"San ka galing?"
Agad naman siya napalingon sa gawi ko. Gulat na gulat ang kanyang mukha nag lakad siya palapit sakin.
"B-Bakit gising ka pa?" Sa halip ay tanong niya hindi sinagot ang tanong ko.
"Nagising akong wala ka sa tabi ko, san ka ba kasi galing?" Tumayo ako at nag lakad papunta sa kama.
"Nag pahangin lang ako bawal ba?"
"Hinahanap kasi kita wala ka naman sa baba." Naglakad siya papunta sa kama at nahiga na.
"I'm tired Jane so please stop asking."
Humiga na rin ako isang sulyap pa ang ibinigay ko sa kanya bago ako pumikit.
Nakangiting nagpaalam sina mommy and daddy samin ni Tristan. Uuwi na kasi kami sa bahay namin. Umalis naman daw si Alisha kaninang umaga.Nasa byahe na kami ng mapansin ko na parang malalim ang inisip ni Tristan.
"Are you okay?" I asked him after a minute, nakapatong ang kamay ko sa balikat niya.
"Mind your own business Jane. And remove your hands on me." Malamig na tugon niya
"Sorry concern lang ako sa'yo. You look worried kasi." Napa buntong hininga na lamang ako habang nakatingin sa kanya.
"I don't need your concern." Nag baba ako ng tingin at umayos ng upo.
Humarap na lamang ako sa bintana ng sasakyan. At pinagmasdan ang mga nadadaanan namin.
Nang makarating kami sa bahay ay mabilis siyang umakyat sa taas. Bumaba rin siya ka agad may dala dala siyang travel bag.
Tinanong ko siya kung saan siya pupunta pero hindi naman siya sumagot. Hindi ako nag papigil at hinabol ko siya.
"Babalik ka naman diba?" Puno ng pagsusumamo ang mga mata ko. Gustuhin ko man na pigilan siya alam ko na hindi ko naman siya mapipigilan.
Hindi siya sumagot kaya humarang ako sa pinto ng sasakyan niya pinipigilan siyang pumasok.
"Babalik ka diba?" Ulit ko
Napabuntong hininga na lamang siya alam niya na hindi niya ako matitinag sa pag kakataong ito.
"Oo kaya umalis ka na diyan." Mabilis niyang hinila ang kamay ko at hinawi ako para makapasok siya sa loob ng sasakyan.
Mabilis niya iyong pinaandar nakatayo lang ako rito at nakamasid hanggang sa mawala na iyon sa aking paningin.
Babalik siya Jane
Babalik si Tristan
Lumipas ang dalawang araw hindi pa rin bumabalik si Tristan. Halos mabaliw ako kakaisip kung nasaan siya.
Sa loob rin ng dalawang araw halos hindi ako kumakain dahil wala siya rito, wala akong gana.
Sumilip ako sa bintana rito sa taas ng kwarto ko. Mula rito makikita ang gate sa labas at kung may tao ay madali ko rin makikita.
Nagbabakasakali ako na umuwi siya ngayong araw. Ang ilang minutong paghihintay ay naging oras. Napabuntong hininga na lamang ako.
Alam kong babalik siya kasi yun ang sabi niya. Hindi ko namalayan na naka tulog na ako.
Napabalikwas ako ng bangon ng malakas na tumunog ang cellphone ko.
Mabilis ko itong sinagot sa pag aakalang si Tristan iyon.
"Hello Tristan." Masayang bati ko
"What?! I'm not Tristan duh." Agad na napawi ang ngiti at galak sa akin.
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
RomantikDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED