10

11.2K 201 9
                                    

CHAPTER 10

PHOEBE'S POV

Kailan ba 'yung huling beses kong nakita ang mga ngiti na 'yun sa labi ni Keyden?

Nakakapanibago dahil parang ngayon ko lang nakitang ngumiti ang binata sa akin matapos ang ilang taon, madalas kasi ay nakasimangot ito at parang wala sa mood. Kumpara noong mga unang araw namin bilang mag-asawa, ibang-iba ang aura nito ngayon.

Ano kayang nangyare? May nakain kaya ito? Pero ano pa man iyon, nagpapasalamat ako na nagawa na niya akong ngitian ngayon. Sa isang iglap ay tila gumaan ang pakiramdam ko habang nakatitig sa ngiti niya.

I missed that smile. The kind of smile that he would always give me when we were kids. The kind of smile that I fell inlove with.

Tumingin ako sa langit at ninamnam ang kapayapaan sa puso ko. Kahit puno ng katahimikan ang namamagitan sa aming dalawa, napaka-peaceful pa rin. Walang awkwardness, walang galit, walang sisihan. Ang sarap sa pakiramdam ng ganito. Iyong katabi mo iyong taong mahal mo habang nanonood kayo ng stars sa gabi. Nagi-enjoy rin kaya si Keyden?

I bet, he wishes na sana, si Charity ang kasama niya ngayon imbes na ako. I'm still thankful tho. Kasi naisipan niyang ayain ako kahit ayaw niya sa akin.

He really is too nice for his own good.

Ini-enjoy ko ang katahimikang bumabalot sa amin nang biglang umalis si Keyden sa tabi ko. Akala ko ay hindi na niya kinaya ang presensya ko, akala ko hindi na niya kayang magbait-baitan sa akin pero ilang minuto lang ay bumalik din ito agad at may iniabot sa akin.

Hot chocolate at kumot. For me? Keyden, you really know how to push my buttons, huh? 'Wag namang ganyan oh! Paano ako makakamove-on sa'yo kung patuloy mo akong binibigyan ng mga memoryang mami-miss ko? Paano kita maiiwan niyan kung patuloy mo akong binibigyan ng pag-asa na baka pwedeng ako naman?

"Here. Lumalamig na lalo. Baka hindi kayanin ng sweater mo 'yung lamig. Sipunin ka pa, kargo de konsensya ko pa 'yun kasi ako ang nag-aya sa'yo rito." Litanya nito habang pinupulupot sa akin ang kumot na makapal.

Pasimple ko naman siyang inirapan kahit sa loob loob ko ay talagang kinikilig na ako. Natawa na lang ang binata nang makita nito ang ginawa ko at ginulo ang buhok ko. 'Yung buhok ko na dahilan kaya mas lalo akong natagalan sa pagbaba. Hanep, kung alam ko lang na guguluhin lang din pala ng isang 'to iyong buhok ko, sana hindi na ako nag-effort na ayusin pa 'to diba?

Charot, kung si Keyden lang din naman ang gugulo ng buhok ko, ayos lang.

Muling umupo sa tabi ko ang binata matapos nitong iabot sa akin ang chocolate drink na hawak nito. Hindi ko napigilang mapansin ang aliwalas sa mukha nito. Para bang katulad ko, napakagaan din ng pakiramdam nito ngayon.

A smile crept on my lips as I quietly sipped on my drink. I'm happy.

I was enjoying the silence and stars when he spoke, "It must be hard." Sabi nito habang nakatingala sa langit.

Hindi ko naintindihan ang ibig nitong sabihin kaya hinintay ko na lang itong magsalita muli, "It must be hard being married to me, sacrificing your own happiness for my own. I knew, I knew that you won't be happy with this set up. Sino ba namang sasaya kung isang araw, ipinakasal ka sa taong hindi mo mahal at para lang hindi siya tumakas sa responsibilidad, tinulungan mo siyang makipaglapit sa kaibigan mo? That's downright fucked up, but you did it. I don't know if you're just too nice or you're dumb, Phoebe."

"Who said I don't like you?" Ganti ko. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob pero sa lahat ng sinabi nito, roon ako naapektuhan.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon