CHAPTER 13
PHOEBE'S POV
NAKAKAILANG siguro ang tamang word para ma-idescribe ang sitwasyon namin ngayon. Nasa harap namin si Charity na napakalapad ng ngiti habang nakaupo kaming tatlo sa sofa. Magkatabi kami ni Keyden na kataka-takang masama ang bukas ng mukha habang nakatingin kay Charity. Para bang hindi ito masayang makita ang dalaga. Hindi ba dapat ay halos magtatalon ito sa tuwa dahil sa wakas ay nakita niya ulit ang babaeng mahal niya?
"So, how's your honeymoon? Masaya ba?" Masiglang tanong ni Charity. Base sa tono ng boses nito ay para lamang itong kaibigan na excited na magpa-kwento sa mga nangyari sa amin ni Keyden pero alam kong sarkastiko iyon dahil sa talim ng mata na ibinibigay nito sa akin.
Para akong nahiya habang kaharap ang kaibigan ko. Pakiramdam ko ay trinaydor ko siya. Nangako ako na paglalapitin ko ang dalawa pero sa halos isang buwan naming pagsasama ay wala manlang akong nagawa para sa kanila. Ang tanong, bakit parang hindi naman masaya si Keyden na nandito ang mahal niya?
Nagpipigil ba ito dahil nandito ako? Dahil sa usapan namin noon na wala siyang gagawing hakbang kay Charity habang kasal kami? Bakit parang naninikip ang dibdib ko sa isipin na ako na naman ang dahilan kung bakit hindi magawang maipakita ni Keyden ang totoo niyang nararamdaman? Ako na naman ang humahadlang sa kasiyahan niya, nilang dalawa.
Nang hindi kami nakaimik ni Keyden sa tanong niya ay bigla itong bumaling sa akin. Napaka-sarkastiko ng ngiti nito na nagpasikip ng puso ko. Hindi ako sanay na makitang ganyan ang pagkakangiti sa akin ni Charity.
"Ikaw, Phoebe? Nasarapan ka ba? Naikama ka na ba ni Keyden? Kumusta?" Baling nito sa akin at pakiramdam ko ay nanlamig ang buong katawan ko sa tanong nito. Kung makatingin ito sa akin ay parang nakatingin ito sa pinaka-maduming basura na nakita nito.
"Charity, respect my wife or get out of our house." Madilim ang mukha na suway ni Keyden at para namang naging isang maamong tupa si Charity bago tumayo at sumingit sa gitna namin ni Keyden.
"I'm sorry, Keyden. I was just sad because I missed you so much. You were gone for far too long." Angal ni Charity habang nakapulupot ang mga braso sa leeg ni Keyden. Parang pinipiga ang puso ko habang nakatingin kay Charity na nilalambing si Keyden. 'Yan ang mga bagay na gusto kong gawin kay Keyden pero wala akong karapatan. Ngayong nandito na si Charity, ano nang mangyayari sa kin?
Hindi nagsalita si Keyden bagkus ay hinila niya si Charity papunta sa garden kaya naiwan akong mag-isa rito sa sala. Ngayong mag-isa ako, pakiramdam ko ay isa akong kandilang unti-unting nauupos. Pakiramdam ko ay napakasama ko dahil alam kong nasaktan ang kaibigan ko na makita kaming magkasama ng mahal niya.
Pahiram lang, Charity. Kahit isang taon lang.
Tinuyo ko ang luhang hindi ko namalayan na tumulo sa mga mata ko tyaka pumunta ng kwarto namin ni Keyden para hayaang makapag-usap ang dalawa. Ngayon ay damang-dama ko na isa talaga akong malaking harang para maging masaya ang dalawa. Ano ba talagang use ng existence ko? Buong buhay ko lagi na lang akong naghahabol. Namamalimos ng atensyon. Kung hindi dahil kay Charity ay baka dati ko pa sinukuan ang buhay ko pero ngayon ay sinisira ko ang buhay ng taong nagpadama sa akin kung gaano kasarap sa pakiramdam na magkaroon ng kapatid.
I'm so sorry, Charity.
Mabilis kong tinuyo ang luha ko nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at sa pag-aakalang si Keyden ito ay mabilis akong tumayo para sana lumapit sa binata pero natulos ako sa kinatatayuan ko nang makita ko si Charity na nanlilisik ang mata habang nakatitig sa akin. Kung noon ay pagmamahal bilang isang kapatid ang nakikita ko sa mata ni Charity, panghuhusga at disgusto na lang ang mababanaag dito ngayon. Pakiramdam ko ay kinapos na naman ako ng hininga dahil sa sakit ng nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
His Selfless Wife ✔️
Romance"I'm willing to help you find your happiness even if it means losing my own." -Phoebe Lynx Villanueva ©Whistlepen2019 Revision completed: 04/01/23