27

11K 177 4
                                    

Early update <3

Chapter 27

Phoebe's POV

"Naknamputcha! Sino ka naman dyan? Grabe na talaga kayo, single lives matter, woy!" Tudyo ni Andrei nang ipakita- more like ipinagyabang- ko sa kaniya ang singsing na ibinigay ni Keyden. Kinuwento ko rin kung paano ang naging proposal nito dahil kulit ito nang kulit kung paano akong napa-oo for research purposes daw.

"Annulment ampota. Annulment pa nga." Tuloy pa nito pero tinawanan ko na lang ang binata dahil wala akong maisagot. Totoo naman kasi, annulment dapat ang ifa-file ko, bakit iba naman ata ang nangyari?

"Nag-aasaran na naman ba kayo?" Bungad ni Dad nang makapasok ito sa kwarto. Halatang sanay na itong nakikita kaming nag-aasaran dahil wala manlang bakas ng gulat o inis sa mukha nito habang nagsasalita.

"'To kasing si Andrei, Dad. Napaka-mature." Sumbong ko tyaka niyakap ito nang lumapit ito sa akin upang halikan ang tuktok ng ulo ko.

"Alam mo namang inaaliw ka lang ng batang 'yan. Huwag ka nang magtampo." Pakikisakay nito na tinawanan ni Andrei. Tila ba nang-aasar.

"Ay hindi po, Tito. Iniinsulto ko lang po talaga taste ng anak niyo." Pagpapatuloy pa nito kaya dinampot ko ang maliit kong unan na madalas kong yakapin sa pag-tulog para ihampas sa lalaki na tumawa lang.

"Saan nga pala ang asawa mo, 'nak?" Tanong ni Dad habang pumipili ng dyaryo na babasahin sa may center table. Hinanda talaga iyon ni Keyden para sakaling kapag bumibisita ang ama ko ay may magagawa ito. Ito rin ang na nagpapalit ng mga dyaryo sa latest na publish araw-araw.

"Pinabili ko po ng mango, Dad."

"Huh? Madami ka pang stock dito, ah? Araw-araw kang dinadalhan ni Andrei, hindi ba?" Nagtatakang tanong ni Dad.

"Eh, gusto ko kasi iyong mangga na ipinagdasal ng tindera." Sagot ko tyaka tumawa.

Andrei was looking at me like I just lost my head while Dad just sigh, as if giving up.

"Trip nito, oh." Bulong pa ni Andrei pero inirapan ko lang siya.

Ilang oras pa ang lumipas ay dumating na rin si Keyden. Pinagpapawisan pa ito dahil kanina ko pa ito pinapa-contact kay Dad dahil naiinip na ako at gusto ko nang matikman iyong mangga.

"Hey, Dad. Bro." Bati nito sa dalawa nang makapasok ito bago dumiretso sa akin para halikan ako pero bago pa ito makahalik ay dinukot ko na ang hawak nitong plastik na may lamang mga mangga.

Agad akong naglaway roon at pinabalat agad kay Andrei pero inagaw iyon ni Keyden upang siya ang magbabalat.

"Ako ang kumuha, dapat lang na ako ang magsisilbi sa'yo." Sabi nito nang pigilan ko ito dahil baka pagod na ito.

Hindi ko napigilang mapangiti habang tinititigan ang lalaki. Napaka-thoughtful niya talaga, wala na akong mahihiling pa. Just please, let me live longer.

"Siya nga pala, son, saan ka nakabili ng mangga? Pinadasal mo ba talaga sa tindera iyong mga tinda niya?" Natatawang tanong ni Dad pero parang wala lang ni tumango si Keyden. As if it didn't embarrassed him or anything.

"That's what my baby wants." Sagot lang nito na lalong nagpahulog sa akin rito.

God, I love this man. I can't wait to get better so I could marry him again.

****

KEYDEN'S POV

PARANG GUSTO kong umiyak habang hinahagod ang likod ni Phoebe habang sumusuka ito. Pagkagising nito kanina ay bigla na lang itong tumakbo sa banyo at nagsuka. Buti nga at naalalayan ko ito papunta sa banyo kung hindi ay baka sa tiles na ito nagsuka panigurado. Parang dinudurog ang puso ko habang walang tigil ito sa pagsusuka.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon