Super late update. LOVE LOTS!
CHAPTER 22
KEYDEN'S POV
MAHIGPIT ang hawak ko sa kamay ni Phoebe habang nakaupo ako sa silya sa tabi ng higaan nito. Ayokong bitawan ang kamay niya dahil pakiramdam ko... Pakiramdam ko sa pagkakataon na 'to ay mawawala na siya sa akin nang tuluyan. Ayoko. Hindi ako papayag. Hindi pa ako handa at kahit kailan ay hindi ata ako magiging handa.
Halos mamatay ako sa kaba nang sabihin nung Andrei na wala na si Phoebe. Paulit-ulit akong nagdadasal at nagmamakaawa na bigyan pa ako ng pagkakataon na makausap at mahalin nang buo ang asawa ko.
Nihindi ko ininda ang sakit ng katawan ko kanina nang magising ako. Ang nasa isip ko lang ay si Phoebe at ang kalagayan nito. Halos lumuhod ako sa pasasalamat nang malaman na may pagkakataon pa akong itama ang mali ko. Nagawa nilang ma-revive ang dalaga nang tumuwid ang linya nito at malaki ang pasasalamat ko roon.
Kahit halos ipagtabuyan ako ng ama ni Phoebe kanina at ayaw akong payagang makita ang dalaga ay hindi ako nagpatalo. Gusto kong makita si Phoebe. Gusto kong makita ang asawa ko. Buti na lang at kinausap ito ni Andrei, and it annoyed me when the old man immediately surrendered.
Close ba sila? I wanted to confront this Andrei guy but my jealousy is the least of my worries right now.
Ngayon ay nakikinig ako sa usapan ni Andrei at ng doktor ng asawa ko tungkol sa kondisyon niya at halos maiyak ako sa lagay nito. It was more serious than I thought. Nais ko na lang makipagpalit ng pwesto rito.
Please, God. Save my Phoebe and our baby. Save my family.
"We really need to perform a heart transplant right away but because of her condition, I'm afraid we have no other choice but to choose between the mother and the baby. Hindi kakayanin ng bata ang mga gagawin namin sa operation at hindi naman kakayanin ng pasyente kung hindi mapapalitan ang puso nito. Choose wisely. I'll be back in an hour for your decision." Walang emosyon nitong balita at para bang wala itong pakielam sa nararamdaman namin dahil sanay na ito pero ako... Hindi ata ako masasanay. Ayokong masanay.
My wife is baring our child and I have to choose between them? Wala pa nga halos isang araw mula nang malaman ko na magkakaroon na kami ng anak ng asawa ko, tapos ngayon ay kailangan kong mamili sa kanilang dalawa?
Ano nga ba ang mas matimbang sa akin? Pagmamahal bilang asawa o pagmamahal bilang isang ama? May karapatan nga ba akong mamili? Sa lahat ng ginawa ko, may karapatan ba akong magdesisyon para sa asawa ko?
"I am choosing my wife and my child. I'm not losing any of them." Walang emosyon kong sagot sa isipin ko. Gusto ko pang makita ang paglaki ng anak ko kasama ang asawa ko. Gusto kong makitang lumaki ang tyan ni Phoebe. Gusto kong maranasan na gisingin sa gabi ng asawa ko dahil may gusto itong kainin. Gusto kong makasama ang mag-ina ko.
And looks like Andrei has different opinion from mine. Too bad, I do not care.
"Man, look, if you lose the child, you can always make another one with her. But if you lose Phoebe-" hindi ko na pinatapos pa ang sinasabi ng lalaking ito. Tinignan ko lang ito nang masama bago magsalita, "I said... I'm choosing the both them. We can make another one? Don't treat my baby as if it's a toy, man. It's my baby. Our baby. Walang makakapalit sa nasa sinapupunan ni Phoebe ngayon." Paninindigan ko.
Agad naman itong umiling na nagpakunot ng noo ko. Ano bang problema nito? Nais ko mang magselos sa lalaking ito ay hindi ko magawa dahil hindi gawain ng isang lalaki na may gusto sa babae ang ginagawa nito. Nang makita ko ito kanina ay parang gusto kong suntukin ang lalaki pero nang maalala na siya ang kasama ng asawa ko noong mga panahon na wala ito sa tabi ko ay pinipigilan ko ang sarili ko.
BINABASA MO ANG
His Selfless Wife ✔️
Romance"I'm willing to help you find your happiness even if it means losing my own." -Phoebe Lynx Villanueva ©Whistlepen2019 Revision completed: 04/01/23