ERIKA'S POV
Walang lumabas na salita mula sa bibig ko na mismo narinig ko kay Raphael ang lahat..At paano ko itatangi sa kanya ang nararamdaman ko magkukunwari na naman ba akong hindi ko sya mahal kaya bang paniwalain ng salita ang totoong nararamdaman ng puso?
"Tell me Erika....I want to hear straight from your mouth kung ano ba talaga ang nararamdaman mo sakin na hindi lang ako nagaasume na hanggang ngayon mahal mo pa rin ako.."pamimilit nya,
"Ano bang hindi mo maintindihan Raphael na ilang beses ko ba dapat ulitin sayo na hindi na kita mahal kaya tigilan mo na yang paniniwala mo na hanggang ngayon mahal pa rin kita..Tama na wag na natin pang guluhin ang lahat kalimutan na natin kung ano man ang naging nakaraan nating dalawa bumalik ang alaala ko pero hindi ibig sabihin nun ay bumalik na rin ang nararamdaman ko sayo"
Hindi tumugon si Raphael nagulat na lamang ako ng yakapin nya ako ng mahigpit..Gustong gusto ko syang yakapin sa mga sandaling ito pero kailangan kong labanan ang lahat kailangan kong hindi magpatalo sa nararamdaman ko sa kanya..
"Hindi ako tumigil na mahalin ka Erika pero natatakot lang akong ipaglaban ka dahil alam kong masasaktan ka lang at ayoko ng maramdaman mo yun Erika ayoko ng masaktan ka dahil sa pagmamahal mo sakin"bulong nito habang yakap ako nahahalata ko na rin na medyo nangangatal na ang tono ng boses nya,
Kumawala ako sa pagkakayakap ni Raphael bago pa ako makalimot bago ko pa masabi sa kanya kung gaano ko sya kamahal...
"Tigilan mo na yan Raphael wag na natin balikan pa ang nakaraan dahil ako hanggat sa maaari ayoko ng maaalala pa yun..Harapin na natin ang ngayon at tangapin na may iba na tayong buhay ako kay Gabriel at ikaw kay Cassandra kaya please wag na natin pang pahirapan ang mga bagay bagay"pakiusap ko.
"Sana nga Erika...sana nga kaya kong utusan ang sarili ko na hindi kita mahalin dahil all this years ikaw lang dito sa puso ko....ikaw lang Erika"maluluha luhang sabi ni Rap sabay hawak sa magkabilang pisngi ko habang nakatitig sa aking mga mata..
Parang hinihigop ang lahat ng lakas ko sa mga titig nya para nya akong hihypnotize na parang namagnet na rin ang mga mata ko sa kanya.
"Ngayon sabihin mo sakin na hindi mo na ako mahal Erika Buenvenidez?"muling sambit nya,
Hindi ko alam kung bakit kailangan kong maipit sa sitwasyon na wala na akong kawala magagawa ko pa bang itangi kay Raphael ang totoo na ngayon ay hindi lang ang mga bibig namin ang naguusap pati na rin ang aming mga mata..Kaya ko bang magsinungaling sa kanya sa mga sandaling ganito?"
"Oo Raphael mahal na mahal pa rin kita...pero hindi pwede kaya kailangan kong kalimutan ka dahil marami pa akong kailangang ayusin dahil hindi ko pa kayang bumalik sayo hanggat hindi pa ako buo...May kailangan pa akong buuin ang sarili ko..."pagamin ko at kasabay nito ang pagpatak ng luha sa aking mga mata..
"Tutulungan kitang buuin kung ano man ang nawasak
"Raphael alam mo naman kung anong pinagdaanan ko diba? at ayoko na pati ikaw madamay sa lahat wasak na wasak nako ..durog na durog na ang dignidad na meron ako at hindi ako ang tamang babae para sa isang katulad mo na may magandang reputasyon kahit mahal na mahal kita hindi kayang baguhin nito kung ano man ang dungis na meron ako,,"
"Wala akong pakealam Erika...hindi importante sakin hindi kung ano man ang nangyari sayo dahil alam kong hindi mo naman kagustuhan ang nangyari sayo walang nagbago Erika handa akong tangapin lahat..Handa akong talikuran kung ano man ang reputasyon na meron ako para sayo lahat gagawin ko para muling mabuo ang pagkatao mo na muling ibangon ang dignidad na meron ka..."
"Hindi pwede Raphael..kaya parang awa mo na hayaan mo na ako magisa at hindi hindi ko hahayaan na talikuran mo ang lahat ng meron ka ngayon para lang sakin..Soon Raphael maiintindihan mo rin kung bakit ginawa ko lahat ng ito"
BINABASA MO ANG
FOR ALL OF MY LIFE (ASHRALD FF)
FanfictionPaano kung lahat ng inaakala mo totoo?Lahat ng ipinapakita sayo ay tunay naniwala ka sa lahat ng sinasabi nya dahil nga nabulag ka na sa pagmamahal mo sa kanya..paano kung isang araw nalaman mo na lang na ginawa ka nyang panakip butas?Dahil hindi pa...