25

4.5K 69 3
                                    

Chapter 25

Phoebe's POV

"-At this rate, malaki ang posibilidad na mamatay ang mag-ina. I hope you'll think about this carefully." Habilin ng doctor bago lumabas ng silid ko.

The people inside the room were silent after hearing what the doctor said. Sino ba namang hindi matatahimik? Maaaring mamatay, hindi lang ako kung hindi pati ang baby sa sinapupunan ko kung hindi pipili ng isasalba? At ayokong piliin nila ako kaysa sa anak ko. Po-protektahan ko ang nasa sinapupunan ko hangga't sa makakaya ko.

Si Keyden ang naunang bumasag sa katahimikan, "Love, I love our child. You know that, right? But..." Tila ba nahihirapan itong magsalita habang mahigpit ang hawak sa kamay ko kapagkuwan ay mabigat na nagbuntong hininga.

"I can't lose you... Not like this..." Halos pabulong nitong patuloy habang nakayuko. I could feel it. Keyden wanted to sacrifice our child for my sake.

Bakit ba lahat ay gustong patayin ang anak ko? Alam ko na nasasaktan ko na ang mga tao sa paligid ko pero bilang isang ina, hindi ko kayang isakripisyo ang buhay ng anak ko para sa sarili ko.

"I can do it, Keyden. I'll survive. I'll fight for my child."

This is nothing. Mula bata ay mahina na talaga ang puso ko. Lumala lang ngayon dahil tumigil ako sa pag-inom ng gamot pero hindi ibig sabihin ay hindi ko na kayang lumaban. Lalaban ako para sa anak ko... At sa asawa ko. Lalaban ako para sa mga taong umaasa at nagmamahal sa akin.

I was preoccupied with my own thoughts na hindi ko namalayang nakatitig sa akin si Keyden. Puno ng paghanga ang titig nito na hindi ko napigilang mapangiti at haplusin ang pisngi nito.

"Just trust your wife, hmm?" Malambing ko pang sabi. I couldn't help but smile when he nuzzled my hand. Para bang gustung-gusto nito ang hawak ko.

"I trust you. Ipinapangako ko na hindi ako titigil hangga't hindi ako nakakahanap ng paraan para mailigtas kayong pareho. Trust your husband."

I do.

"Trust your father, too, anak. Nandito pa ako." Biglang singit ni Dad at hindi namin napigilang matawa nang makita ang pagsimangot nito habang nakatitig sa amin.

Akala mo naman hindi lumandi itong tatay ko kung makatingin sa amin.

"I trust you, Dad. Alam kong halos wala kang tulog kakaasikaso sa company habang naghahanap ng magagaling na doctor para sa akin. Thank you, Dad. So much." Pagpapasalamat ko rito at hindi ko napigilang mag-alala nang mapansin kong bahagya itong naluluha.

Since when did my Dad become a crybaby?

"Why are you thanking me for? I'm just doing my job as your father." Basag ang boses nitong sagot bago ako niyakap. Keyden gave us space and silently walk out of the door after squeezing my hand.

Nang makalabas ang asawa ko ay tyaka ko niyakap nang mahigpit ang ama ko. Tahimik itong lumuluha habang nakayakap sa akin kaya naman tahimik kong hinagod ang likod nito.

"You'll survive. Alam kong hindi ka aalis. Alam kong malalampasan mo ito, pero hindi ko mapigilang maramdaman na para bang ito na iyong huli beses kitang mayayakap, anak." Basag ang boses nitong sabi habang mahigpit ang yakap sa akin.

Hindi ko mapigilang maluha habang pinakikinggan ang sinasabi ng ama. Halata sa boses nitong nasasaktan ito pero pinipilit na maging matatag para sa akin.

"Alam mo, gabi-gabi kong pinapanalangin na sana hayaan ng Diyos na bisitahin ako ng mama mo kahit sa panaginip lang. If it's your mom, alam kong alam nito ang dapat gawin. Gusto ko rin itong pakiusapan na huwag ka munang kukunin. I'm sorry, anak. You're father is weak. All I have is my money pero kahit iyon ay hindi ka mailigtas."

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon