8

10K 206 8
                                    

CHAPTER 8

PHOEBE'S POV

TULALA ako habang hinahalo ang aking gatas kinaumagahan. Hindi pa rin ako makaget-over sa nangyari kagabi. Hindi ako makapaniwala na nag-momol kami ni Keyden.

Hindi ko ipagkakaila na kahit sa kabila ng sinasabi ng utak ko na hinahayaan ko ang lalaki dahil sa responsibilidad ko bilang asawa nito, may parte sa utak ko na sumisigaw na gusto ko ang nangyayari hindi dahil sa asawa ko ito kung hindi dahil si Keyden ang humahalik sa akin at hindi maipagkakailang napaka galing humalik ng asawa ko.

Akala ko pa nga ay tuluyan nang babagsak ang bataan kagabi, pero habang hinuhubad ni Keyden ang damit ko ay bigla na lang siyang nakatulog sa balikat ko. Nakakahiya man aminin pero kinailangan kong maligo sa kalignaan ng madaling araw.

Pakiramdam ko ay namula ang pisngi ko nang maalala ang pagkabitin ko kagabi. Hindi ako makapaniwala na halos murahin ko si Keyden dahil bigla na lamang itong nakatulog sa ibabaw ko nang akma na nitong huhubarin ang suot ko.

Kailan pa ako naging hayok sa bagay na iyon?

Nawala ako sa pag-iisip nang may biglang naglapag ng kape sa aking harapan, kasabay ng pag-upo roon ni Keyden na nagsimulang uminom ng kape nang hindi manlang ako tinitignan o binabati man lang.

Ano pa nga bang aasahan ko? Alam ko na mangyayari itong pag-iwas muli sa akin ng asawa ko kapag nasa huwisyo na ulit siya. Inaasahan ko na ang malamig nitong pakikitungo sa akin oras na hindi na ito lasing pero bakit nasasaktan pa rin ako?

Kahit anong paghahanda ang gawin ko sa magiging pag-trato nito sa akin, hindi ako naging handa sa sakit na magiging dulot noon.

Hinayaan ko na lamang siya at sinimulan ko nang inumin ang gatas ko na kanina ko pa hinahalo. Medyo lumamig na iyon kaya madali ko siyang nainom. I didn't try to look nor glance at the man in front of me. Nag-focus ako sa pag-inom ng gatas. Ni hindi ko na nga nakain ang pagkain na niluto ko para sa amin sa sobrang kagustuhan kong umalis at umiwas sa lalaki. 

Naging abala ako sa pagtungga ng gatas na animo'y alak iyon at ginawa kong one shot. Nang maubos at akmang tatayo na ako ay biglang nagsalita si Keyden, "About last night-"

Nang marinig ko ang salitang iyon ay alam ko na agad kung saan 'yun patungo kaya pinatigil ko na ito sa pagsasalita dahil paniguradong "kalimutan mo na iyon blah blah blah!" lang naman ang sasabihin niya kaya inunahan ko na siya. Siguro naman may karapatan akong isalba ang natitirang dignidad sa akin.

"I know that it was a mistake. Don't worry, kinalimutan ko na iyon." Una ko tyaka ngumiti para ipakitang ayos lang talaga sa akin at handa ko iyong kalimutan dahil wala sa tamang pag-iisip ang lalaki nang mangyari iyon pero agad ding napakunot ang noo ko nang mapansin na madilim ang mukha ng kaharap ko na para bang hindi nito nagustuhan ang salitang lumabas sa bibig ko.

"A mistake, huh?" Matalim ang mata nitong sambit habang nagtatagis ang bagang at rinig na rinig ang sarcasm sa boses nito. Kung makatingin din ito sa akin ay para bang gusto na ako nitong higitin.

Naalala ko na ganitung-ganito ang tingin sa akin ni Keyden noong i-announce ng mga magulang namin ang engagement namin.

Anong problema nito? Dapat nga ay nagpapasalamat siya sa akin dahil ako na mismo ang nagboluntaryong kalimutan ang nangyari. Hindi na niya ako kailangan pang pagsalitaan ng masasakit na salita para lang kalimutan ang ginawa niya. I helped him get rid of me. Hindi pa ba siya masaya? Ano 'yun? Gusto niyang siya pa ang magsabi ng mga sinabi ko, ganun? Para saan? Para mas masakit?

Mag-iisang linggo pa lang akong asawa ni Keyden pero masasabi kong confusing ang mga galaw niya. One moment, napaka-cold and distant niya. Then next moment, hahalikan at aangkinin niya ako tapos biglang papakalimot sa akin ang kung ano mang ginawa niyang kalandian sa akin.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon