28

5.4K 83 6
                                    

Chapter 28

Keyden's POV

"Son, meet your ninong's daughter. She's Phoebe. What a pretty lady, huh?" Pakilala ni Dad sa akin sa batang babae na katabi ng kumpare ng ama ko.

This is the first time I've seen her since normally, mag-isa lang ang ama nitong dumadalo sa parties. I immediately noticed how shy she was. Panay ang tago nito sa likod ng binti ng ama nito.

She's cute.

Since I figured that I'm older than her, that means that I should do my best to make her comfortable thus, I introduced myself even though it's not really my thing.

Sinubukan kong lumapit kasabay ng pagtago nito lalo sa likod ng ama nito. She looked so fragile and frail. Makes me want to take care of her.

"Hello! I'm Keyden. You're really pretty!"

I could hear chuckles around us after what I said. What? What's so funny? It's true though. She is really pretty. She looks like snow white, I almost wanted to be the prince. Her prince.

"Princess, Keyden's trying to make friends with you." Sabi ni Ninong pero nahihimigan ko ang pagbabanta roon. It didn't sit well with me pero nawala iyon sa utak ko nang dahan-dahang humiwalay ang bata sa binti ng ama niyo upang hunarap nang maayos sa amin,

"Hi, I am Phoebe Lynx. Nice to meet you, Keyden." Mahina at alam mong mahinhin siya pero hindi ko mapigilang mapangiti nang makita ang pamumula ng pisngi nito habang hindi makatingin nang maayos sa akin.

Cute. Cute. Cute!

"Hello, Phoebe! We meet again." Bati ko sa batang mag-isang nakaupo sa sulok. I saw her again weeks after we met each other, but she really doesn't look like she's enjoying the party. Masama ang bukas ng mukha nito at kulang na lang ay ngumuso siya pero kahit minsan ay hindi ito maririnig na nagreklamo. 

Buti na lang ay napilit ko ang ama kong isama ako sa pagbabakasakaling makita kong muli ang batang ito. Mas matanda ako nang ilang taon sa kaniya kaya naman pakiramdam ko ay may bata akong kapatid kapag kasama siya.

She was shy. She never talked to anyone first. Tyaka lang magsasalita kapag tinatanong so I stayed beside her. It was never a problem for me when it comes to making friends so everytime we attend a party, I would always make sure na kasama ko siya kapag may iba akong kausap. I don't want her to be lonely.

Habang tumatanda kami, mas lumalaki ang sense of responsibility ko sa kaniya. Lalo pa at panay ang paalala sa akin ng magulang ko na dapat kong alagaan si Phoebe. Dapat ko siyang protektahan, dapat lagi akong nasa tabi niya at kung anu-ano pa. Tumatak iyon sa isip ko pero hindi ko maipagkakaila na minsan, naiinis ako dahil tila ba tinutulak nila sa akin si Phoebe.

Masyado siyang mahina. Kailangan laging alagaan, kailangan laging samahan. She was always taken advantage on because she was timid. Good thing kasama niya lagi ang kaibigan niya. One time, nalaman ko pa na kinukuha ng mga kaklase nito ang pera niya. Utang daw pero hindi naman binabayaran and Phoebe let those people.

Nalaman ko lang noong ipatawag ang ama ng babae sa guidance dahil binugbog ng kaibigan ni Phoebe ang mga taong iyon. It was amusing to watch.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon