Inaayos ko ngayon ang mga dadalhin ko papunta sa America. Tapos na ako ang mga kailangan kong gawin dito sa Pilipinas. Wala ng dahilan pa para manatili ako rito.
It's been a month since that day happened. Tita Raquel file an annulment case against Tito Trevor. Ayaw sanang pumayag ni tito pero wala ng siyang magagawa pa.
Inihain na rin ng korte ang warrant of arrest para kay tita Raquel dahil sa ginawa niya sa parents ko. Naging mabilis ang proseso dahil inamin niya ang kasalanan niya.
Nag patuloy lamang ako sa pag eempake ng biglang humahangos na pumasok si Zairah sa aking kwarto.
"Bakit?"
"S-Si A-Alisha" hindi niya maituloy ang sinasabi niya dahil hinihingal pa siya.
"Calm down first Zairah, now what happen?" pinakalma ko muna siya atsaka siya nag salita.
"W-Wala na siya." nanlaki naman ang mata ko sa sinabi niya.
"A-Anong?"
"She killed himself." Hindi ko alam pero unti unting tumulo ang luha ko. "Nagpakamatay siya." napaluhod ako ng sabihin niya iyon.
Bakit?
Naramdaman ko ang sakit kung paano mawalan ng mahal sa buhay. Galit ako kay Alisha dahil sa ginawa niya pero..... hindi ko ginusto na kunin ang buhay niya.
Agad akong tumayo at lumabas. Kinuha ko ang susi ng ferrari ko atsaka mabilis na pumunta sa parking lot. Mabilis ko iyong pinatakbo papunta sa kanyang condo.
Nang makarating ako roon ay kita ko ang mga pulis sa ibaba na nag imbestiga. Pumasok ako at sinubukan nila akong pigilan pero sinabi ko na kapatid ko si Alisha.
"Where is my sister?" tanong ko sa kanila.
Napalingon ako ng makitang may inilalabas ang ilang mga pulis galing sa loob.
Alisha
Nilapitan ko ito at lalong naiyak ng makita ang walang buhay na babae. Masakit sa pakiramdam ang nangyari. Hindi ko mapaniwalaan.
"Mam, kailangan na po natin siyang dalhin sa Morgue." tumango ako at sinabing sasama ako.
.....
Andito ako ngayon sa hallway habang naka upo sa gilid. Tulala lamang ako dahil sa nangyari. Maya maya ay lumapit sakin si Zairah.
"Jane, ito raw yung papel na nakita nilang hawak ni Alisha ng makita siya sa kanyang condo." Iniabot nito sa kanya ang isang transparent na plastik na may laman na papel. "They finish the investigation and sinabi nila na nag commit siya ng suicide, sapat na raw na ebidensiya ang sulat na iniwan niya."
Inabot ko ang plastik atsaka iyon binuksan. Kinuha ko ang papel sa loob atsaka dahan dahang binuksan. Nalaglag mula roon ang isang maliit na picture.
Kinuha ko iyon at nakitang picture namin iyon ni Alisha noong mga bata pa lamang kami. Napadako ang tingin ko sa papel.
Jane,
Umaasa ako na mababasa mo ang sulat ko. Sana ay basahin mo, alam kong malaki ang kasalan ko saiyo, sainyo nina mommy at daddy. Alam kong hindi mo ko mapapatawad sa kasalanan ko. Pero hihingi pa rin ako ng tawad, patawarin mo ko.
Gusto kong malaman mo na sobrang pinag sisihan ko ang kasalanan ko, lalo na ng mawala ang mga magulang natin. Patawarin mo ko dahil nabulag ako sa inggit ko saiyo.
Pakiramdam ko kasi ay nasayo na ang lahat. Tapos ikaw pa yung totoong anak nina mom and dad. Alam ko naman na mahal nila ako katulad ng pag mamahal nila saiyo pero hindi ko pa rin mapigil ang inggit ko. Lumaki iyon ng lumaki ng hindi ko namamalayan.
Hanggang sa dumating sa buhay natin si Tristan. I love him first, but he didn't love me back because he loves you. And it hurts me so much. I planned everything, I used Martin's jealousy to Tristan para mapag hiwalay kayo. Yes, it's me.
Nang mawala ang alaala niya ay ginawa ko ang lahat para mapasakin siya at nag tagumpay ako, pero hindi rin nag tagal nalaman niya ang totoo.
I guess hindi talaga kami para sa isa't isa. At ngayon ko lang natanggap ang bagay na iyon.
I'm happy that I was your sister twenty six years ago. I'm happy that mom and dad loves me as their own. I'm happy to be your ate. I'm happy to be part of your past. Pero siguro hanggang duon na lamang ako. Kundi ako nag palamon sa inggit ko hindi sana kita masasaktan. Patawad.
I love you bunso, ate will always be here with you...... kasama ko sina mom and dad sa pag babantay saiyo, kahit saan ako mapunta. Masaya ako dahil sa wakas, makikita ko na sila ulit.
Paalam bunso hanggang sa susunod nating buhay...
Alisha M.
...........
Dala dala ang sakit sa aking puso ay umuwi ako sa America. Tristan tried to talk to me but I refuse to talk him.
Mas mabuti na ang ganito, malayo kami sa isa't isa. Dahil kung patuloy naming ipipilit ang nararamdaman namin ay patuloy lang kaming masasaktan at makakasakit ng iba.
Dahil sa pag uwi ko marami akong natutunan. Hindi mahalaga ang distansya sa pag mamahal. Hindi mahalaga kung nasusuklian ang pag mamahal o hindi. Basta nag mamahal ka ay sapat na iyon. Dahil pwede natin iyon maramdaman kahit malayo sila sa atin.
Ang pag mamahal ko ngayon sa kanya ay malaya na. Hindi ko na kailangan masaktan pa dahil sa pag mamahal ko sa kanya. Palagi kong dadalhin ang pag mamahal niya lalo pa at may Vion Blair kami na palaging mag papaalala sakin na minsan sa buhay ko ay hiniling kong mahalin niyang muli ako.
Hindi man naging maganda ang mga nangyari ngayong buhay namin ay merong parte nito ang naging maayos.
Patuloy kong hihilingin na mahalin ang isang katulad niya dahil ganun ang pag mamahal ko, patuloy ko siyang mamahalin.
Ngayon ay makukunteto na ako sa buhay kong kasama ang anak ko. Mahal na mahal ko si Vion Blair wala na akong mahihiling pa sa buhay ko.
Maraming salamat sa pag bibigay mo sakin ng anak, Tristan. Patuloy ko iyong ipagpapasalamat saiyo. Maraming salamat sa masasaya at malungkot na alaalang hindi ko malilimutan kailanman.
Ngayon isinasara ko na ang kabanata na ito ng aking buhay na kuntento at masaya sa piling ng aking nag iisang anak.
Hanggang sa susunod na nating habangbuhay mommy, daddy, ate, at Tristan. Mahal ko kayo.
_______________________
Lovelots :)
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
RomanceDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED
