya. Inakay ko siya paupo sa upuan at tinawag sina Yaya Min para makapaghain na.Dumating ang pinaorder kong pagkain para kay Vion at hinayaan ko na siyang kumain mag isa dahil kaya na raw niya.
Natutuwa ako dahil lumalaki siyang malambing at malusog. Hilig na hilig niyang mag kulay at manood ng mga educational videos and songs na minsan nahuhuli ko siyang sinasayaw pa.
Hindi ako nag sisi na dito kami tumira sa loob ng tatlong taon. Naging maayos ang buhay namin. Ayaw ko maranasan ng anak ko ang ipagtabuyan siya at hindi tanggapin ng ama niya.
Hindi na mahalaga kung makilala niya si Tristan dahil hindi ko hahayaan na masilip man lang niya anak ko.
Tama na ang minsan akong nawalan ng mahal sa buhay dahil sa kanya.
Pagkatapos namin kumain ay agad siyang nag pabihis sakin. Gustong gusto ng mag swimming. Binantayan ko na lang siya mula sa gilid.
......
Pagkatapos ng ilang oras na pag lalaro niya sa tubig ay nilinisan ko na siya at pinag pahinga. Pagod akong napaupo sa sofa. Ako lang kasi gusto niyang nag papaligo sakanya.
Pero gusto ko rin naman gawin dahil nagiging oras para makasama at magkaroon kami ng bonding ng anak ko.
Minsan ay naglalaro kami sa garden lalo na kapag wala akong pasok sa opisina. I make sure to spend time with him dahil lumalaki na rin ang anak ko. Gusto ko masubaybayan ang paglaki niya at magabayan ko siya ng maayos.
Minsan sinasabi ni Zera at Eri na parang naiispoiled ko na si Vion. Dahil hindi ko raw pinapalo kapag nagkakamali ito. Pero pinagsasabihan ko siya, ipapaintindi ko sakanya mga maling ginawa niya.
As a parent we have different ways to express our love and care for our children. I just wanted what's best for Vion, hanggat kaya ko ibigay sa kanya ibibigay ko. Kung mali naman siya ipapaintindi ko sakanya.
Dahan dahan ako umalis sa kama niya. Hinalikan ko siya sa noo atsaka naglakad palabas. Dumiretso ako sa opisina ko.
Kung gusto kong mapanatili ang tahimik naming buhay. Kung gusto kong maging maayos ang pag laki ng anak ko dapat ko nang tapusin ang mga bagay na nag uugnay sa nakaraan ko at sa lalaking iyon.
Hinding hindi ako papayag na guguluhin niya ang buhay na binuo ko para sa anak ko. I have to call attorney Salvador.
I have to end this marriage.
......
![](https://img.wattpad.com/cover/292684699-288-k93735.jpg)
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
RomanceDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED