"What happened?" tanong agad ni Jane ng maka labas si Crystal."You plan to kill him right? So, I did it for you. " Ngumiti pa ito at iniabot sa kanya ang supot na nag lalaman ng pribadong parte ng lalaki at pati ang dil* nito.
"What did you do?" nandidiring ani ko.
"I made him realize how painful na mawalan. " sabi niya habang naka ngisi. "Ipalinis mo na lang yung kwarto. Masyadong marumi ang dugo ng lalaking iyon. Ipadala mo kay Alisha ang bangkay niya siguradong matutuwa iyon sa regalo ko." hindi ko mapigilan matakot dahil sa klase ng ngiti sa mga labi niya.
Totoo nga siguro ang sinabi sakin ni Eri a year ago, na she's a serial killer. Marami na siyang taong pinatay dahil sa trabahong meron siya. Hindi ko yun alam ng mga panahon na babae pa siya ni Tristan.
Isang taon kasi ang nakalipas ng manirahan kami sa America ng bigla siyang mag pakita sa harap ko. Wala naman siyang sinabi tungkol sa ganitong bagay. Humingi lamang siya ng tawad sakin.
Ang sabi niya ay handa siyang mag silbi sakin kapalit niyon ay hahayaan ko siya na gumanti kay Martin dahil sa nangyari sa kapatid niya.
Noong una ay hindi ako pumayag pero kalaunan ay nag bago ang isip ko dahil na rin sa kailangan ko ng mapag kakatiwalaan ng buhay ng anak ko. Iniligtas niya ang anak ko kaya naman naisip ko na bigyan siya ng pagkakataon.
Hindi naman niya ako binigo. Binantayan niya ang anak ko hanggang sa mag dalawang taon si Vion. Kinailangan niya kasing bumalik ng Pilipinas pero ngayon ay babalik na siya sa America kasama ko pagkatapos ng lahat ng ito.
"Masyado mo naman ata siyang pinahirapan." ani ko
"Jane, kulang pa ang lahat ng iyon sa mga ginawa niyang kasalanan. Wala mangyayari kung magiging mabait ka." sabi niya "kailangan mo lumaban para hindi ka nila masaktan."
"Sinaktan mo nga ako e." biro ko at inirapan naman niya ako.
"Aalis na ako kailangan ko pang asikasuhin yung pag bili ng shares sa mga Villamor. "
"Mmm... sige mag iingat ka."
"Call me if you need anything." ani niya hanggang sa makalabas na siya.
Tinawagan ko naman agad sina Jade para asikasuhin ang paglilinis ng silid.
Mukhang matutuwa nga si Alisha sa regalo mo..
Sinabi ko sa kanya na siguraduhin nilang walang maiiwang bakas. Lumabas na ako at dumiretso sa parking lot.
Pag baba ko ay dun ko lang nakitang umuulan pala. Sumakay na ako sa sasakyan ko at umuwi sa mansion.
Nasa labas na ako ng gate ng makitang may nakatayo duon. Bahagya akong nagulat ng makitang si Tristan ito.
Ano naman kaya ang ginagawa niya rito?
"Jane please talk to me!" sigaw niya mula rito sa labas. Napansin niya ang sasakyan ko kaya naman akmang lalapit siya ng dumiretso ang patakbo ko hanggang sa gate.
Automatikong bumukas ang gate ng ipapasok ko na ang sasakyan. Kita ko ang pag sunod niya ng tingin sakin. Nang maayos ko ng maipark ang sasakyan ay kinuha ko na ang payong at lumabas.
"Umuwi ka na Tristan. Wala tayong pag uusapan, umalis ka na. " Sabi ko sakanya andito ko malapit sa gate.
"Ayoko. " Sagot niya "mag usap tayo please." Hindi ko na siya pinansin at pumasok na ako sa loob ng bahay.
Pag pasok ko ay si Zairah agad ang bumungad sakin.
"Kanina pa siya nasa labas ayaw umuwi. Mukhang lasing siya. " iniabot ko naman kay Merida ang payong.

BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
RomantizmDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED