Tanghali na ng maka uwi ako sa bahay namin. Nasa tapat ako ng gate ng mapansin ang kotse ni Tristan. Pag pasok ko sa loob ng bahay nagulat ako ng makitang naka upo siya sa sofa habang nakatingin sakin ng diretso.
"San ka galing?"
"Kasama ko si Erielle dumating na kasi siya. Nag usap lang kami sa at kumain sa labas."
"Sa tingin mo ba naniniwala ako sayo." Malalaki ang hakbang niya papunta sakin. Mahigpit niyang hinigit ang braso ko. "Baka naman nakipag kita ka lang sa lalaki mo."
"Hindi Tristan wala akong lalaki maniwala ka sakin." Takot ang bumalot sa akin dahil sa aura na ibinibigay niya.
"Liar!!" Isang malakas na sampal ang natanggap ko mula sa kanya.
Nalasahan ko ang dugo mula sa aking labi dahil sa lakas ng pag kakasampal niya.
"Bakit ka ba nagagalit sakin hindi ba dapat ako ang magalit saiyo. Dahil sa ating dalawa ikaw ang may babae ikaw ang may kabit." Bigla naman niya akong sinakal dahil sa sinabi ko. "T-Tristan hindi a-ako makahinga."
"Gusto mo ba patayin na lang kita mas madali yun." Mas lalo niya hinigpitan ang pag kakasakal sakin.
Unti unting pumatak ang luha sa aking mata. I can see in his eyes that he really want to end my life.
"P-Please d-dont do this." Hinawakan ko ang kamay niya at pilit na inaalis sa leeg ko.
Inalis niya ang kamay niya sa leeg ko. Habol hininga naman akong napa hawak sa dibdib ko.
Nagulat ako ng hilahin niya ang damit ko sa likod napatayo ako atsaka mabilis na nag lakad kasama siya. Hawak hawak pa rin niya ang damit ko. Itinulak niya ako sa loob ng madilim na bodega dito sa loob ng bahay.
"Dito ka matutulog ngayon gabi at hindi ka rin kakain." Itinali niya ang kamay at paa ko binusalan rin niya ang bibig ko.
Pilit kong inaalis ang kadena na nakatali sa kamay ko pero hindi ko na magawa. Nilagyan niya ng lock ang mga iyon atsaka ako iniwan rito sa loob ng bodega.
Wala na akong ibang nagawa kundi ang umiyak.
Tristan please love me again..
Nagising ako dahil sa marahas na paghila sa buhok ko. Si Tristan ang bumungad sa paningin ko. Tinanggal niya ang pagkaka kadena ng kamay at paa ko.
"Siguro naman natuto ka na." Marahas niyang hinawakan ang braso ko atsaka ako pinatayo. "Never try to fight against me because you won't like what i can do to you."
Marahas niyang binitawan ang kamay ko atsaka lumabas. Inayos ko naman ang sarili ko bago ako lumabas.
Nang makapasok ako sa loob ng bahay na roon si Tristan nakatayo sa hamba ng pinto.
"Prepare yourself were going to your parents house. My parents will be there also." Umalis na siya pag katapos sabihin iyon.
Nagtataka ako sa sarili bakit kahit anong gawin sakin ni Tristan hindi ko magawang magalit sa kanya. Hindi ko magawang iwan siya.
Masisi niyo ba ako kung hanggang ngayon umaasa pa rin ako na babalik kami sa dati.
Umakyat na ako sa kwarto ko para mag linis ng katawan. Inalis ko na lang sa isip ko ang nangyari. That's the best way to do.
Pagkatapos ko maligo bumaba na ako para sana kumain. Kaya lang andun si Tristan.
Kaya imbis na tumuloy ako sa kusina ay pumunta na lang ako sa sala. Tinignan ko kung anong oras na 10:00 na pala ng umaga.
Umakyat ulit ako sa taas atsaka inihanda ang isusuot kong damit mamaya sa family dinner. I decided to wear my white off shoulder fitted dress i paired it with my white stilleto.
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
Roman d'amourDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED
