Special Chapter

268 5 0
                                        

Dahan dahang pumatak ang mga luha ko ng dahan dahan bumukas ang pinto ng simbahan. Eto ang araw na palalayain ko na siya mula sa aking mga bisig upang alagaan siya ng iba. Upang mahalin siya at bigyan ng pamilya.

Vion Blair

Ang nag iisa kong anak ay ikinakasal na sa babeng pinaka minamahal niya.
Natutuwa ang puso ko dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay naging ganito ang resulta. Hangang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na ang maliit at makulit kong anak noon ay malapit ng mag asawa ngayon.

Parang kailan lamang ng ipakilala niya sa akin ang kanyang girlfriend na ngayon ay magiging asawa na niya.
It's been twenty five years, antagal na rin pala.

I didn't regret my decision to leave and to stay here for good dahil mas naging mabuti ang buhay ng anak ko.

Mas pipiliin kong maging maayos ang buhay niya at tahimik kesa naman uwi kami at magulo ito. I don't want him to suffer just like what I did. I don't want him to regret being in this world.

I love my son so much that if I can give him the world then I will.

Binalingan ko naman ang anak ko na matiyagang hinihintay ang magiging asawa niya, si Sierra. Hindi nito inaalis ang paningin nito sa babae at para bang pag ginawa niya iyon ay mawawala ito sa kanyang paningin.

Hindi ko mapigilan mapangiti. Kung meron man isang bagay na hindi nag bago sa anak ko ay iyon ang pagiging isip bata niya. Pero sa tingin ko ay iyon din ang dahilan kung bakit nahulog ang loob ni Sierra sa kanya.

Marami silang pinag daanan at natutuwa akong nalampasan nila ang mga iyon. Natutuwa ako na naging matapang si Sierra at ipinag laban niya ang pagmamahal niya sa anak ko kahit pamilya niya ang kalaban.

I'm so proud of them both...... And I love Sierra too.. as my own child.

Nang makarating sa harap niya ang babae ay hindi na napigilan ni Vion na maging emosyonal. Ngumiti naman ako kay Sierra at tumango.

Ngumiti rin ito saakin atsaka inabot ang kamay kay Vion. Kasama niya ngayon ang kanyang ama na nag hatid sa kanya sa altar.

At nang nasa harap na sila ng pare ay nag simula na nga ang seremonya. Nang matapos iyon ay dumiretso kaming lahat sa reception. Kalansing ng mga baso ang maririnig sa buong pagilid ng matapos mag salita ang bagong kasal upang pasalamatan ang mga dumalo.

Pagkatapos ng party ay dumiretso na ako sa mansion. Napaka tahimik ng buong paligid.

Ngayon ay mga maids na lamang ang kasama ko. Sa ibang bansa kasi mag honeymoon sina Vion at duon sila ng isang buwan kaya naman matagal akong mag iisa rito.

Napaka bilis ng panahon parang kailan lang ng tumakbo pa siya papunta sakin ng makabalik ako galing sa Pilipinas. Napaka kulit pa niya nuon. Naisip ko na nuon na ipakilala siya sa kanyang ama pero ayaw niya.

Naisip ko noon na baka masama ang tingin niya sa kanyang ama kaya ayaw niya pero mali ako. Sa murang edad niya ay naintindihan niya ang sitwasyon namin. Tinanong niya ako kung anong nararamdaman ko para sa kanyang ama.

Inamin ko sa kanya ang totoo. Ang katotohanan na natatakot akong ilayo siya sakin ng ama niya kahit alam ko naman na hindi mangyayari.

Nang sabihin ko sa kanya yun ay nag isip siya ng isasagot sakin. Sa tuwing maalala ko ang bagay na iyon ay hindi ko mapigilan matuwa. Siya ang naging buhay ko sa loob ng maraming taon.

Pero kahit ganun hindi ko mapigilan isipin o kamustahin sa aking isip si Tristan.

Kamusta na kaya siya pagkatapos ng lahat ng iyon?

PLEASE LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon