Special chapter

249 6 0
                                        

Noong bata ako parang isang fairy tale para sakin ang maikasal at magka anak kasama ang lalaking aking magiging kabiyak.

Isang napaka impossibleng bagay para sakin noon na mahanap ang akong one true love. Pero mali ako dahil nakilala ko siya sa tamang pagkakataon. Naging malupit lamang tadhana samin dahil sa nangyari samin.

Narito ako ngayon sa dati naming bahay. Ibebenta na kasi ito dahil hindi rin naman kami mananatili rito ng matagal. Habang inaayos ko ang ilang gamit ni Tristan na naiwan ay may nahagip ang aking mata.

Isang pamilyar na photo album kinuha ko iyon at pinag masdan kung saan ko nakita. At nagulat pa ako ng maalalang sakin iyon.

It's my photo album

Naiwan ko pala ito noon dito ng umalis ako at mag hiwalay kami ni Tristan. I'm glad na tinabi niya at hindi tinapon. Isa isa kong tinignan ang laman niyon.

Wedding pictures namin ang inilagay ko rito. Duon ko napansin na ang seryoso pala ng mukha ni Tristan nuon dito kumapara sakin na ngiting ngiti. Hanggang sa mapunta ako sa banda dulo.

Si Vion Blair ba ito?

Hindi ako pwedeng magka mali si Vion ito noong sanggol pa lamang siya. Pero paanong napunta ito dito?

Kinuha ko ang larawan mula sa loob ng photo album at wala sa loob kong itinalikod.

My first born, I love you son.

Isa lang ang nasa isip ko... he was there..pero bakit hindi siya lumapit?

He knew that we had a son and yet...

Naagaw ang atensyon ko ang photo album dahil hindi lang isang picture ni Vion ang nandun. Meron siyang picture when Vion graduated in his schools. He also have a picture of Vion's birthday and baptism. 

Meron din nuong nasa park kami at buhat ko siya. Lahat ng litrato ay mga stolen photo pero maganda ang pag kaka kuha. The last photo was me and Vion nuong bagong panganak ako at buhat ko siya.

My life basa ko sa nakasulat sa likod. Bawat litrato ay may naka sulat sa likod.

I'm sorry dahil mas pinili kong lumayo dahil natakot akong masaktan ulit.... Patawad..

Kung nasaan ka man ngayon Tristan I hope your happy. I will forever be grateful to you for giving greatest gift I could ever have.

You will always have a very special space in my heart.... I love you..







____________

End

PLEASE LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon