KABANATA 24

119 2 0
                                    

ctto of the picture above :)
Yan po yung suot ni Jane :)

______________________

THIRD PERSON POV

"Paano nangyari yun sabihin niyo sakin?!" Galit na sigaw ni Raquel Villamor mula sa conference room dahil sa balitang bumulaga sa kanya ngayong umaga.

Wala na sa pangalan niya ang kompanyang matagal na pinaghirapang itaguyod ng kanilang pamilya.

"Sumagot kayo?! Sino sainyo ang may kagagawan nito?!" rinig na rinig hanggang sa labas ang kanyang galit na sigaw.

Nakangisi namang nakikinig lamang sa labas si Crystal. Natutuwa siya sa nangyayari.

Ngayon ka mag malaki sakin tanda!

Napapailing na lamang siya dahil sa nangyayari sa mga tao dito sa loob ng conference room. Hindi mapakali sina Trevor at Tristan dahil hindi rin nila alam kung paano nangyari ang lahat. Bigla na lamang nangyari at hindi nila inaasahan.

Tignan natin kung sino ang kawawa ngayon tandang Raquel.

Sabi ni Crystal sa kanyang isip. King sigawan niya ang mga tao sa loob ay akala mo hindi siya ang may kasalanan. Siya naman ang dahilan kung bakit nangyari yun.

Sa kabilang dako naman ay natigil ang bubulung bulungan ng mga empleyado ng kompanya dahil sa pag dating ng isang sopistikadang babae.

Tanging tunog na stilleto lang nito ang maririnig sa hallway. Nasa likod naman nito ang hindi mabilang na bodyguards.

Jane Marquez Villamor ang asawa ni Tristan Xyrill Villamor.

Siya na ang bagong may ari ng kompanya. Hindi rin siya maka paniwala noong umpisa ngunit ng ipakita ni Crystal ang mga dokumento na mag papatunay na sakanya na ang kompanya ay duon lamang siya naniwala.

Sigurado akong galit na galit si Tita Raquel dahil sa balitang dumating sa kanya kanina... Haha wika niya sa kanyang isip.

Diretso lamang ang lakad niya papunta sa elevator. Nang makasakay na siya ay pinindot niya ang conference room floor.

Si Crystal ang umasikaso ng lahat ng ito. Nagkataon kasi na nasa isang malaking pasugalan noon ang dalaga at namataan si Raquel. Inalok ito ni Crystal ng pera dahil natalo ang matanda sa sugal. Hindi iyon tinanggihan ni Raquel. At dahil natalo na naman ito ay kinailangan ng ginang ng pambayad sa utang sa casino. Ibinenta nito ang kompanya sa kanya para mabayaran ang utang.

At binigay naman ito ni Crystal sa kanya. Ganun kabilis nangyari ang lahat.

Nang bumukas ang elevator ay namataan agad niya si Crystal na naka ngisi sa kanya habang hinihintay siya.

Nakangiti niya itong nilapitan atsaka sabay silang pumasok sa loob. Rinig nila ang pag sasalita ni Jade mula sa loob. Binuksan ni Crystal ang pinto atsaka siya pumasok. Naiwan sa labas ang mga bodyguards niya.

Gulat naman ang mga tao sa loob ng conference room. Sino ba naman ang hindi magugulat? Sa kalagitnaan ng diskusyon sa loob ng conference room ay biglang susulpot ang dating asawa ng anak ng mga Villamor na nag papakilala biglang bagong chairwoman ng kompanya.

"Good day everyone I bet that Ms. Jade already introduce me to all of you." naka ngiting panimula ko

Isang matalim na tingin ang ibinato ni Raquel Villamor sa kanya. Hindi siya nag patinag at nginisian lamang niya ito.

"I'm now the owner and the chairwoman of the company." aninsyo ko sa kanila.

"Jane" mahinang ani ni Tristan

PLEASE LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon