20

11.6K 193 33
                                    

CHAPTER 20

PHOEBE'S POV

I WOULD NEVER forget the look on Keyden's face nang isugod namin sa ospital si Charity. Puno ng pagtataka at katanungan ang ekspresyon ng mukha nito at mas lalo akong na-guilty. This is all my fault.

Kung hindi sana ako nawalan ng pasensya, kung mas pinalaki ko lang pag-unawa at pag-intindi ko, hindi sana ito mangyayari.

Kasabay ng pagbigat ng damdamin ko ay siya namang paninikip ng puso ko. Too much emotion is bad for me but I can't help it.

Tila ba hindi ko na maramdaman ang sarili kong mga sugat. Hindi ko pa ito napapatignan o napapagamot dahil sa pag-aalala kay Charity at mukhang hindi rin ito napansin ni Keyden dahil sa emosyon niya. Kung tutuusin ay kaunti lang ang sugat ko sa mukha. Galos at kalmot lang mula sa sampal kaya siguro hindi napansin ng binata.

Pero alam ko, alam kong madami akong sugat sa ibang parte ng katawan ko dahil hindi ako makalakad nang maayos at dama ko ang sakit ng mga sugat ko.

Nanghihina ako at gusto kong magreklamo sa sakit pero hindi na para pa ipaalam sa iba na nasasaktan din ako. I'm not here for a pity party, hindi ako narito para makipag-kompetensya kay Charity. Mamaya na siguro ako magpapagamot pagbalik ko sa hospital kung saan ako naka-admit.

Napatayo ako nang makita ko si Keyden na naglalakad nang nakayuko sa may hallway. Kitang-kita ang panlulumo nito base pa lang sa body movement ng binata. Bagsak na bagsak ang mga balikat at para itong hindi makapag-focus at hindi makalakad nang maayos. Kinausap nito ang doktor kanina para alamin ang kalagayan ni Charity habang ako ay nanatili sa upuan sa may hallway.

Hindi ko ata kakayanin kapag may masamang nangyari sa babae. Baka hindi ko kayanin kapag nalaman kong mas malala ang natamo nito kaysa sa iniisip ko.

"Keyden, a-anong nangyari? Ayos lang ba siya? Anong sabi ng doctor?" Agad kong tanong. Nilulukob ng pag-aalala ang sistema ko pero mas lamang ang guilt dahil kung hindi sana ako pumatol ay hindi mangyayari ito. Ako ang may kasalanan kung bakit na-ospital si Charity.

Napansin ko na nakatitig si Keyden sa akin nang matiim. Tila ba napakarami nitong tanong.

"Phoebe... It's not you, right? H-hindi naman... Hindi naman ikaw iyong gumawa noon, di'ba?" Nag-aalinlangan nitong tanong habang marahang hinahawakan ang kamay ko.

"Tell me the truth. Hindi naman ikaw iyong tumulak kay Charity, hindi ba? Because it doesn't make sense. Nothing makes sense. I know... I-I know na hindi mo kayang gawin iyon." Patuloy pa nito. I should be happy dahil hindi ako pinagbibintangan ni Keyden pero hindi ko alam kung bakit nasasaktan ako habang nakikita ang mga mata nito.

Puno ng kaguluhan, lungkot at pagaalinlangan. Para bang ang mga salita niya ay hindi para sa akin kung hindi para sa sarili niya. Tila ba kinukumbinsi nito ang sarili niya na hindi ako ang gumawa noon.

He really doesn't trust me, does he?

Nang hindi ako nakasagot ay tumitig lang ito sa akin. Tila ba binabasa ang ekspresyon ko. Gusto kong sumagot. Gusto kong sumagot na hindi ako pero alam ko sa sarili ko na kasalanan ko. Hindi ako ang nagtulak pero hindi ibig sabihin na hindi ako ang dahilan kung bakit nagawa iyon ni Charity.

"I-is it bad?"

Tila ba hindi makapaniwala itong natawa. Bakas ang lungkot sa mukha nito habang pagak na tumatawa at naiiyak. Mukhang hindi nito inaasahan na iyon ang lalabas sa bibig ko.

"So it was you, huh? And here I am, trying so hard to convince myself that it was not you." Galit nitong saad habang naiiyak na nakatingin sa akin. Bakas ang talim ng mga mata nito habang nakakuyom ang mga kamao na tila ba nagtitimpi.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon