KABANATA 7

140 3 0
                                    

Ngayong araw kami aalis pabalik sa Manila. Tapos na ang bakasyon na ang ilang araw naming bakasyon. Wala pa rin pag babago sa pakikitungo sa akin ni Tristan pakiramdam ko nga mas dumistansya siya sakin.

Nang makarating kami sa bahay ay nauna na siyang bumaba sakin. Palabas na sana ako ng may mapansin sa paanan gilid ng inuupuan ko.
Naka ipit iyon sa gilid ng upuan sa ibaba.

Lipstick?

Parang pamilyar sa akin ito ngunit hindi ko maalala kung saan ko nakita. Kinuha ko iyon at itinago sa aking bag atsaka pumasok sa loob ng bahay.

Nasa loob na ng kwarto si Tristan kaya pumasok na ako sa sariling kwarto. Nakakapagod din ang mag hapon na naging byahe namin.

Muli kong pinagmasdan ang lipstick na nakita ko sa kanyang sasakyan.

Kay Crystal ba ito?

Napailing na lamang ako ng may sumagi sa isip ko.

Impossible… hindi naman siguro baka nagkataon lang.. hindi naman iisa lang may kayang bumili ng ganitong lipstick..

Itinago ng iyong muli atsaka lumabas ng kwarto. Saktong paglabas ko ay pag labas din niya sa kwarto. May dala itong maliit na maleta, iba sa dala namin sa resort.

"Saan ka pupunta?" Tanong ko sa kanya

Hindi niya ako pinapansin at dire diretso lang siya. Matagal na niya akong binabalewala at wala ng bago dun. Napa buntong hininga na lamang ako.

Ito na lang ba ang magagawa ko?

Maghihintay sa asawa ko kung kailan siya uuwi?

Kung kailan siya may panahon para sa akin?

Hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya pagkatapos ng nangyari samin noon. Ayoko na rin sanang pag usapan pa ang tungkol sa masakit na pangyayaring iyon sa buhay namin.

…..

Nag hahanda ako ng pagkain ko ng biglang dumating ang sasakyan ni Tristan. Nagmamadali akong lumabas para salubungin siya.

Totoo nga nandito siya..

"Welcome home hubby. " Patakbo akong yumakap sa kanya.

Sa unang  pagkakataon na ito ay naramdaman kong mag asawa kaming dalawa. Ako bilang asawa na nag hihintay sa pag uwi niya. Pero saglit lamang iyon dahil itinulak rin niya ako palayo. Nilagpasan niya ako at pumasok na sa loob. Nawala ang ngiti ko kanina at seryosong pinagmasdan ang likod niya.

Binuksan ko ang kotse niya mabuti na lang at nakuha ko ang susi sa bulsa niya kanina. What are you hiding from me?

Hindi ko alam kung anong pumasok sa utak ko at pinasok ko itong sasakyan niya.

Well…. girl instinct..

I know may tinatago siya sakin..

Maybe he has a new woman. Hindi na niya dinala si Crystal dito sa bahay. Hindi ko alam pero gusto kong malaman kung sinong babae ang ipinalit niya kay Crystal kung totoo man hinala ko.

Pero sa huli ako din ang sumuko wala akong nakita. Akmang baba na ako ng may mahagip ang mata ko. Lumipat ako papunta sa driver seat may naka siksik sa gilid ng upuan. Kinuha ko iyon only to find out it's a panty.

It's not mine… but.. it looks familiar..

Bumaba ako ng sasakyan at dumiretso sa kusina. Kumuha ako ng isang baso ng tubig bago inisang lagok iyon. Umakyat ako sa kwarto at nag isip ng dapat kong gagawin.

I'm sure he has another woman..

……

Nasa kusina ako ng biglang tumunog ang telephone. Mabilis akong pumunta dun para sagutin.

PLEASE LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon