23

12K 196 10
                                    

Thank you so much for waiting for the updates and letting me have my own pace in writing. Love lots!

CHAPTER 23

KEYDEN'S POV

"I SAID I won't kill my baby!" Histeryang sigaw ni Phoebe nang dumating ang ama nito at sinabi rito ang balita ng doktor tungkol sa pagbubuntis niya.

Hindi ako nakisabat dahil maging ako ay ayaw kong mawala ang bata pero... May posibilidad na si Phoebe naman ang mawala sa akin kapag nagkataon. Mas hindi ko siguro kakayanin na mawala ang asawa ko.

Hindi pa ako nakakabawi. Kailangan kong bumawi pero paano ko gagawin 'yun kung galit ito sa akin? I have never seen her so mad pero hindi ko naman siya masisisi. I was an asshole to her. A jerk. I could still remember how she cried when she told me how much she regret loving me. Hindi ko na kayang makita siyang ganun. Ni isipin ang itsura niya noon ay hindi ko magawa dahil parang dinidikdik sa sakit ang puso ko.

She even filed for a divorce. And it's all my fault.

Hindi ko alam kung paano pa ako makakabawi. Hindi ko alam kung saan magsisimula. Pakiramdam ko, sa bawat galaw ko ay masasaktan ko siya. Pakiramdam ko, may magagawa na naman akong mali at tuluyan nang mawawala ang asawa ko sa akin.

God, please me. Help my wife. Help our family.

"Baby, you're not going to kill your child. You're just going to save yourself. Tingin mo ba makakaligtas ang bata kung patay ka na? No, hindi aabot dahil sa bawat araw ay palala nang palala ang lagay mo. You can always make another one and I'm sure ganoon din ang gusto ng apo ko kung alam niya lang ang nangyayari." Pagpapakalma ng ama nito.

Hindi ko mapigilan na pasimpleng makapakuyom ang kamay dahil... May punto ito. And I'm having doubts right now. About keeping the baby.

I know I shouldn't. I know that I want to keep our baby. Gusto kong makitang ipanganak ito, gusto kong makitang lumakad ito at marinig itong tawagin akong "papa" pero paano naman ang asawa ko? At this rate, I might lose both of them and I'm not ready for that. I will never be.

"I can always make another one?! Are you out of your mind, Dad? Anong tingin mo sa anak ko? Laruan na pwedeng mawala o masira kasi pwede pa naman akong bumili ng bago? No! Buhay ng anak ko ang pinag-uusapan dito at kung ginagawa mo ang lahat para mabuhay ako dahil anak mo ko pwes ganun din ako sa anak ko. Gagawin ko ang lahat para lang sa anak ko. Para lang mabuhay siya at masilayan niya ang mundo. I won't let you kill my baby! I will protect this child kahit pa isakripisyo ko ang sarili ko!" Sigaw nito habang walang emosyon ang mukha pero patuloy ang pag-agos ng luha sa mga mata nito at sa mga sinabi nito ay hindi ko mapigilan ang maiyak. Sinubukan kong tumingin sa kisame para hindi tuluyang tumulo ang luha ko pero nagtuluy-tuloy lang iyong umagos sa gilid ng pisngi ko.

My baby is so brave. I know she will be a great mother to our child. Hindi ko na naman napigilan ang magsisi. Kung sana ay maaga ko lang nalaman ang kondisyon ni Phoebe ay hindi sana kami hahantong sa ganitong sitwasyon kung saan kailangan pang mamili kung sino ang ililigtas. Kung naging mabuting asawa lang ako at mas inintindi ang asawa ko kesa sa lintek na kaguluhan ng puso ko, sana masaya kami ngayon. Sana napatignan namin siya nang mas maaga.

Putangina, sising-sisi ako. Kung sana ay maibabalik ko lang ang oras.

"If that's what you want, fine. Pero sana intinihan mo rin ako, 'nak. Intindihin mo sana na isa akong ama na mahal na mahal ang anak niya. 'Yung anak niya na minahal niya mula nang isilang siya sa mundong 'to. 'Yung anak niya na ayaw na ayaw niyang nadadapuan ng lamok. 'Yung anak niya na pasaway at ginagamit ang panglalambing nito para hindi ako magalit. 'Yung anak niyang naghihirap ngayon. Gusto ko lang ang makakabuti sa'yo dahil mahal na mahal kita, 'nak. Tandaan mo na walang magulang ang gustong maglibing sa sariling anak nila." Sagot ng ama ni Phoebe habang patuloy ang pagluha habang basag ang boses bago tuluyang lumabas sa kwarto.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon