1

22.2K 337 35
                                    

CHAPTER 1

PHOEBE'S POV

"HOW MANY TIMES DO I HAVE TO TELL ALL OF YOU NA MAY IBA AKONG GUSTO AT HINDI IYON ANG BABAENG ITO NA PINIPILIT NIYONG IPAKASAL SA AKIN?!" Sigaw ni Keyden. Ang lalaking ipinagkakasundo sa akin at ang lalaking... Limang taon ko nang minamahal.

Masakit para sa akin na makita ang mukha niya na puno ng pagkadisgusto at pandidiri habang sumisigaw at dinuduro-duro ako na para bang isa akong walang kwentang tao. May kwenta nga ba ako? Mula noong mamatay ang aking ina ay nawalan na ako ng pakinabang sa pamilya ko lalo na sa ama ko.

"Keyden, ihjo, calm down. You don't want to anger your dad." Malumanay ngunit matigas na suway ni Tita Felipe sa anak. Wala akong magawa kung hindi ang mapayuko dahil sa hiya at sakit na bumabalot sa buo kong pagkatao ngayon. Ito na naman ako. Pang-ilan ko na nga ba itong fixed marriage? Pero lagi rin namang hindi natutuloy dahil kung hindi ako inaayawan ay hindi ko naman maibigay ang kanilang mga pangangailangan. Lagi nalang akong pinagtatabuyan at mukhang ganun din ang mangyayari ngayon. Mas masakit lang dahil mahal ko ang lalaking ito.

Naalala ko pa noong una ko siyang nakita. Isinama ako ni daddy sa mansyon nila dahil birthday ng kaniyang kumpare at doon ay ipinakilala kami sa isa't-isa. Halos mahulog ang lahat ng pwedeng mahulog sa akin nang makita ko ang gwapo niyang mukha. Walang babae ang hindi mapapatingin kapag dumadaan na siya. Pala-ngiti siya at pala-kaibigan noon. Naalala ko pa na siya lagi ang nauunang lumapit at kumausap sa akin kapag mag-isa ako sa mga parties na dinadaluhan ko kasama ng aking ama ngunit noong napansin namin na pinaglalapit kami ng aming mga magulang ay doon nagsimulang lumamig ang pakikitungo ni Keyden sa akin.

At nangyari na nga ang kinatatakutan namin. Ang i-engaged kami sa isa't-isa. Kinatatakutan ko nga ba? Masama na ba ako kung sasabihin kong ang isiping magiging misis ako ni Keyden ay nagpapasaya at nagpapa-excite sa akin?

Naputol ang aking iniisip nang maramdaman ko ang isang kamay na mahigpit na humawak sa aking braso at pilit akong pinapatayo. Nang tignan ko kung sino ito ay ganun na lamang ang gulat ko nang makita si Keyden iyon at napakasama ng tingin sa akin ng binata.

"We will just talk outside. If you'll excuse us." Magalang na paalam nito tyaka ako masuyong hinila palabas sa kusina at nang makalabas ay naging marahas ang kaniyang lakad at pagkaladkad sa akin na para bang nanggigigil ito.

Nang huminto ito ay nakatalikod itong nakatayo habang nakapamewang at mabilis ang paghinga na para bang pinapakalma ang sarili bago humarap sa akin at magsalita, "Siya ang gusto ko at hindi ikaw. So, I'm sorry pero hindi ako magpapakasal sa'yo." Deretso nitong sabi at hindi naman ako tanga para hindi malaman kung sino ang tinutukoy nito. Hindi lingid sa kaalaman ko na may gusto si Keyden sa aking matalik na kaibigan na si Charity at alam ko na may gusto rin ang aking kaibigan kay Keyden. In short, hindi ako ang bida sa sarili kong storya kung hindi isa akong kontrabida na sumisira sa magandang samahan ng dalawa.

Habang tinititigan ko si Keyden ay wala akong makitang bakas ng pag-aalangan sa gwapo nitong mukha. Handa nitong ipaglaban ang nararamdaman at naiinggit ako kay Charity na minahal siya ng isang Keyden Sebastian Fuentes. Naiinggit ako dahil napunta sa kaniya ang lalaking matagal ko nang minamahal. Naiinggit ako kasi alam kong kahit kailan ay hindi magiging akin ang lalaking ito.

