KABANATA 9

110 2 0
                                    


KINABUKASAN nagising na lamang ako na magkatabi kaming dalawa ni Tristan. Nag init ang pisngi ko ng maalala ang nangyari.

Sabi ko movie marathon e.. ang rupok mo Jane..

Napatingin ako sa aking katabi ng bigla niyang isiksik ang kanyang mukha sa aking leeg.

Dahan dahan kong inalis ang kanyang braso sa aking bewang atsaka dahan dahan akong umalis sa kama. Mabilis kong dinampot ang mga damit ko na nagkalat sa lapag.

Napabuntong hininga na lang ako ng makita ang bra at panty ko na pinunit niya kagabi. Nang maayos ko na ang sarili ko bumaba na ako para mag handa ng agahan namin.

Nang matapos kong ihanda ang mga gagamitin at kakainin namin. Umakyat na ako upang gisingin siya.

"Tristan gising na umaga na, papasok ka pa mamaya." Pilit ko siyang ginigising ngunit bumaling siya ng higa patalikod sakin.

Hayy

"Tristan gumising ka na." Niyugyog ko na siya ng niyugyog.

"Hon, give me five minutes more. I'm still tired from what we did." Agad na namula ang pisngi ko dahil sa sinabi niya. Tinigil ko ang pag yugyug sa kanya.

Dumilat naman ang kanyang mga mata atsaka itinuon ang paningin sakin.

"Tumayo ka na dyan, may pasok ka pa." Mabilis akong tumayo at aalis na sana ng bigla niya akong hilahin pahiga sa tabi niya.

"I want to cuddle with you." Sabi niya atsaka idinantay sakin ang kanyang hita at hinapit ang beywang ko.

Sana lagi na lang ganito..

"May pasok ka pa Tristan, atsaka baka lumamig ang breakfast na hinanda ko para sayo." Maya maya ay sabi ko. Tumingin naman siya sa akin.

Niluwagan niya ang yakap sa akin kaya nagawa kong makawala at bumangon para makababa na. Ilang minuto lang ay nakababa na rin siya.

"Let's eat." Aya ko sa kanya.

Nilagyan ko naman ng pagkain ang pinggan niya. Atsaka nagsimula ang agahan namin ng masaya.

Sa mga oras na lumilipas ay ramdam na ramdam ko ang pag mamahal niya akin, hindi man niya direktang sabihin ay ipinaparamdam naman niya sa akin.

He always cook breakfast and dinner for me. Palagi rin siyang tumatawag dito sa bahay at kina kamusta ako.

Noong una ay naninibago ako kung sa paraan ng pakikitungo niya pero ngayon mas dinadama ko na lamang iyon. Pakiramdam ko nasa langit ako at nakahiga sa mga ulap. Bigla akong napangiti ng maalala ang pagbigay niya sa akin ng bulaklak noong isang araw.

Flashback...

Nanonood ako rito sa sala nang biglang may nag-doorbell sa labas.
Tumayo na ako para pag buksan ito.

Pag bukas ko ng pinto medyo nagulat ako ng makita ko si Tristan. Maaga pa, kadalasan kasi mga ala sais pa siya kung umuwi.

Bigla niyang inilabas ang Rosas?

Teka para kanino naman kaya iyon?

Ayoko nang mag assume baka kasi hindi naman pala para saakin iyon.

"Pasok ka na" niluwagan ko ang bukas ng pinto. "Aga mo atang umuwi? Teka kumain ka na--

"For you" putol niya sa sasabihin ko. Hindi ako makapag react.

So para talaga saakin ang bulaklak?

Hindi ako nanaginip?

"Ayaw mo ba?" Tanong niya na nag pabalik ng ulirat ko.

PLEASE LOVE ME AGAINTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon