CHAPTER 2
PHOEBE's POV
"I'M VERY MUCH happy for you, bessy." Nakangiting bati sa akin ni Charity nang makapasok siya sa kwartong inuukupa ko bago ang kasal. Nakabihis na ako at hinihintay ko nalang na tawagin ako ng organizer nang biglang pumasok si Charity.
Nginitian ko lamang ang kaibigan at pinakatitigan ang maamo nitong mukha. Itong babae na ito ang mahal ng lalaking mahal ko. May masayang ngiti ito sa labi pero hindi nakatakas sa aking paningin ang pamamaga ng mata nito. Halatang umiyak ito at hindi naman ako tanga para hindi mahalata kung bakit. Alam ko na malaki rin ang pagkagusto nito kay Keyden at alam ko ay bago ianunsyo ang kasal namin ay inaya pa itong lumabas ng binata para mag-date.
Mapait akong napangiti. Ako ang dahilan kung bakit nagdudusa ang dalawang pinaka-importantent tao sa buhay ko. What an evil bitch.
"I'm sorry." Wala sa sarili kong sambit na halatang ikinagulo ng isip ni Charity.
"What do you mean? Ayos ka lang ba?" Tanong nito at bakas sa mukha ang pag-aalala pero nginitian ko lamang siya tyaka umiling.
Magsasalita pa sana si Charity kung hindi lang kami tinawag ng organizer at sinabing kailangan na naming pumunta sa simbahan.
Ilang oras na lang ay may dalawang buhay akong sisirain para sa kaligayahan ko. Pero liligaya nga ba ako gayong alam ko na may masisira akong buhay?
WALA AKONG maramdamang emosyon habang nakatayo sa harap ng pintuan ng malaking simbahan. Naguguluhan pa rin ako. Nasa tabi ko ang aking ama na may masayang ngiti sa labi. Halatang sobrang maligaya ito. Sana ganun din ako.
Nang bumukas ang pinto ng simbahan ay hindi ko naiwasang hindi humanga. Napaka-engrande ng pagkakadesenyo ng lugar. Halatang pinaghandaan at pinagkagastusan. Sayang lang at ako lang ata ang nakaappreciate.
Habang naglalakad ay napatitig ako sa kabilang dulo ng altar. Nakatayo roon ang lalaking matagal ko nang pinapangarap na mapasa akin at ngayon ay mangyayari na nga. But his heart is not mine. Hindi ko namalayan ang isang butil ng luha na nakatakas sa aking mata habang magkatitigan kami ng walang emosyon nitong mga mata. Ang mga matang iyon ang laging nagpapaalala sa akin na kahit kailan, hindi ako magiging mahalaga kay Keyden at sa papel lang kami ikakasal.
"Ingatan mo ang anak ko." Bilin ni Dad nang makalapit kami sa binata na tipid lang na tumango. Sabay kaming humarap sa magkakasal sa amin pero wala ako sa aking sarili. Hindi ko alam ang mangyayari pagkatapos nito pero sigurado ako na mas masasaktan pa ako. Hindi ko alam kung ano ang mas maganda, ang ikasal sa mahal mo na hindi ka mahal at makasakit ng damdamin o ang manatiling hindi ka nalang niya napapansin at mananatiling normal ang lahat.
"You may now give your vows to each other." Napailing nalang ako nang makabalik ako sa reyalidad. Humarap ako kay Keyden na kanina pa nakasimangot at halatang may malalim ding iniisip.
Huminga muna ako nang malalim bago ibinuka ang aking mga labi para magsalita, "I vow to love you as you love me, through all hardship, darkness, and pain to reach for our joys, our hopes, and always with honesty and faith. I promise you my unconditional love, tenderness, and undying devotion, to not ask you to be more than you are, and to love you for being you. I promise to prioritize your happiness before mine. I-I promise to you... That whatever happens in the future... I-I'll be happy for you." I vow as I looked into his eyes, tears kept on rolling in my eyes. May dumaang emosyon sa mukha nito pero bago ko pa iyon mapangalanan ay nawala rin agad na para bang nasa imahinasyon ko lamang iyon. Sa sobrang kagustuhan ko na magkaroon manlang ng pakielam sa akin si Keyden ay nag-iimbento na ng senaryo ang aking utak.
"I vow to... Love you... And cherish you." Maikli nito sabi tyaka umiwas ng tingin at alam kong nakatitig siya ngayon kay Charity. Mas lalo akong naiyak. Sa ibang makakakita ay paniguradong iniisip nila na sobrang saya ko pero hindi. Estranghero ang emosyong iyon sa akin. Hindi dapat ako ang nasa ganitong posisyon. Hindi dapat ako ang ikinakasal kay Keyden kung hindi lang ako naging makasarili.
"I now pronounce you, man and wife. You may now kiss the bride." Anunsyo ng pari kasabay ng palakpakan na pumuno sa buong sulok ng simbahan. Dahan-dahang itinaas ni Keyden ang belo na tumatakip sa aking mukha tyaka inilapit ang labi sa akin. Akala ko ay hahalikan niya ako sa labi pero hindi. Pinagmukha niya lang na naghalikan kami para sa mga taong nanonood sa aming kasal-kasalan.
"Keep your promise." Bulong nito bago lumayo. Naramdaman kong sumakit nang bahagya ang puso ko kaya pasimple ko itong sinapo.
Isang taon lang, heart. Isang taon lang ang hinihingi ko sa'yo bago kita hayaang bumigay. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon na makasama ang lalaking mahal ko at maayos ang pagkakamali ko pagkatapos.
Huminga ako nang malalim para pakalmahin ang puso ko tyaka napabaling sa aking ama na bakas ang labis na kasiyahan sa mukha habang pumapalakpak pero alam ko na masaya ito hindi dahil naikasal ako sa lalaking mahal ko kung hindi dahil alam nito na mage-expand pa ang business dahil sa partnership kasama ang mga magulang ni Keyden. I wonder kung masaya rin si Mommy para sa akin kung nabubuhay ito. Ano kaya ang gagawin nito? How I wish you were here, Mom.
"Congratulations." Bati sa akin ni Dad nang makalapit sila sa amin. Tango lang ang itinugon ko habang nakipagkamay naman si Keyden. "Ingatan mo ang anak ko." Bilin nitong muli na tinanguan lang ng binata.
HINDI AKO mapakali habang nakaupo katabi si Keyden na halatang kanina pa nababagot. Hindi ko makita si Charity mula nang dumating kami sa reception at nag-aalala na ako.
"K-Keyden, nakita mo ba si Charity? Wala pa siya hanggang ngayon." Pukaw ko kay Keyden na bahagyang napaigtad sa gulat. Hindi niya ako sinagot o tinignan man lang bagkus ay bigla nalang itong umalis nang walang paalam. Siguro ay hahanapin nito si Charity.
Sumakit na naman ang puso ko pero pinakalma ko ang sarili. Kailangan ko nang masanay. I will experience more of this for the next one year.
Sinubukan kong tawagan si Cha pero unattended ang phone nito. Ilang beses ko pang sinubukan hanggang sa nag-ring ito at sinagot nito ang tawag after three rings. Hindi pa ako nakakapagsalita ay nagsalita na ang nasa kabilang linya.
"Take care of him. Okay, best friend?" Napakalambing ng pagkakasabi nito pero alam kong malungkot iyon. Umiiyak ba ito? Mas lalo akong nasaktan lalo na at naririnig ko ang paghikbi ni Charity sa kabilang linya. Parang unti-unting binibiyak ang puso ko na kinailangan kong lumunok at huminga nang malalim upang makapag-salita.
"Of course, Charity." Ang tangi kong naisagot habang pilit pinipigilan ang luha ko na tumulo. No, not again. Kailangan kong masanay. Pinatay ko na ang tawag at pinilit ngumiti sa mga bisita na lumapit upang batiin ako at tanungin kung na saan ang aking asawa. Napakasarap sana sa pandinig ng salitang asawa ni Keyden pero alam ko naman na hindi para sa akin ang titulong iyon. Kailanman ay hindi magiging para sa akin ang titulong iyon.
-END OF CHAPTER 2-
BINABASA MO ANG
His Selfless Wife ✔️
Romance"I'm willing to help you find your happiness even if it means losing my own." -Phoebe Lynx Villanueva ©Whistlepen2019 Revision completed: 04/01/23