Chapter 26
Phoebe's POV
Lumabas si Andrei para makapag-usap kami nang ayos ni Charity pero ilang minuto na ang nakakaraan ay wala pa ring nagsasalita sa aming dalawa. Nakayuko lamang ang babae habang ako ay nakatitig sa kawalan.
Hindi maganda ang huli naming pagkikita kaya hindi nakakapagtakang hindi namin alam ang sasabihin sa isa't isa. Hindi ko napigilang mapakuyom ng kamao habang iniisip ang nakaraan naming dalawa.
Si Charity ang laging nakikipag-away sa mga kaklase namin kapag may umaaway sa akin. Sabi pa niya, hindi niya pwedeng tanggalin ang tingin sa akin dahil hindi ko kayang lumaban para sa sarili ko but she was wrong. I can defend myself just fine, sila lang ni Keyden ang masyadong nag-aalala noon.
Sinong mag-aakala na ganito ang kahahantungan namin? Kung may magsasabi sa amin noon na mag-aaway kami nang pisikalan dahil sa iisang lalaki ay baka tawanan lang namin.
"K-kumusta ka?" Nag-aalangang tanong ni Charity habang nakatingin sa mga kamay nito. Hindi pa rin ito makatingin sa akin nang diretso at base pa lang sa ekspresyon ng mukha nito ay alam ko agad kung bakit.
Nakokonsensya pa rin ito sa nangyari.
Hindi ko sinasabing hindi ako nasaktan o nagalit sa nangyari, hindi rin ako magiging hipokrito at sasabihing kaya kong magpatawad agad pero at the very least, gusto kong isarado ang parteng iyon ng buhay ko.
"I'm fine now, Charity. Magta-tatlong buwan na ang baby ko." Balita ko rito habang hinahaplos ang tyan ko. Nakita ko ang pagdaan ng takot sa mga mata nito bago nagsalita, "H-how is your baby? M-maayos lang ba siya after... After w-what I did?"
"Yes. Thankfully, malakas ang kapit ni baby. Ginagawa rin ni Keyden ang lahat para maging maayos kami." I smiled. "Ikaw? Kumusta ka na? Y-yung fractures mo?"
"I'm fine, Phoebe. Gumaling siya agad."
It was a short conversation na nauwi sa awkward na katahimikan. I smiled bitterly remembering how we could have a conversation for the entire night at hindi kami mauubusan ng kwento noon.
"I know that you don't want to see me anymore, Phoebe. Alam kong galit ka, and I understand. I did a very bad thing at hindi ko hihilingin na patawarin mo ako dahil kahit ako, hindi ko magawang patawarin ang sarili ko." She exhaled, not letting her tears fall. "I just want to say that I am sorry. I am sorry for being such a bitch. I'm sorry for ruining our friendship. I'm sorry for being jealous. I'm sorry... For everything."
Hinayaan ko siyang magsalita. Nakikita ko ang sensiridad sa bawat salitang binibigkas nito at alam kong nagbalik na ang Charity na kilala ko pero kahit ganoon ay may katanungan pa rin sa isip ko,
"Why did you do it, Charity? Bakit kailangan mong isakripisyo ang kaligtasan mo para lang mapaglayo kami ni Keyden?"
I saw her hesitate before answering, "Because I was jealous, Phoebs. Naisip ko, bakit ikaw, ang dali-dali mong nakukuha ang mga gusto mo? Bakit ikaw, ang ganda-ganda ng buhay mo samantalang ako, si Keyden lang naman ang ginusto ko pero kahit siya ay ikaw ang minahal sa huli? I was jealous, I was mad. Naisip ko, ano ba naman iyong kaunting galos kung babalik naman sa akin ang atensyon ni Keyden? Hindi ko naisip na ikaw naman ang mawawala sa akin. I was really stupid and I hate myself, but I couldn't turn back the time. Hindi ko mababawi ang ginawa ko. Nasaktan na kita, pinagsabihan kita ng masasakit na salita, and if after all of these... Kung ayaw mo na akong m-makita... I will understand. I will, Phoebe." Naiiyak nitong sagot.
Alam ko. Alam kong pinagsisisihan ni Charity ang ginawa niya. Alam kong sobra itong nakokonsensya to the point na nihindi ito makalapit sa akin pero wala akong maramdaman. Hindi katulad noon na nakadepende kay Charity kung masasaktan ako o sasaya ako sa mga salita nito. I just... Don't care.
BINABASA MO ANG
His Selfless Wife ✔️
Romance"I'm willing to help you find your happiness even if it means losing my own." -Phoebe Lynx Villanueva ©Whistlepen2019 Revision completed: 04/01/23