CHAPTER 18
PHOEBE'S POV
ONE MONTH. One month na akong naka-admit sa ospital na ito and day by day, I can feel that I'm getting worst. Araw-araw ay pahina nang pahina ang katawan ko. Sabi ng doktor ay kailangan daw mag-perform ng operation sa akin. Sa isang buwan na namamalagi ako sa ospital na 'to ay si Andrei at Dad lang ang kasama ko. Hindi ko sila pinayagang ipaalam kay Keyden ang kalagayan ko. Alam kong kapag nalaman niya ay mapipilitan siyang samahan ako. Ayokong maka-apekto sa kung ano mang meron sila ni Charity.
I realized for the past month na kahit pa paano ay alam kong nagustuhan ako ni Keyden. Base sa mga kilos at salita nito, alam kong kahit paano ay nakapasok na ako sa puso nito pero hindi ko magawang maging masaya. Una, dahil alam kong masasaktan ko si Charity at pangalawa ay dahil masasaktan ko si Keyden oras na lumala pa ang kalagayan ko. Maiiwan siyang mag-isa rito. Hindi ko kaya ang isipin na kung kailan ako minahal ni Keyden ay tyaka ako nawala. Hangga't maaga pa, kailangan na naming tapusin.
Agad akong ngumiti nang makita si Dad na pumasok sa kwarto ko. May ngiti rin sa kaniyang mga labi pero bakas pa rin ang pag-aalala sa mukha nito habang nakatingin sa akin.
"How are you feeling, baby?" Masuyo nitong tanong at agad naman akong ngumiti nang maluwang. I tried to look cheerful and lively so he wouldn't worry pero I know that I failed. I look worst that the last time he came to visit. Ang laki ng ipinayat ko at nanghihina ako dahil nagsuka ako kanina.
"I'm fine, dad." Sagot ko naman agad pero hindi nawawala ang pag-aalala sa mukha nito kaya napahinga na lang ako nang malalim. Alam na alam nitong hindi ako ayos. Never akong naging ayos sa araw-araw na nandito ako.
"And the little one?" Tanong nito ulit habang nakatingin sa tyan ko. Masuyo akong napangiti habang nakahawak sa tyan ko. Ilang weeks after akong ma-admit ay nalaman namin na buntis pala ako at malapit nang mag-isang buwan ngayon ang tyan ko. Hanggang ngayon ay naaalala ko pa kung gaano ako kasaya at the same time ay natakot hindi para sa akin kung hindi para na rin sa anak ko lalo na sa kalagayan ko ngayon. Buti na lang ay nasa tabi ko si Andrei at ni minsan ay hindi niya ako iniwan o pinabayaan. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kaniya dahil hindi niya sinabi kay Keyden ang kalagayan ko. Kaya hindi rin ako pumapayag na magpa-heart transplant dahil alam kong magkakaron ng masamang epekto sa baby ko ang mga ituturok nila sa akin.
Hindi ko kakayanin na pati ang anak ko ay mawala sa akin. Kaya kong isakripisyo ang katawan ko, 'mailabas ko lang nang ligtas ang anak ko.
"He's fine. Hindi ko naman pinapabayaan ang sarili ko. He's my gift to Keyden kapag namatay ako." Nakangiti kong sagot at agad kong pinagsisihan ang sinabi ko nang mapansin ko na nanubig ang mata nito. I felt so stupid. So insensitive!
"You're always thinking about him pero ayaw mo namang ipaalam sa kaniya ang kalagayan mo." Sabi nito na bakas ang kalungkutan sa boses kaya pakiramdam ko ay gusto ko na namang umiyak. Kumusta na kaya si Keyden? Masaya kaya sila ni Charity? Wala na akong balita sa kaniya dahil ayokong masaktan. Ayoko nang masaktan.
Pinagbawalan ko si Dad na i-update ako sa kalagayan ni Keyden kahit alam kong kating-kati siya mag-kwento. Hindi ko ata kakayanin makarinig nang balita tungkol sa kaniya dahil alam kong lalo ko lang siyang mami-miss.
"This is for the best, dad. Mabuti nang ganito kaysa naman gawin ko na namang miserable ang buhay niya tulad ng ginawa ko isang buwan na ang nakakalipas." Nakangiti kong sabi pero umiling lang ito na parang hindi sang-ayon sa sinabi ko. Nang malaman ni Dad ang totoo noon- na pinilit ko lang si Keyden na pakasalanan ako kapalit ng pagtulong ko na makuha niya si Charity- halos magwala si Dad at gustong sugurin si Keyden na mabuti ay napigilan ko kung hindi ay malaking gulo iyon panigurado. Walang ibang dapat sisihin kung hindi ako lang. Wala nang iba.
BINABASA MO ANG
His Selfless Wife ✔️
Romance"I'm willing to help you find your happiness even if it means losing my own." -Phoebe Lynx Villanueva ©Whistlepen2019 Revision completed: 04/01/23