KABANATA 6

133 3 0
                                    

Nakasandal ako dito sa bintana ng sasakyan ni Tristan dahil pumunta kami ngayon sa Palawan para bisitahin ang resort at ang ilang business namin at syempre mag - bakasyon. Hindi ko inaasahan na papayag si Tristan na sumama dito dahil sa busy siya sa trabaho.

Tahimik lang ako buong byahe pakiramdam ko wala akong lakas. Si Tristan naman tahimik lang habang nakatingin sa daan.

Alam ko naman na ayaw niya akong kasama, napipilitan lang siya dahil sa kanyang ama. Humarap ako sa kanya at kinalabit siya, pero wala siyang pakialam.

"What?" Iritadong sabi niya. Nakakunot na ang kanyang noo sakin.

"Pwede ba dumaan tayo sa gasolinahan, naiihi na kasi ako e. "

Seryoso siyang tumingin sakin bago iniliko ang ang sasakyan. Bumaba ako atsaka nagmamadaling pumunta sa CR.

Lumabas na rin ako pagkatapos. Sumakay na kaagad ako sa sasakyan. Pinaandar na rin niya kaagad ng naka upo na ako.

Maya-maya ay biglang nag ring ang cellphone niya.

Wifey Calling….

Agad akong nag iwas ng tingin ng makita ang caller ID.

Tristan.. ako ang asawa mo..

Hindi niya sinagot ang tawag at pinatay. Tila naiinis ang kanyang itsura.

Nang makarating kami sa resort ay naabutan namin ang sasakyan nina Mommy. Bumaba na kami at sinalubong sila. Tuwang tuwa si Mommy ng makita kami.

"Let's go inside may sasabihin daw ang kapatid mo."  excited na sabi ni mommy. Hinila na niya ako papasok habang nakasunod lang samin sina daddy at Tristan.

"Hey sis, andito na pala kayo. " Nakangiting salubong niya sakin. 

"Hon?" Napalingon naman ako ng may matanaw ko ang isang pamilyar na pigura.

"Martin?"  Gulat na sabi ko

"Jane, long time no see." Isang matalim na tingin ang binigay ko sa kanya

"Anong ginagawa mo dito?" I asked him

"I'm your future brother in law." Tila isang sirang plaka iyon na paulit ulit kong naririnig sa aking tenga.

Did I hear it right?

Tumingin ako kay Ali at mukhang alam na niya kung anong ibig kong sabihin. Tumango siya sakin.

"Kailan pa?" Napalingon naman ako kay Tristan dahil sa tanong niya.

"Last week, he proposed to me." Nakangiting sabi ni Ali.

Bakit siya pa?

Umirap lang si Tristan at kinuha ang mga gamit namin at inakyat sa itaas. Isang nagtatakang tingin ang ibinigay namin sa kanya.

What was that?

Hindi ko na pinagtuunan iyon ng pansin at hinila ko si Ally palayo dun. 

"Is that true? You're getting married?" Sunod sunod na tango niya sakin. "Bakit sa kanya pa?"

"Why not?"

"Nothing."

Ayaw kong sirain ang kaligayahan mo Ally kaya mas mabuting hindi mo na malaman pa.

"Don't worry sis, matagal pa naman e. May hinihintay pa ako. At kapag nakuha ko iyon, sigurado akong ikaw naman ang maiingit sa kasal ko. " Napa iling iling na lamang ako.

Kahit hindi ka pa kinakasal, naiinggit na ako sayo.

"Lika na nga sa loob." Hinila ko na ulit siya pabalik.

PLEASE LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon