KARINA'S POV
"Nakakapagod din pala magtraining noh?"sabi ko kay JOYCE habang naglalakad kami papuntang kwarto..
"Tara best punta tayo dun oh..."yaya ni Joyce sabay turo nito sa labas kung nasaan ang dagat...
"Hindi ba bawal ?"
"Ok lang yan noh malay ba nilang trainees tayo dito umarte na lang tayo na parang guest..common YNAH!!"kumbinsi nito sakin sabay hatak nito ng aking kamay..
Wala naman akong nagawa....Kaya ngayon nandito na kami ng bestfriend ko sa labas...Ang daming tao na naglalakad at namamasyal...Meron ding tumutugtog na live band at kung ano ano pa..
"Pa henna tayo girl ....."sabi ni Joyce na animo'y nakawala sa coral...
"Ikaw na lang best dito na lang ako"tanggi ko....At ang loka loka iniwan nga ako sa may dalampasigan magisa....
Nandito ako sa walang masyadong tao ang ingay kasi sa bandang pinuwestuhan namin kanina ni Joyce...
Naupo ako sa buhanginan...Habang nilalaro ang pinong pinong buhangin pero nagulat na lamang ako ng may sumigaw sa hindi kalayuan...
"NASAAN KA NA ERIKAAAAAAA????"dinig na dinig ko na sinasabi nito medyo madilim sa kinalulugaran ng mama kaya hindi ko maaninagan ang itsura nito....
At napaluhod na lamang ito sa may buhanginan....Hindi ko alam kung bakit may kung anong bagay na nagtulak sakin para tumayo at lapitan ang mama....At medyo ng malapit na ako tsaka mo namukhaan ang lalaki..."RAPHAEL?"gulat kong tugon....may hawak hawak paitong lata ng beer habang nakaluhod...
"Ok ka lang ba?"
Tumingin lang ito sakin....ang mata nya punong puno ng lungkot hindi gaya ng nakikita ko samga magazines at billboards....Ang gulo ng itsura nya na halatang sobra ng naparami ang nainom...
"WHO THE HELL ARE YOU?"galit nitong tugon.....
"Ynah....Karina de Asis Sir..isa po ako sa mga trainees..."nakangiti kong tugon kahit pakiramdam ko lumundag na ang puso ko sa sobrang kaba....Napalitan kasi ng galit ang lungkot sa kanyang mga mata....
"Will you please leave mo alone!!!"napataas na ang timbre ng boses nito..Oo sinisigawan nya ako na parang galit na galit sya sa mundo at sakin nya binunton lahat lahat ng galit nya.
"Sir...Mukhang naparami na po yung inom nyo....Kung gusto nyo poo......"pilit ko syang inintindi alam ko lasing lang sya kaya sya ganun..mabait si Raphael Esquivel at yun ang gusto kong paniwalaan.....
"I said leave me alone ano bang hindi mo makuha huh"tumayo na ito sa pagkakaluhod pero sa sobrang kalasingan ay natumba na ito buti na lang ay naging mabilis ang pagsalo ko...Guess kung ano ang posisyon namin....Heto kami nakapaibabaw sya sakin na sa sobrang kalasingan ay walana itong malay....Ang bilis ng kabog ng dibdib ko ni hindi ko nga magawang gumalaw...Nanaghinip na naman ba ako??
Ibinigay ko na ang buong lakas ko sa pagbuhat kay Raphael hindi ko na nga ininda yung mga taong nakakakita samin....Buti na lang ay may isang staff na nag assist samin sa isang kwarto ng hotel....
"Sige po Mam..Mauna na po ako..kayo na po bahala kay Sir Raphael"sabi nito na maihatid na kami sa isang bakanteng kwarto.
"Pero kuya......."pigil ko sa kanya...Hindi naman pwedeng magstay ako dito magdamag para bantayan si Raphael kahit mahal na mahal ko sya hindi naman ako ganun ka desperado syempre inilalaan ko ang aking pagkababae kapag ikinasal na kaming dalawa.
"Sige Mam...may duty pa kasi ako baka magalit sakin yung supervisor ko"muli nitong sambit at hindi na ako nito hinintay pang makapasalita at lumabas na nga ito..
BINABASA MO ANG
FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)
FanfictionPaano kung lahat ng inaakala mo totoo?Lahat ng ipinapakita sayo ay tunay naniwala ka sa lahat ng sinasabi nya dahil nga nabulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya..paano kung isang araw nalaman mo na lang na ginawa ka nyang panakip butas?Dahil hindi pa...