Nagising ako dahil sa marahang tapik sakin. Andito na pala kami sa Batangas. May beach house dito sina Eri.
"Dito kita dinala dahil mas makakapag pahinga ka dito." Sabi niya at kinuha ang bagahe ko sa likod ng sasakyan. "Walang nakakakilala saiyo rito kaya wag ka mag alala. "
"Hindi naman ako nag aalala kung may makakilala sakin dito. Hindi ako hahanapin ng lalaking yon kaya ayos lang."
"Sige ipapahatid ko na ito sa kwarto mo. Kung nagugutom ka tawagin mo lang si Manang Rona." Tumango na lamang ako sa sinabi niya.
Isang malalim na butong hininga ang pinakawalan ko. Andaming what if's ang naiisip ko.
Pero bandang huli naisip ko na may kasalanan din ako. Kung hindi ko na lang sana pinilit noon na maikasal kami baka hindi na nangyari pa ito.
Pumasok na ako sa loob ng bahay. Dumiretso na ako sa kwarto ko at pabagsak na nahiga.
siguro mas magiging masaya siya kung hindi ako ang naging asawa niya...
.......
Isang linggo na ang nakakalipas ng tumuloy ako dito sa beach house nila Eri. Kahit paano ay nakalma ang isip ko. Abala ako dahil inaasikaso ko ang iilang papeles na kailangan ko paalis ng bansa.
I don't think I can still live here when I know that he is just a few hours away from me...
Pinipilit kong ipaintindi sa sarili na tama lang desisyon na gagawin ko. Tristan doesn't deserve to be the father of my child.
After what he did, I don't think he still has the right to be a father.
Nasa kusina ako ng biglang pumasok si Eri na humahangos.
"Bakit?"
"Y-Your p-parents patay na sila Jane."
Naramdaman ko ang pag dulas sa kamay ko ng pinggan at tuluyang pagka basag nito. I was shocked I can't feel my own body moving. Hindi ako makapag isip ng mabuti hindi ako maka hinga sa sobrang sakit ng nararamdaman ko.
P-Paano nangyari iyon?
"Bakit anong nangyari?" Sabi ko at tila unti unti akong nawawalan ng balanse. "Paano nangyari iyon?"
Inalalayan ako ni Eri
"Let's go we need to hurry." hinawakan niya ang kamay ko hanggang sa makasakay kami ng sasakyan. "Ang sabi ni Theo car accident daw ang nangyari nawalan ng break ang sasakyan nila."
Wala ng ibang tumatakbo ngayon sa isip ko kundi ang mapuntahan ang magulang ko.
"Pero tingin ko...
Napatingin ako kay Eri dahil sa biglang pag sasalita niya tila may gusto siyang ipahiwatig.
"Ano?"
"Tingin ko hindi aksidente ang nangyari." Nabaling sa kanya ang buo atensyon ko.
"B-Bakit?"
"Galing daw sina tita sa condo ni Alisha bago nangyari yung aksidente." aniya nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
Hindi kaya...may kinalaman sila sa nangyari?
Sobrang bilis ng mga pangyayaring ito. Hindi ko na alam ang gagawin ko.
Bakit ganito pinaparusahan ba ako..
Isa lang ang alam ko kasalanan ito ni Alisha at Tristan..
Unti unting kinakain ng dilim ang paningin ko hanggang sa huli kong natandaan ang pag salo sakin ni Eri...
.......
Nagising ako purong puti lang ang nakikita ko. Dahan dahan akong bumangon at napansin na nasa isa akong private room.
nasa hospital ako?
Akmang baba ako ng biglang bumukas ang pinto.
"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" si Eri umupo siya sa gilid ko.
"Oo, ano bang nangyari sakin?" biglang naging mailap ang mga mata niya.
"Nahimatay ka kanina nung papunta tayo dito." aniya "wag ka mag alala ayos lang din si baby. " nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
"S-Si mommy at daddy?"
"Pinaayos ko na ang lahat."
"Gusto ko silang makita." Hinawi ko na ang kumot at bumaba na akmang pipigilan pa niya ako pero wala din siyang nagawa.
Wala na siyang nagawa pa at sinundan na lamang ako. Nasa tapat na ako ng isang kwarto ng bumigat ang pakiramdam ko.
Morgue...
Hindi pa man ako nakakapasok ay tumulo na ang luha ko. Ang bigat bigat ng pakiramdam ko.
Sobrang lungkot ng pakiramdam ko...
Mommy.. daddy..
Dahan dahan kong binuksan ang pinto. Bawat hakbang ko lalong kumakabog ang puso ko. Dalawang kulay puting telang nakatabing ang nakikita ko.
Unti unti kong ibinaba ang puting tela. Mas lalong nadurog ang puso ko ng makita ang walang buhay na mukha ng aking ina at ama. Tuluyan na akong napahagulgol.
.....
Ngayong araw ang libing ng aking mga magulang. Habang tinitignan ko ang dalawang puting kabaong na nasa harap ang hindi ako makapaniwala.
Mommy......sana nung araw na iyon pumayag na lang ako puntahan mo.. kung alam ko lang na iyon na huling beses na maririnig ko ang boses mo sana.. sana hindi nangyari ito..
"Anong ginagawa niyo dito?" napalingon ako dahil sa likod dahil sa sinabi Eri. "Ang kapal ng mga mukha ninyong pumunta dito."
"Eri hindi kami pumunta dito para makipag away. "
Agad na nahaluan ng galit ang puso ko dahil sa mga taong ito. Wala silang karapatan pumunta dito.
"Walang kayong karapatan pumunta dito." Napabaling naman sakin ang atensyon nila. Hindi lang pala sina Tristan at Alisha ang andito kasama rin nila sina tito Trevor at tita Raquel.
"Baka nakakalimutan mo mga magulang ko rin sila." Hindi ko mapigilang matawa dahil sa sinabi niya.
Saan ka nakakabili ng kapal ng mukha?
"Alisha baka gusto mong magkape para kabahan ka naman. " isang malamig na tingin ang ibinigay ko sakanya. "At para sabihin ko saiyo hindi kita kapatid. Umalis na kayo dito hindi ko kailangan ng pakikiramay niyo."
"Jane wag ka naman ganito may pinag samahan rin naman tayo hindi ba. Please don't-----
"Pinagsamahan?" Dahan dahan akong lumapit sakanya. "Wala tayong pinagsamahan Tristan dahil lahat iyon ay puro kasinungalingan. Umalis na kayo." Nilampasan ko sila at tinawag ang mga body guard para paalisin sila.
mga walanghiya!
Naupo na ako at hindi muling umimik pa. Nag tuloy tuloy muli ang agos ng aking luha.
They seem so happy... sila naman yung nanloko pero bakit ako yung nasasaktan at nahihirapan...
Hanggang sa matapos ang araw na iyon ay hindi na napawi ang sakit ng nararamdaman ko.
Mom.. dad.. I promise hinding hindi na ako papayag saktan nila ako o ang anak ko... Gagawin ko ang lahat magkaroon lang ng hustisya ang nangyaring ito sainyo...
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
RomanceDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED
