CHAPTER 12
PHOEBE'S POV
PARANG natutuliro pa rin ang isip ko habang iginigiya ako ni Keyden sa iba't ibang parte ng bahay. Hindi mawala sa isip ko ang sinabi sa akin ng binata kanina! Ito na naman ang puso kong umaasa na baka may pag-asa tapos ako sa huli, ako lang din ang masasaktan.
Alam ko iyon pero bakit hindi ko mapigilang paulit-ulit na mahulog para sa lalaking ito? Para bang naka-default na kahit ilang beses akong masaktan, paulit-ulit kong pipiliin si Keyden.
"And this is the kitchen. I have checked with the architect, hindi 'to masusunog kahit ilang panok ang lutuin mo." Natatawang sabi ni Keyden habang ginagaya ako sa kusina.
Napaka-ganda nito, tila ba dinesenyo nang may pag-iingat. White, gold, and black ang kulay kaya naman napaka-elegante at malinis tignan. May malaking island counter sa gitna at mga stool habang kumpleto na rin sa kagamitan ang loob katulad ng stove, oven, ref, at kung anu-anong hindi siya pamilyar lalo pa at hindi naman siya namamalagi sa kusina. It was usually Keyden who's in charge of cooking.
Habang patuloy kaming umiikot sa bahay ay napagtanto kong tama nga ang iniisip ko habang papasok kami ng bahay. Mas maganda nga talaga sa loob. Simple lang pero napaka-elegante. Buhay na buhay ang loob dahil sa kulay ng pintura.
Siguradong mas magkakaroon ng buhay ang bahay na 'to kapag nagkaanak na kami ni Keyden. Mapait akong napangiti. Napaka-imposibleng mangyari ng iniisip ko dahil first, hindi ako maaaring magbuntis dahil sa kalagayan ng puso ko. Ilalagay ko lang sa kapahamakan ang sarili ko at ang nasa sinapupunan ko kung nagkataon na may ibang mahal si Keyden at hindi ko sisirain ang buhay niya dahil lang sa nagkaroon siya ng anak sa akin. Hindi kami pwedeng magkaanak dahil maghihiwalay rin kami.
Sino bang may sabi na gugustuhin ni Keyden na magka-anak kayo? Hindi ba't tinanggihan ka nga niya noong unang gabi niyo?
I couldn't help but to sigh heavily. Ang lakas manampal ng utak ko. Oo na, hindi na ako papatulan ni Keyden. Tanggap ko naman pero hindi ibig sabihin ay hindi na iyon masakit sa akin.
"Grabe, tita really did a good job with this. Siya ang nag-ayos ng lahat, hindi ba?" Kumento ko habang inililibot ang paningin sa paligid. Ayokong mahalata ng binata ang iniisip ko kaya naman nagkunwari akong interesado sa paligid pero habang patagal nang patagal, ang pagkukunwaring iyon ay naging totoo.
"This is fucking awesome." Hindi ko naitago ang paghanga sa boses ko nang magsalita ako kaya hindi na ako nagtaka nang marinig ko ang halakhak ni Keyden pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagyakap nito sa akin mula sa likuran. Nawiwili ang damuho sa pagyakap-yakap sa akin ah?
"That's the first time I heard you swear. It's hot." Halakhak nito kaya bahagya akong namula, hindi lang dahil sa reaksyon nito kung hindi pati na rin dahil sa pwesto namin ngayon.
"Panay ka biro. Pero hindi ba parang masyado naman atang malaki itong bahay para sa ating dalawa?" Tanong ko at hindi ko namalayang napasandal na ako sa dibdib ni Keyden dahil sobrang comfortable ng pwesto namin kahit nakatayo.
"That's okay. Atleast kapag nanganak ka hindi siya mahihirapang magtago dahil sa laki ng bahay natin." Bulong nito at parang nanindig ang lahat ng balahibo sa katawan ko dahil sa sinabi niya. Kapag nagkaanak na kami? Gusto kong sigawan si Keyden na 'wag niya naman akong paasahin. Na 'wag niyang pataasin ang expectations ko na pwedeng maging kami. Pero para akong natameme at naging tuod na hinayaan lang siya na yakapin ako.
Nasa kalagitnaan kami ng nakakabinging katahimikan nang bumulong na naman ang lalaking ito na nakayakap sa likuran ko, "Wanna see our bedroom?" And for the second time, nanindig na naman ang mga balahibo sa katawan ko at parang may kuryenteng dumaloy mula sa mga kamay ko papunta sa mukha ko. Dama ko ang paunti-unting pamumula ng pisngi ko dahil sa mga scenario sa utak ko na hindi ko pwedeng sabihin kay Keyden. Never!
BINABASA MO ANG
His Selfless Wife ✔️
Romance"I'm willing to help you find your happiness even if it means losing my own." -Phoebe Lynx Villanueva ©Whistlepen2019 Revision completed: 04/01/23