14

9.1K 164 6
                                    

CHAPTER 14

PHOEBE'S POV

RAMDAM ang ilangan sa pagitan namin ni Keyden mula nang umalis si Charity. Sinusubukan ko nang umiwas sa binata habang maaga pa. Hangga't kaya pang pigilan. Hindi siya nakakabuti sa pagkakaibigan namin ni Charity at mukhang napansin din naman iyon ni Keyden dahil napapansin ko na kapag magkakasalubong kami rito sa loob ng bahay ay tipid lang siyang ngingiti sa akin tyaka siya babalik sa pinanggalingan niya.

Pakiramdam ko ay nagi-guilty ako dahil wala namang kasalanan si Keyden pero nadadamay siya sa gulong pinasok ko. Kapansin-pansin na nawalan ng buhay ang mga mata ng lalaki simula nang iwasan ko siya. Dahil ba iyon sa akin? Sige, mag-assume ka pa, Phoebe.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa duyan para pumasok sa loob ng bahay nang maramdaman ko na medyo masakit na sa balat ang araw. Medyo matagal-tagal na din akong nakatambay roon para makaiwas kay Keyden na hindi pala pumasok sa opisina. Alam ko naman na hindi ko siya maiiwasan habang buhay pero mabuti nang ganito kesa naman pag-isipan ako nang masama ni Charity.

Technically, tama naman iyong iniisip ni Charity. I did try to work things out with Keyden. Akala ko may pag-asa, akala ko for once, kaya kong iignora ang mga tao sa paligid ko at mag-focus sa kasiyahan ko pero hindi ko pala kaya. Hindi ko kayang makitang nagkakaganun si Charity. The Charity that I saw last time was full of anger and jealousy. My bright Charity was gone and I couldn't take it. Lalo pa't alam kong ako ang dahilan.

Nang makapasok sa loob ng bahay ay agad kong nakita si Keyden na pababa ng hagdan at nang makita ako ay tipid na naman itong ngumiti bago bumalik sa taas. Napabuntong-hininga naman ako tyaka dumiretso sa kusina para maghanda ng ka-kainin namin. This is the least I could do for Keyden as his "wife".

******

ISANG ORAS na akong nakatunganga rito sa kusina at halos sabunutan ko na ang sarili ko nang maalala na hindi nga pala ako marunong magluto. Bakit ba kasi ang dami kong arte at may papunta-punta pa ako rito sa kusina? Si Keyden nga pala ang madalas na nag-luluto sa amin dahil ayaw nitong gumagalaw ako lalo na sa kusina. Baka mawalan daw kami ng tirahan.

Nasa harapan ko ngayon ang mga ingredients ng gusto kong lutuin pero hindi ako makapagsimula dahil hindi ko alam ang gagawin at kung paano ba simulan lutuin ito. I tried searching on the internet but to no avail. Hindi ko rin naintindihan at natatakot naman akong i-try dahil baka masunog ko ang kusina namin. Bago pa naman 'to.

"What are you doing?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Keyden mula sa likuran ko at nang makita nito ang mga ingredients na nakalatag sa island counter ay napailing na lang ito na para bang alam na nito ang sagot sa sarili nitong tanong habang may sinusupil na ngiti sa labi.

"You wanna cook?" Tanong nito tyaka baling sa akin. Nahihiya naman akong tumango dahil ako ang babae sa aming dalawa pero ako itong walang alam sa kusina tapos itong si Keyden ay napakasarap ng mga luto. I saw Keyden biting the inside of his cheek as he tried to suppress his smiles.

"Okay, I'll teach you. Simple lang naman magluto ng fried chicken." Sabi nito habang hinahanda ang kawali na paglulutuan. Oo na! Ako na ang hindi marunong magprito. Kasalanan ko bang takot ako sa talsik ng mainit na mantika? Nakaramdam na naman ako ng hiya dahil kahit na iniiwasan ko si Keyden ay nandito pa rin ang binata at handa akong turuan mag-prito.

Humarap naman ito sa akin nang mabuksan na nito ang stove. "Now, what will you do next after mong painitan ang kawaling paglulutuan mo?" Tanong nito na parang isang guro at bakas ang pagiging strikto sa tono ng boses nito. Halata rin ang paghahamon nito base sa tingin at pustura. Nag-isip naman agad ako ng susunod na gagawin. I knew I saw it on the internet pero para akong naba-blangko habang tinititigan ako ni Keyden.

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon