CHAPTER 24
PHOEBE'S POV
NAKATITIG AKO nang matiim kay Keyden habang abala ito sa pagbabalat ng mansanas para sa akin. Matapos ang nangyari kanina ay hindi na kami nagkibuan ulit. Ewan ko ba pero habang pilit siyang gumagawa ng paraan upang mapalapit sa akin, imbis na kasiyahan ay takot ang lumulukob sa akin.
Takot sa pwedeng mangyari sa akin. Takot sa pwedeng mangyari kay Keyden kapag nawala ako.
"I'm scared." Wala sa sarili kong naibulalas at natauhan lang ako nang maramdaman ko ang kamay ni Keyden sa pisngi ko. Tinuyo pala nito ang luha ko na hindi ko namalayang tumulo.
"Scared of what, Love?" Masuyo nitong tanong habang inilalapag ang mansanas upang ibigay sa akin ang buo nitong atensyon.
"Scared of what will happen after my death. Paano naman kung hindi nga ako mamatay? What if bumalik ka na naman sa dati na walang pakielam sa akin? Paano kung maubos na iyong awa mo sa akin?" Hindi ko namalayang inilalabas ko na pala lahat ng alalahanin ko ngunit hindi ko makita kung anong reaksyon ni Keyden dahil nakayuko ako. Natatakot akong tignan.
"Love, can you look at me? Hmm?" Malambing nitong sabi habang masuyong hinahawakan ang baba ko upang ipaharap sa kaniya. When I did, he was smiling softly as if my worries were nonsense.
"Phoebe, baby, do you know how crazy I am with you? Patay na patay ako sa'yo na handa kong gamitin ang koneksyon ko para lang hindi ma-process ang annulment natin kung sakaling i-file mo iyon nang walang pasabi. Patay na patay ako sa'yo na handa kong ibigay ang lahat, maligtas ka lang, mabuhay ka lang. So you can rest assured na hindi ako magiging gago ulit. I love you more than anyone else in this world, kayo ni baby natin." Pag-aalo nito habang tumatabi sa akin ng higa at masuyo akong inihihilig sa dibdib nito.
I felt so comfortable and at peace habang masuyo nitong sinusuklay ang buhok ko habang hinahaplos ang tyan ko.
"And you won't die. Hindi mo ako iiwan. Hindi pwede. Bubuo tayo ng pamilya at tutuparin ko ang pangako ko sa'yo sa altar noon na pahahalagahan at mamahalin kita. Hayaan mo akong tuparin 'yun, Phoebe. Hayaan mo akong alagaan ka at ang magiging anak natin. Hayaan mo akong makabawi sa inyo." Sambit nito habang hinahalikan ang tuktok ng ulo ko.
Right there and then, parang gusto kong gawin ang lahat mabuhay lang. Gusto ko pa siyang makasama nang matagal. Gusto kong maramdaman kung paano mahalin nang buong-buo ni Keyden. Gusto kong mabuhay.
It's funny. Noon, atat na atat akong mamatay. Pakiramdam ko kasi ay nag-iisa lang ako. Akala ko walang pakielam sa akin ang ama ko habang nagiging hadlang lang ako sa pag-iibigan nila Keyden at Charity. Pakiramdam ko, wala namang malulungkot kung mawawala ako. Pero bakit kung kailan masaya ako, kung kailan pakiramdam ko ay nasa tamang pwesto ang lahat, tyaka naman darating ang kamatayan upang agawin sa akin ang lahat ng kasiyahan na naramdaman ko?
Hayaan niyo naman akong sumaya, oh.
"Lalaban ako para sa anak ko." At para sa'yo. Gusto ko iyong idagdag pero hindi ko magawa. Siguro ay dahil natatakot ako. Natatakot ako na baka kapag dumating si Charity ay sa kaniya ulit sasama si Keyden. Siya na naman ang piliin nito. Natatakot ako na baka dumating ang araw at iwan na naman ako nito. Na baka iwan niya kami ng anak namin.
Tumango naman ito sa sinabi ko pero halata ang lungkot sa mga mata na agad ding nawala nang yumuko ito. Parang kumurot ang puso ko sa nakita. Nasasaktan ba ito dahil sa'kin?
"What about us, Phoebe?" Tanong nito kapagkuwan nang lumipas ang ilang minuto na walang nagsasalita sa amin. Puno ng pag-iingat ang tanong nito na tila ba natatakot ito sa magiging sagot ko.
BINABASA MO ANG
His Selfless Wife ✔️
Romance"I'm willing to help you find your happiness even if it means losing my own." -Phoebe Lynx Villanueva ©Whistlepen2019 Revision completed: 04/01/23