"Why her?" Halos pabulong kong tanong at maging ako ay halos matawa sa aking tanong. Why her? Tinatanong pa ba iyon? Of course it will be her! She is the best choice. She will always be the best choice.

"Why not her? She's far more amazing and perfect than you." Mabilis nitong sagot na nagpangiti sa akin nang mapait. Tama siya. Para ko lang pinagkumpara ang daga at isang diwata.

Kahit parang nagbabara ang lalamunan ko ay pinilit kong ilabas ang nasa isip ko. Ito lang ang naiisip kong paraan para sumaya ang dalawang pinakamahalagang tao para sa akin. Hindi bale nang ako ang mahirapan pero hindi ko ata kakayanin kung makikita kong umiyak si Charity habang ako ay nagpapakasal kay Keyden at habang buhay itong ikulong sa isang miserableng buhay kasama ako. Hindi ko kakayanin kung pati ang dalawang ito ay mahila ko rin paibaba. "Y-you're right. So let m-me help you."

Nakita ko kung paano ito natigilan at bumakas ang gulat, pagdududa at pagtataka sa mukha na para bang hindi ito makapaniwala sa aking tinuran. "Help me?" Gulat nitong ulit sa aking sinabi kapagkuwan ay tumawa na parang nangi-insulto.

Tumango ako bago sumagot, "Oo. She's my bestfriend. Pareho kayong mahalaga sa'kin so let me help you. I promise, after this, hindi mo na ako makikita pa." Halos pabulong ang pagkakalabas ng mga salita sa aking bibig dahil pakiramdam ko ay ang liit-liit ko habang nakatayo ako sa harapan ni Keyden at tinititigan ako ng kaniyang mata na puno ng pagkadisgusto.

"How can I be sure na tutulungan mo nga ako? Paano ako makakasigurado na wala kang binabalak?" Paninigurado nito tyaka hinawakan ang aking baba at sapilitan akong pinatingin sa kaniyang malalalim at kayumangging mata.

Kahit naiiyak ay pinilit ko ang sarili na ngumiti at sumagot, "Because I'm willing to help you find your happiness even if it means losing my own." Then my tears started ko fall. Nakita ko pa na sinundan nito ng tingin ang luha na tumulo sa mukha ko bago sumagot,

"Don't cry. If you're really willing to help us, you shouldn't cry. Now, what's your plan? Be a runaway bride? You can't. You're father will be furious. I would know. I won't come in our wedding day? I can't. My father has a heart problem and I might be the cause of his death if I runaway." Paliwanag nito habang nakatitig sa akin ang walang emosyon nitong mata. Binitawan na rin nito ang aking mukha at may distansya na ang aming mga katawan pero bakit ang lakas pa rin ng tibok ng puso ko?

"Let's give our marriage one year then we'll file an annulment. Sabihin natin na hindi tayo nagkasundo. Na sinubukan natin pero hindi talaga nagwork. I'm sure na wala na silang magagawa roon. That always happens especially sa mga arranged marriage so they won't suspect anything then you will be free from me." Suhestyon ko.

Tumango naman ito kahit pa parang hindi naman ata ito nakinig sa paliwanag ko kanina.

"Sure, just make sure na walang magiging alam si Charity dito kung hindi ay hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa'yo." Sabi nito bago bumalik sa kusina.

Ngayong nag-iisa na ako at walang nakakakita ay hinayaan ko na malaglag ang mga luha ko na pilit kong pinipigilang tumulo habang kausap ko si Keyden.

Bakit ganun? May nagawa ba akong mali at nangyayari sa akin ito? Naging mabait naman ako ah? Bakit kailangan kong maranasan ang ganitong klaseng sakit?

Ikakasal ako sa lalaking mahal ko. Dapat ay nagtatatalon ako sa tuwa pero paano ko gagawin iyon kung alam kong hindi naman ako mahal ni Keyden at habang kinakasal kami ay iniisip nito ang annulment namin after one year? Paano ako magiging masaya kung alam kong kapalit ng kasiyahan ko ay ang kalungkutan ng dalawang tao na mahalaga asa akin?

But even if it hurts like hell, naniniwala ako na malalampasan ko ito. Sa ngayon, gagawin ko ang lahat para sa best friend ko at para sa lalaking mahal ko. I'll make sure na magkaka-happy ever after ang storya nilang dalawa.

-END OF CHAPTER 1-

His Selfless Wife ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon