6

10.3K 225 31
                                    

CHAPTER 6

PHOEBE'S POV

ILANG araw na kaming hindi nagkikibuan ni Keyden hindi dahil sa umiiwas ako sa kaniya kung hindi dahil umiiwas siya sa akin. Mula noong umuwi kami galing sa parke ay parang nabalot kaming muli ng yelo. Walang nagtangkang magsalita o iopen-up ang tungkol sa sinabi ni Keyden. Ipokrita ako kung sasabihin kong hindi ako kinilig at hindi ako umasa dahil alam na alam ko sa sarili ko na mas hinigpitan ko ang kapit ko kay Keyden nang sabihin niya ang mga katagang iyon.

Akala ko ay may magbabago na sa samahan namin. Well, may nagbago nga pero imbis na mapalapit kami sa isa't isa ay parang mas lalong tumibay ang pader na humaharang sa amin. Para bang mas lumayo kami sa isa't isa dahil lang sa mga katagang sinabi nito noong isang araw at ang nakakatawa ay imbes na ako ang mailang ay ito pa ang lumayo na para bang may nakakahawa akong sakit. Oo, may sakit ako pero hindi naman iyon nakakahawa ah?

At para bang pinaglalaruan pa ako ng tadhana, para bang pinamumukha talaga nito na hindi para sa akin ang binata. Bigla kasing nagpop-up ang notification na galing kay Charity. Nag-text ito dahil tinatanong kung kailan ang uwi namin o kung pwede ba raw kami magkita. Gusto nitong magmovie-date kami dahil iyon ang gawain namin noon. Sakto pa na pinalabas na iyong 4th installment ng movie na pinapanood namin. Lagi kaming magkasama manood dati mula unang installment hanggang pangatlo, nais nito na panoorin din namin ang pang-apat nang magkasama.

I would love to watch it with her. Sa totoo nga ay inilabas pa lang ang trailer nito ay nag-plano na agad kami na papanoorin namin itong dalawa sa sinehan, kung wala lang sana kaming usapan ni Keyden at kung hindi lang sana ako nangako. I heaved a sigh while gently massaging my chest when I felt it sting.

I replied, "Sorry, Chas! May lakad pala ako ngayon. I gave my ticket to Keyden. Kayo na lang siguro muna ang manood."

This is the right thing. Siguro ay wala lang kay Keyden ang sinabi nito noon, siguro ay wala talagang kahulugan iyon. I kept on convincing myself na wala lang kay Keyden ang sinabi nito, na baka nadulas lang ito pero alam ko na deep down, I wished it meant something.

I looked at my phone again when Chasty replied, "Huh? Okay lang ba? Paano kung malaman ng parents niyo?"

For some reason, ramdam ko ang pag-aalangan at pag-aalala nito kahit pa alam naman nitong sa papel lang kami mag-asawa ni Keyden. Wala akong karapatang magselos sa kung sino mang babae na gustong makasama ni Keyden dahil una pa lang, nilinaw na nito na hindi niya ako magugustuhan.

"It's okay, Chas. Gusto rin naman niyang mapanood 'yang movie na iyan. Akong bahala sa parents namin. Enjoy kayo."

Now that I created an opportunity for them, it's up to Keyden kung paano niya gagamitin ang pagkakataon na binigay ko para sa kanilang dalawa. Hindi rin namana ko nag-aalala. Knowing Keyden, he would grab it without second thoughts as long as it's about Charity.

Kahit noon pa naman, eh. College pa lang kami, tuwing hindi ako makakasabay kay Charity na makauwi dahil may org meeting ako, si Keyden ang sasabay rito kahit pa pareho lang naman kami ng sinalihan na organization noon. He would skip the meeting just to be with her.

Nakakainggit ka, Charity. I smiled bitterly. Anong karapatan kong magreklamo? Ginusto ko ito, sumang-ayon ako sa usapan namin na ito. Wala akong karapatan na masaktan ngayon sa isiping magpapakasaya si Keyden sa piling ng ibang babae. Sa babaeng totoo nitong gusto.

Naputol lang ang iniisip ko nag marinig ang mga yabag ng paa. For sure, si Keyden iyon kaya naman inihanda ko ang ngiti ko para salubungin ito at masabi ko ang magandang balita. Lumingon ako rito at hinintay itong tuluyang makababa ng hagdan. He was looking at me with confusion, nagtataka kung bakit hinintay ko pa itong makababa. Hindi ko na hinintay na umiwas pa ito at nagsalita na, "Keyden, you can go with Charity today. I already told her ikaw ang makakasama niya imbes na ako so, have fun!" masigla kong balita rito kahit pa nga gustung-gusto ko nang ngumiwi. Something inside me was twisting while imagining them having a good time together.

Kalma, Phoebe. Hindi sa'yo ang lalaki na iyan.

I was expecting Keyden to smile after hearing what I said but instead, his frown deepen and he looked at me like I just lost my head or something.

"Seryoso ka ba?" Hindi makapaniwala nitong singhal. What did I do wrong this time? Bakit mukhang hindi ito masaya.

"Why? Don't you like movies? Pwede mo naman siyang ayain kung saan mo gusto after. Don't worry, I'll cover for you." Sabi ko while thinking na baka natatakot itong mabuko ng mga parents namin pero mas mukha lang itong nagalit sa sinabi ko at bigla na lang nitong hinigit ang balikat ko, "Don't you feel anything?!" he asked, clearly frustrated.

"W-what do you..." hindi ko na natuloy ang sasabihin ko nang agad itong tumalikod at biglang umakyat muli sa taas. Sa isipin na maghahanda na ito sa pag-alis ay hinayaan ko na lamang ito.

Ilang minuto lang ay muli itong bumaba, he looks fresh at mukhang bagong paligo. Pormado rin ito at halatang pinili nang mabuti ang damit na suot. Ganito ba ang itsura kapag pinaghandaan ng isang Keyden Fuentes? Malungkot na lang akong napangiti. Alam ko na hindi ko mararamdaman ang pakiramdam na iyon kahit kailan.

While looking at him, bumalik na naman sa akin iyong sinabi niya sa akin noong nakaraan at hindi ko alam kung saan nanggaling ang lakas ng loob ko pero natagpuan ko na lang ang sarili ko na bumubuka ang labi upang magtanong, "Keyden, about what you said last time," panimula ko.

Ilang segundo naman itong natigilan sa pagsasapatos bago ipinagpatuloy ang ginagawa.

"What? Make it fast, hinihintay na ako ni Charity." Irita nitong sabi at para akong binuhusan ng malamig na tubig nang marinig ang sinabi nito. Ganitung-ganito rin kalamig ang pakikitungo nito sa akin noong unang gabi namin. Para bang imahinasyon ko lang ang Keyden na nakasama ko rito sa bahay na ito. Hindi ko ipagkakailan na sa maikling segundo, umasa ako na pwedeng mabaling sa akin ang atensyon nito lalo na sa mga ipinakita nito sa akin. Expectations really leads to dissapointments. Maling hinigpitan ko ang kapit ko sa taong alam ko na sa simula palang ay pag-aari na ng iba. Para lang akong kumapit sa lubid na inaamag na.

Nang hindi ako nakapagsalita ay muli kong narinig ang boses ni Keyden, "Kung tungkol lang naman sa sinabi ko noong isang araw, kalimutan mo na iyon. Binibiro lang kita, bumigay ka naman." Sabi nito tyaka tumayo upang umalis.

Natulos na lang ako sa kinatatayuan ko at ni-pagngiti ay hindi ko na nagawa dahil parang may milyon-milyong kutsilyo ang sumasaksak sa puso ko habang nakatingin sa papalayong likod nito. Umalis siya para pumunta sa iba. Para puntahan yung totoong mahal niya. Alam ko naman, eh. Alam ko naman na hindi mapupunta sa akin ang tingin nito pero kahit ilang beses kong i-deny, kahit ilang beses kong sabihin na hindi sinasadya ni Keyden ang sinabi nito, kahit ini-expect ko na ang sagot niyang iyon, ibang klaseng sakit pa rin ang ibinigay nun sa akin. Mas masakit pa kaysa noong tanggihan niya ako noong unang gabi namin.

END OF CHAPTER 6

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon