KABANATA 20

278 5 0
                                        

"Any good news?" tanong ko kay Zairah ng pumasok siya sa loob ng opisina ko.

Hindi talaga siya marunong kumatok.

"The Villamor is selling thirty percent of their shares because of what happened to their hotel. " sabi nito "I think na dito nila kukunin ang perang nawala sa kanila."

"Ganun ba kalaki ang nawala sa kanila para gawin nila iyon?" tanong ko

"Hindi mo kasi naintindihan eh." sabi niya napaka kunot naman ang noo ko sa kanya. "that hotel branch is the largest and biggest hotel na itatayo dito sa Pilipinas. Malaki ang pinondo para duon. At dahil duon maraming nag invest. Pero dahil sa nangyari na lugi sila ng bilyon bilyon."

Napatango tango naman ako at may naisip. Alam ko naman na masamang maging masaya sa paghihirap ng iba. Pero magandang pag kakataon ito para sakin.

"I'll buy their shares..." Sabi ko at nakuha naman niya ang ibig kong sabihin ngumiti siya sakin. Akmang aalis na siya ng biglang bumukas ang pinto at pumasok ang galit na galit na mukha ni Alisha.

"Bakit mo pinakikialaman ang bank accounts ko?!" sigaw niya

"Bakit hindi? Lahat naman ng laman niyon ay galing sa mga magulang KO." diniinan ko talaga ang salitang iyon.
"Galing sa perang PINAGHIRAPAN NILA. Kaya wala kang karapatan duon kahit piso, wala." unti unti siyang napa atras ng lapitan ko siya.

"Ilagay mo na dito lahat ng cards mo dahil hindi naman saiyo iyan." Sabi ko

"No, mommy gave this to me." matigas na sabi niya

"She is my mother and not yours. Give those things to me right now Alisha or else hindi lang yan ang kukunin ko saiyo." banta ko at akmang lalapit pa ng pigilin niya ako. Iniabot niya sakin lahat ng cards niya at pati ang susi ng mga sasakyan niya.

"Kontento ka na ba?" pinag mamasdan ko lamang siya. Napa titig ako sa mga mata niya. Para siyang maiiyak sa sobrang lungkot.

She's just acting Jane.. don't fool yourself to this so called sister of yours.

"Hindi pa ako nakokontento dahil kulang pa ang lahat ng ito bilang bayad sa lahat ng kasalanan mo." nararamdaman ko ang galit sa puso ko para sa babaeng nasa harap ko ngayon.

"So, tama nga ako ginagantihan mo kami." sabi niya at isang matalim na tingin ang ipinukol sakin.

"Bakit? Ano bang gusto mo? Parangalan ko kayo sa ginawa niyo?" sarkastikong sabi ko. "Kung wala ka ng iba pang sasabihin mas mabuti pang umalis ka na bago kita ipakaladkad sa security.

"Tandaan mo ito, kahit ikaw ang tunay na anak I still have the rights kina mom and dad. Dahil mga magulang ko rin sila." pagak akong natawa.

"Kapal ng mukha mo, bilib na ako saiyo. At oo nga pala tamang tama dahil tumawag kanina sakin ang abogado ko ang sabi niya ay maayos na raw ang mga papeles ng mga properties namin dito. Kaya naman mag mula sa araw na ito hindi ka na rin pwedeng tumungtong sa bahay o kahit saang property ng mga magulang ko." Sabi ko  "hindi mo rin pwedeng gamitin ang apelido nila. At pati ang pag bisita sa kanila ay hindi mo na din pwedeng gawin. Pinag babawalan na kita." nanlaki ang mga mata niya sa mga sinabi ko.

"Hindi mo pwedeng gawin iyon?!" sigaw niya at akmang susugurin ako ng sampalin ko siya.

"Inasikaso na lahat ng abogado ang mga papeles. Pipirmahan mo iyon sa ayaw mo man o gusto. " lumapit ako sa bandang tenga niya upang bumulong. "Kundi mo ko susundin ay ipakukulong kita sa pag nanakaw mo ng pera sa kompanya." Walang emosyon ko siya tinignan. Nangingilid ang luha niya sa galit.

Nag lakad ako pabalik sa aking swivel chair at pag katapos ay tinawag si Zairah gamit ang intercom.

"Zairah pakisamahan si Ms. Alisha palabas ng building." Pinatay ko na rin ang tawag pagkatapos.

Pumasok naman si Zairah ngunit naunang lumabas si Alisha. Napangiti na lamang ako.

Masama na kung masama pero ginagawa ko lang ang sa tingin ko ay tama.

Tumayo ako at kumuha ng wine. Umiinom ako habang naka masid sa malawak na syudad ng tumunog ang cellphone ko kinuha ko iyon at sinagot.

"Hello"

[ Maganda ba ang ginawa ko? ]

"What do you mean?"

[ Hotel bombing ] sabi ng kausap niya at sinundan ng halakhak

"So, it's you pala."

[ Yes, it's me sobrang nakakatuwa kung nakita mo lang ang itsura ni Raquel ng malaman ang nangyari sa hotel nila. ] humalakhak pa ito ng malakas

"Ikaw talaga bakit mo naman ginawa iyon."

[ Bakit ayaw mo ba? Hindi ba it open an opportunity for you na mabili ang thirty percent shares nila. This is the perfect time to attack. ]

"Bakit hindi na lang ikaw ang bumili?"

[ Bakit ayaw mo ba? ]

"Gusto ko kaya nga ikaw ang bumili. They won't sell it to me."

[ But they will to me.. ] dugtong niya

"Mm." Napa ngisi ako dahil mukhang nakuha na niya ang ibig kong sabihin

[ Kamusta nga pala si Martin? ]

"Well, I'm planning to finish him like ibabaon ko siya ng buhay."

[ Hindi ka mamatay tao, let me do it for you. ]

Ilang minuto pa kaming nag usap bago nag paalam. Umuwi na rin ako pagkatapos ng tawag.

.......

Today is weekend so I take the opportunity to go in a groceries store. Mukha kasing kailangan ko ng mamili ng ibang gamit lalo na ang mga toiletries.

Nasa meat section ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Agad ko itong nilingon.

Martin

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko

"I need money pwede mo ba akong pahiramin, five hundred thousand.
Kapag naka kuha na ako ng pera sa gag*ng Tristan na iyon babayaran kita agad."

"I can give you money but not here. Come to my condo unit later, around three o'clock in the afternoon. Wait me at the parking lot, I'll give you the money." sabi ko at umalis na duon at nag bayad na sa counter.

Agad kong binitbit ang mga dala dala ko atsaka pinindot ang susi ng sasakyan. Sumakay na ako ng mailagay ko na lahat ng ipinamili ko sa likod.

Nang maka uwi ako ay inihanda ko na ang mga gagamitin mamaya.

Mukhang magiging masaya ang araw na ito..

PLEASE LOVE ME AGAINMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon