KABANATA 15

143 3 1
                                    

"I-Ikaw"

"I'm sorry." he said

Kapal ng mukha!

"Saiyo na ang sorry mo hindi ko kailangan yan." hindi ko maiwasan na itaas ang boses ko. "Ang kapal ng mukha mo."

"I know na galit ka pa rin sakin kaya I'm sorry. Please let me explain myself." nag mamakaawang sabi niya.

"I don't need your explanation." Sabi ko mabilis na kinuha ang mga binili ko at umalis duon.

Hinabol niya ko pero mas lalo ko lang binilisan ang lakad ko. Halos takbuhin ko na ang kotse ko. Nang makarating ako ay walang ano ano ay pinaharurot ko na iyon.

That bastard ang kapal ng mukha niya. Anong akala niya makukuha niya ako sa mga sorry niya, tangina niya.

Automatic na bumukas ang gate ng dumating ako. Bumungad agad sakin si Zairah sa labas.

"Bakit?"

"May nag hahanap saiyo sa loob."

Agad na napataas ang kilay ko. Impossible naman na nauna siya sakin dito.

"Sino?"

"Martin" sabi niya napa kunot naman ang noo ko. Agad akong dumiretso sa sala. Naroon siya at prenteng naka upo.

"Anong ginagawa mo dito?" nag sisimula na naman na umakyat ang galit ko.

"Can we talk?"

"Hindi pa ba tayo nag uusap." Sarkastikong sabi ko.

Bobo!

"I have something important to discuss with you."

"Sabihin mo na."

Lumapit ako sakanya at naupo sa katapat niyang upuan.

"Gusto kong gumanti kay Tristan." agad na napataas ang kilay ko.

"And?"

"Gusto kong tulungan mo ko. Tutal sinaktan ka rin naman niya."

"I'm not interested."

"Pag isipan mo ito ng mabuti. Ito na ang pag kakataon mo. Iparamdam mo rin sakanya kung gaano kasakit ang ginawa niya saiyo."

"Hindi ko ugali ang gumanti sa mga tao alam mo yan, dahil kahit ikaw may kasalanan ka sakin."

At ang lakas ng loob mo na pumunta pa rito.

"Alam ko kaya nga gusto kong gawin ito para makabawi saiyo at sa kasalanan ko." aniya atsaka akmang hahawakan ang kamay ko ng pigilan ko siya

"Umalis ka na wala kang mapapala sakin. At ano ang sinasabi mong makabawi nahihibang ka na ba?" galit na sabi ko at sarkastikong tumawa. "Ikaw ang dahilan ng lahat ng ito kaya pwede ba umalis ka na." sabi ko bago siya tinalikuran at akmang hahakbang na ako ng bigla niyang hinawakan ang braso ko.

"You know that your parents death isn't really an accident right?" may ngisi na sa kanyang mga labi "Eto na pag kakataon mo para gumanti sakanya. Pag isipan mo mabuti, hihintayin ko ang tawag mo." Sabi niya bago ako iniwan duon.

........

"Martin is here kanina right?" Napabaling ako sa aking tagiliran ng marinig ang boses ni Zairah. "What happened?" she asked

"It's not important." Sabi ko at dahan dahan umikot sa swivel chair.

"What is it?" Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"He want to help him with his so called revenge. I don't do stuff like that it's waste of time. " Tumayo ako at akmang lalabas na sa opisina ng mag salita siyang muli na nag patigil sakin.

"Help him."

"Why would I?"

"To give justice for parents?"

"It was an accident. Ang mga pulis na mismo ang nag sabi sa investigation nila. It. Was. An. Accident." pag didiin ko sakanya. "So stop this, my parents are in peace now. Respect them."

"Dahil ba talaga sinabi ng mga pulis na aksidente ang nangyari kaya---

"Kaya ano?"

"Kaya ayaw mo ng alamin pa ang totoo o baka naman dahil natatakot ka sa katotohanan na silang dalawa ang dahilan kung bakit nangyari yun. At ayaw mong malaman ang totoo dahil mahal mo pa rin siya!"

Hindi ako makapaniwala sa mga sinasabi niya. Anong karapatan niyang kwestiyunin ang desisyon ko? Ang nararamdaman ko?

"You don't have the right to teach me kung ano ang dapat kong gawin at hindi." May diin ang bawat salita na lumalabas sa aking bibig. "Wala kang karapatan na sabihin sakin na mahal ko pa ang g*gung lalaking yun. Ako ang nawalan ng mahal sa buhay at hindi ikaw. Ako mas nasaktan ng mawala sila at hindi ikaw. You don't know the feeling of being alone because of your wrong decisions."

"Sinisisi ko ang sarili ko sa nangyari Zairah dahil sa mga maling desisyon ko nawala sakin ang mga taong mahal ko. " nangingilid na ang luha sa aking mata pakiramdam ko anong mang oras ay tutulo na ito kaya hanggat kaya ko pigilin gagawin ko. "Alam mo kung gaano ako nasaktan ng mawala sila. Nakita mo kung paano ako nagdusa at halos mawala sa sarili dahil sa pagkamatay nila diba, kaya bakit mo kinukwestyon ang nararamdaman ko. Ayoko nang palakihin ang gulo. Yun lang yun."
Napabuntong hininga naman siya.
Iniwan ko na siya dun mag isa. At dumiretso sa garden.

Tristan and Jane

Nahagip ng mata ko ang isang puno. Nilapitan ko ito at roon nakita ko na ito nga ang puno kung saan nakaukit ang pangalan namin ni Tristan. Siya mismo ang umukit niyan, sabi niya ilalagay niya raw ang pangalan namin rito para hindi kami mag hihiwalay at ako lang mamahalin niya ganon din ako sa kanya. Napangiti na lang ako ng mapait.

Maybe were not meant for each other..

Pumasok din ako sa loob at dumiretso sa kwarto para mag pahinga. Nasa hangdan na ako ng maabutan ko si Zairah na may kausap sa telephone. She called me para lumapit sakanya.

"It's attorney Salvador." Sabi niya bago iniabot ang telephone.

"Hello?" I asked

"Hello Mrs. Villamor I have good and bad news." He said

"What?"

"Okay the good news is that naipasa ko na ulit sa korte ang a annulment case."

"The bad news is?"

"Hinaharang ni Mr. Villamor ang kaso kaya hindi naaprubahan."

"What the actual f*ck?!" Inis na sigaw ko. "Bakit niya gagawin iyon?"

Tangina!

"Maybe you could try to talk to him and try to negotiate about it." he suggested

"No."

"Well if you won't do that mahihirapan at matatagalan ang proseso na ito. We both know that he is very

"Influential " pag tatapos ko sa iba pa niyang sasabihin. "I'll try to talk to him but I can't promise."

"That's better than nothing." Sabi niya bago ko pinutol ang tawag.

You still know how to irritate me huh? Hanggang ngayon bwiset ka pa rin?!

Bwiset ka?!

PLEASE LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon