This day is very special day for me. Because it's our second anniversary and I wish sana maalala niya at umuwi siya ngayon araw.
Tapos na akong iluto ang mga pagkain na ihahanda ko mamaya pag dating niya. Sinet up ko na lang muna itong aming garden.
Nagtayo ako ng tent atsaka ko iyon inayos sa loob. Pagkatapos ay inayos ko naman ang table sa labas ng tent.
Nag lagay lang ako ng scented candles para mas maging romantic an syempre rose petals.
Nag hintay ako kay Tristan hanggang sa mag alas tres na ng hapon.
Wala pa rin siya...
Bigla akong napatayo ng biglang bumuhos ang malakas na ulan.
Mabilis kong kinuha ang mga gamit na madaling buhatin.
Hindi ko na nagawa pang kuhain at iligpit yung tent at yung lamesa dahil sobrang lumakas ang ulan. At nabasa naman ng husto ang mga rose petals.
Inilagay ko na lang yung mga pagkain sa ref atsaka umakyat sa kwarto ko.
Tinawagan ko si Eri hindi ko na alam ang gagawin ko."Hello Eri?" Mabilis kong sabi ng sagutin niya ang tawag.
"Alam mo ikaw talaga your always wrong timing sa pag tawag."
"It's our anniversary but his not here." Ramdam ko na natigilan siya sa kabilang linya.
"I'm not going to ask you if you're okay because obviously you're not okay. Jane I know it's hard for you to let him go but I think it's about time to think for yourself." Naupo ako sa aking kama. "Mahalin mo naman ang sarili mo wag puro siya dapat may ikaw din."
"I can't Eri." Pa ulit ulit akong umiling kahit na alam kong hindi naman niya ako nakikita. "I don't know what will happen to me kung mawawala siya."
"Maniwala ka sakin naiintindihan kita." Ramdam ko ang lungkot sa boses niya. "Pero minsan yung mga taong dumating at dumarating sa buhay natin kailangan din nilang umalis. Kasi may tamang taong nakalaan para satin."
Ibinaba ko na ang tawag hindi pa ako handa..
Hindi pa..
Nagising ako dahil sa malakas na kulog na nagmumula sa kalangitan.
Gabi na pala..
Bumaba ako papunta sa dirty kitchen lumabas ako mula roon papunta sa aming swimming pool.
Napuno ng tuyong dahon at ilang sanga ng puno ang swimming pool.
Gabi na kaya hindi ko na masyadong nakikita ang kalangitan. Tanging kislap ng pagkidlat lang ang aking nakikita.
Pumasok na muli ako sa loob ng bahay. Naisipan ko na tawagan si mommy. Agad kong dinial ang number niya, mabilis naman niyang sinagot ang telepono.
"Hey darling how are you?" Masayang bungad niya sakin.
"I'm fine mom.. kayo po kamusta?" Umupo ako sa sofa bago magsalita muli.
"Ayos lang din kami darling. May problema ka ba?" Ramdam ko ang pag aalala sa kanyang tinig.
"Wala po mom.. Mommy andyan ba si Ali gusto ko kasi sana siyang makausap." Pagkaway sabi ko.
Gusto ko sana siyang makausap para may mapaglabasan ako ng problema.
"She's not here darling hindi pa siya umuwi since last week."
Lalo akong nakaramdam ng lungkot dahil sa sinabi ni mommy."Sige po mommy bye.." pinatay ko na ang tawag ng makapag paalam siya sakin.
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
Любовные романыDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED