CHAPTER 3
PHOEBE's POV
Malapit nang matapos ang reception nang bumalik si Keyden. Hindi na lang ako nagsalita o nagtanong nang makita ang galit na mukha nito. Mukhang nagtalo nga talaga ang dalawa kanina.
Mabilis na lang natapos ang event at agad din kaming dinala sa isang hotel para sa aming unang gabi. Alam ko naman na walang gusto sa akin si Keyden pero sa isipin na ito ang una naming gabi at siya ang unang pagbibigyan ko ng aking sarili ay hindi ko maiwasang mamula at kiligin habang naliligo. Ano kaya ang gagawin namin? Masakit kaya talaga iyon tulad ng mga nabasa at narinig ko? Hindi ako inosente at aaminin kong nakapanood na ako ng videos ng lalaki at babae na nagtatalik lalo na noong ako ay nasa kolehiyo at base sa aking napanood ay mukha naman silang masaya sa ginagawa nila pero narinig ko rin noon na kapag unang beses ay masakit. Kinakabahan tuloy ako.
Imbes na ang body wash na nakahanda roon sa rack ay ang body wash ko ang ginamit ko. Dinala ko talaga ito dahil mas gusto ko ang amoy na iyon at gusto kong magustuhan din ni Keyden ang amoy ko mamaya. Nang matapos ay nagbalot lang ako ng robe at kinakabahan man ay dahan-dahan akong lumabas ng bathroom. Nauna na kanina si Keyden maligo kaya naman alam kong ako na lang ang hinihintay nito pero imbes na Keyden na gising at handang lumaban ang nakita ko, natutulog na Keyden ang naabutan ko.
"K-Keyden?" Nahihiya kong tawag dito incase na gising pa ito and fortunately, gising la nga ang binata dahil after a second ay sumagot din ito.
"What?" Inis nitong tanong habang nakatalikod sa akin.
"Ahm, matutulog lang ba tayo?" Nahihiya kong tanong at halos lumubog ako sa kahihiyan nang umupo ang binata at tinignan ako na para bang may nakakatawa akong sinabi.
"Are you serious? I won't touch you. It's just a contract marriage, it's not like I really love you. Why? Did you expect a romantic night?" Natatawa nitong tudyo bago muling humiga at tumalikod.
"Sleep. Maaga tayong pupunta sa vacation house namin bukas." Sabi pa nito at kahit hindi nito nakikita ay tumango na lang ako at pilit pinunasan ang luha sa mukha ko.
Sabi nila, ang unang gabi ng mag-asawa raw ang pinaka-importanteng gabi lalo na sa mga babae pero mukhang hindi applicable iyon sa lahat lalo na sa akin. I'm so stupid to think na mararanasan kong hawakan ni Keyden. Once again, I feel so small and worthless.
TULAD ng sabi ni Keyden, maaga nga kaming umalis para pumunta sa vacation house nila para sa honeymoon namin. Sa buong byahe ay hindi kami nag-usap ni Keyden pero nakita ko siya na kausap si Tita Felipe sa telepeno.
Nang makarating ay halos mapanganga ako sa ganda at laki ng bahay. It's a modern house pero pagpasok namin ay napaka-cozy pa rin ng pakiramdam. Umakyat agad si Keyden para matulog habang ako ay naglibot at nang makarating sa kusina at makitang madami ang pwedeng iluto sa ref ay agad akong nagsearch ng pwedeng iluto. I can't help but smile while surfing sa internet dahil naalala kong isa ito sa pinangarap ko noon. Ang ipagluto ang mister ko pero kahit kailan ay hindi ako natutong magluto dahil madalas akong nasa ospital noon. There's no harm in trying naman. I wanna cook something for Keyden.
FIRST DAY of being Keyden's wife and everything is a disaster! Bakit ko ba ipinagpipilitan na magluto kahit alam ko na hindi ko naman kaya? Masyado akong na-overwhelmed na isa na akong ganap na Mrs. Keyden Sebastian Fuentes at nag feeling may bahay agad ako at nagluto ng breakfast namin and here I am now. Staring blankly at the pancake I've made that is now a complete trash. Nihindi nga ito mapagtyatyagaan eh. Binabawi ko na 'yung sinabi ko kaninang there's no harm in trying. Ilang beses akong napaso at ngayon ay pulang-pula na ang kamay ko.
In the middle of my frustration ay may narinig akong yabag ng mga paa at sigurado akong si Keyden na iyon dahil kaming dalawa lang naman ang tao sa bahay na ito.
BINABASA MO ANG
His Selfless Wife ✔️
Romance"I'm willing to help you find your happiness even if it means losing my own." -Phoebe Lynx Villanueva ©Whistlepen2019 Revision completed: 04/01/23