"That day, nung paalis ka papuntang sa ibang bansa ay sinundan kita." Panimulang sabi niya
Iyon ang araw na paalis ako papuntang Spain. A few weeks after we broke up.
"Aalis dapat ako ng araw na iyon papunta sa Laguna para sa business meeting. Nasa byahe ako ng tawagan ako ni Dad at sinabing aalis ka papuntang Spain. " Kwento niya at kanina ko pa napapansin ang panginginig niya naman pinaupo na muna siya.
Iniabot sakin ni Merida ang isang towel na ibinigay ko sa kanya.
"Nag madali akong pumunta ng airport para sana habulin ka. Alam mo yung pakiramdam na galit ako saiyo dahil sa ginawa mo sakin, niloko mo ko e....... kayo ni Martin. Pero sinubukan ko pa rin na habulin ka dahil mahal kita." pag papatuloy niya
Unti unti nararamdaman ko ang pag sikip ng dibdib ko. Kahit matagal iyon ay masakit pa rin pala.
"I met an vehicular accident kaya ako nawalan ng alaala." nanlaki ang mata ko dahil sa sinabi niya.
W-What?
"Ilang beses kong ginustong humingi ng tawad saiyo. Alam kong nasaktan kita ng sobra dahil sa mga ginawa ko." sabi niya at lumuhod sa harap ko. "Patawarin mo ko."
Bakit hindi ko nalaman ang tungkol sa bagay na iyon? Bakit ngayon pa?
"I'm so sorry Jane please give me another chance." sabi niya habang hawak hawak ang kamay ko.
Unti unting tumulo ang luha ko. Hindi ko magawang mapaniwalaan ang mga sinabi niya.
"P-Paano.....bakit hindi sinabi sakin nina tito Trevor ang nangyari saiyo?" tanong ko "siguro naman ay may karapatan akong malaman iyon."
"Ayaw na ni Dad na dagdagan ang problema ninyo dahil marami na kayong problema sa kompanya." sabi niya at napa iling ako.
"Bakit nung bumalik ako wala din silang sinabi?"
"Dahil gusto ni Mom na kalimutan ko na ang nangyari. Kaya kimumbinsi niya si Dad na wag sabihin ang totoo pati na rin sakin." ani niya "nang ipagkasundo ang kasal natin ay tumutol si Mom ngunit walang nangyari dahil ayaw pumayag ni Dad." dagdag pa niya
"Tumayo ka na dyan dahil kahit ano pang gawin natin ngayon hindi na mababago kung ano ang mga nangyari na. " maya maya ay sabi ko. "nasaktan na natin ang isa't isa. Kahit sinong sisihin natin wala ng magbabago." Ani ko st hinarap siya ng wala ng mababakas na emosyon.
"Umuwi ka na at mag pahinga." akmang lalagpasan ko na siya ng hawakan niya ang kamay ko. "umuwi ka na Tristan mas makakabuti iyon para saiyo." tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak sakin atsaka nag lakad palabas ng sala.
Nagulat ako ng suminghap si Merida st nilingon ko kung saan siya naka tingin. Mabilis akong bumaba sa hagdan ng makitang walang malay si Tristan. Nang mahawakan ko siya ay sobrang init niya.
Mataas ang lagnat niya.
Nag patulong ako kay Merida na iakyat siya sa itaas. Nang maipasok namin siya sa isa sa mga guest room ay nag pakuha ako ng tubig na may alcohol at bimpo para mapunasan siya. Tinawagan ko naman si Jade para bumili ng damit. Wala naman kasing damit ng lalaki dito.
Habang pinupunasan ko siya ng bimpo ay napag mamasdan ko ang mukha niya. Manang mana talaga sakanya ang mukha ng anak niya.
Maya maya ay bumabaling na siya ng ulo. Parang hindi siya mapakali.
Kinumutan ko siya at iniligpit ang mga ginamit ko atsaka akmang lalabas na ng mag salita siya.
"Please don't.... don't leave me please." mahinang bulong niya.
Nilingon ko siya nakapikit pa rin ang mga mata niya st mukhang nanaginip siya.
Ibinaba ko muna ang dala ko sa mesa sa gilid ng kwarto at naupo sa gilid niya.
Kung hindi kaya nangyari ang mga bagay na iyon... ano kayang sitwasyon natin ngayon?
Napansin kong nilalamig siya kaya hininaan ko pa ang aircon. Ngunit hindi pa rin iyon sapat.
Sinubukuan kong ayusin ang kumot niya ngunit nagulat ako ng hilahin niya ako pahiga sa tabi niya atsaka niyakap ng mahigpit.
Mukhang nainitan ang katawan niya dahil tumigil na siya sa panginginig kaya naman niyakap ko siya pabalik. Hindi ko namalayan na nakatulog na ako sa tabi niya.
......
Nagising na lamang ako dahil sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha. Nagulat ako ng may makapa ako sa aking gilid.
May katabi ako?
Gulat ko itong nilingon at ng makitang si Tristan iyon ay dali dali akong bumangon at inayos ang aking sarili. Mabuti na lang at tulog pa ang lalaki.
Lumabas ako ng kwarto at bumaba sa kusina. Nakita ko si Zairah na kumakain ng agahan. Ngumisi siya sakin na parang nang aasar.
Inirapan ko na lamang siya at iling iling na kumuha ng pag kain.
"Madam, nagluto po ako ng lugaw para kay sir." lumapit sakin si Merida at sinabi iyon. Tumango lamang ako sa kanya at sinabing iaakyat ko iyon.
Nang maihanda na niya ang pag kain ay kinuha ko na iyon para iakyat sa taas.
"Nagka sakit din naman ako pero hindi ako dinalhan ng lugaw." parinig ni Zairah kaya inilingan ko na lamang siya. "Wag ka marupok baka masaktan ka naman." mahinang paalala niya
Umakyat na ako sa itaas para ihatid ang pag kain niya. Nang makapasok ako ay gising na siya.
"Nag dala ako ng lugaw kumain ka na muna." Inilapag ko iyon sa gilid niya
"H-Hindi na, masyado na akong nakakaabala saiyo. Pasensya sa nangyari nalasing kasi ako." naka yukong ani niya
"Ayos lang kumain ka na bago ka umalis mamaya kung mapaano ka pa sa daan edi kasalanan ko pa. At baka sumugod pa ang nanay mo rito." sabi ko
"Oo nga pala pasensya na sa ginawa niya sa kompanya mo noong nakaraan. We are all stress because of what happened. Saiyo pa naibuntong ni mama ang sisi." napabuntong hininga na lamang ako.
"Wala na akong magagawa, nangyari na yun. Kumain ka na ipapakuha ko na lang yan pagkatapos mo." Sabi ko bago lumabas ng kwarto.
Pakiramdam ko ay nangangapa ako sa pag kausap sa kanya. Dahil sa mga sinabi niya ay parang unti unting lumilinaw sakin ang lahat.
Nasa baba na ako ng tawagin ako ni Zairah sa aking opisina. Agad akong lumapit sa kanya st binigay niya sakin ang telephono. Kausap niya si Agustin ang private investigator ko.
"Hello?"
[ Madam, hindi aksidente ang nangyari sa mga magulang niyo. Mag kita po tayo sa Yuqi's cafe duon ko sasabihin lahat ng nalaman ko. ]
"Sige."
Hanggang sa namatay na ang tawag. Ngayon malalaman ko na ang totoo. Hindi ko nagawang malaman noon ang totoo dahil wala akong sapat na kakayahan pero ngayon sisiguraduhin ko na mag babayad ang may kasalanan.
BINABASA MO ANG
PLEASE LOVE ME AGAIN
RomanceDate started: 04/29/2023 Date finished: 05/08/2023 COMPLETED
